tsorba

Balik sa page 1

( Tungkol sa mga kamag-anak at kakilala ko ang pahinang ito — paumanhin po. )

‘Normal na’ tuwing tag-ulan ang paglubog ng baybayin ng Laguna de Bay. Dahil sa nagdaan (at darating pang mga) bagyo, nakakakaba na naman ang urong-sulong na hangganan ng lawa.

Calamba. Taong 1996, walang natira sa bahay ng bayaw ko kundi ang pundasyon na sadya nyang tinaasan bilang paghanda sa malimit na pagbaha — nilipad ang bubong at ibinuwal ang pader. Sa inuupahang bahay ng nanay ko (malapit lang dun) sila sumukob. “Lola, wala na kaming bahay!” eka nung limang pamangkin kong maliliit pa lang nuon. Paghupa ng bagyo, bumalik na lang sa Laureola ang pamilya; yung lupa ng bayaw at ate ko, iniwan na lang sa pagkakasanla.

Nung 2006 (Milenyo), ang tinitirhan ng nanay ko naman, pinasok ng taas-baywang na baha. Rumagasa ang tubig mula sa ilog (mga 400 metro lang ang layo) at umapaw ang lawa (1 km). Daming gamit na nasira. Awa ng Diyos, ang nanay ko duon pa rin nakatira.

Nitong ONDOY, pantay-sahig PA lang naman ng bahay ang tubig-baho (sa bandang labasan, mula hanggang tuhod o hanggang leeg). Nangangamba ang nanay ko dahil tumaas-bumaba pa rin ang tubig hanggang ngayon. Hindi na kelangan ang isa pang bagyo (sapat na ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan) para muling maulit ang nangyari three years ago.

Angono. Nasa mataas na lugar (mahigit 2 kilometro ang layo sa baybayin) ang in-laws ko pero nasa kanto ng kalsadang pababa ang bahay nila. Pag UBER-lakas ang buhos ng ulan, ang tubig ihahatid papasok sa bahay ng nagtila-embudong parking-driveway mula sa gate, animo ilog na aagos sa loob, tapos lalabas sa bandang likod.

“Bakit kase duon sila tumira?” eka mo siguro.

“Eh hindi naman nagkakagay-on nuon dun!” mariing sagot.

Baguio. “Huwag na kayong lumipat sa Baguio, dito (N.Ecija) na lang kayo” eka daw kay misis ng ilang kakilala. Sabagay talagang nakakakaba ang ragasa ng tubig sa lote namin ruon pag malakas ang ulan… Lalayo ba ako sa peligro, o sisige lang dahil naruon ang trabaho? Kwidaw, hindi ubra ang lakasan lang ng loob — dapat pati tuhod. Baka imbes na makapasan, maging pasanin pa. Oo Baguio pa rin… lalung lalayo sa mga kamag-anak, kaso ‘duon ako’ eh. Eniwey, mas matigas ang lupa ruon — wala daw binakbak si PEPENG sa bandang amin.

Nueva Ecija. Hindi direktang dumaan ang bagyo dito kaya bukod sa manaka-nakang bugso ng malalakas na hangin, tubig na galing sa Pantabangan ang nagpabaha sa ilang bayan. Gayunpaman, ikinalulungkot kong sabihin na isang empleyado ng PhilRice ang nasawi kasama ang kanyang ina at dalawa pang kapatid sa landslide sa La Trinidad, Benguet. 😦

Sa mensaheng iniwan mo, you didn’t die in vain, kapatid.

( Naikwento ko lang. I know saturated na tayo sa mga balitang ganito… walang hindi apektado. )

————————————————————————————————

Sa bundok = gumuguho. Sa patag = binabaha. Wala ka nang kalagyan.

Nasa itaas ka ng tore? ← Pede kang lindulin [kaba].

Dehado ka rin sa sunog pag nasa taas ka ng building.

Nasa ilalim ka ng bato? ← Yang batong kublihan mo, pedeng gumulong sayo.

Kweba? ← Pinapasok na rin ng tubig yan… baka memya may sawa pa.

Open space? ← Pede kang tamaan ng kidlat, lamunin ng bumukang lupa,

o kaya bagsakan ng kumeta. [lunok!]

Ah, tsorba na yan! … Eniwey ingat na lang. Mag-isip, planuhin ang gagawin, gawin ang magandang plano. Higit sa lahat, maging maagap at parating handa. Makibagay sa Kalikasan — lalo’t matapos natin syang gahasain, hindi natin maaasahang makikibagay sya sa atin.

Pages: 1 2

Published in: on 18 October 2009 at 11:58 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/10/18/tsorba/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Mas ma-gets mo ito kung maalala ang istorya ko re Calamba sa “Tsorba” … Nabawasan ang pag-aalala namin
    dahil nag-ibakweyt na rin ang mommy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: