m∩d

► See other posts about my blogging

‘Blogging’ ang term na nakasanayan kong gamitin kapag nag-iinternet — kesyo tutuong blogging, social networking, internet-surfing, maki-news update. Basta ‘nasa mood’ akong humarap sa naka-online na pyuter, ‘blogging’ na rin, palibhasa pagba-blog ang isa sa mga una kong ginawa nung magsimula akong magseryoso sa pag-iinternet 26 months ago.

Photo hosting ang primerong habol ko sa Flickr dahil 50MB pa lang ang upload space sa WP nung magsimula ako; video hosting sa Youtube dahil malalaking files ang moving pictures. Hindi ako masyado sa dalawang yan.

Itong WordPress ang tutuong blogging: di lang posting, bloghop kasama rin. Those check-boxes are not necessarily ‘in real time’ but rather indicative of my prevailing mood or modes for a particular time. Pwedeng sakto, pwedeng hindi. Poreksampol sa baluga mode: nasa wisyo akong maglalabas ng bahay o bumaba ng building pero hindi ubrang 24 hours akong nasa labas, empre naman uuwi din ako o hahanap ng pwedeng masilungan… Ano, langgam? ‘Hindi natutulog?’

Avatar ko yang sunflower, di ko alam kumbakit sa pingbacks na lang lumalabas. Sa mga comments ganito ang pirming lumilitaw* → baka ekako nalito dahil sa paggamit ko ng iba-ibang display name pag nagko-comment nang hindi naka-logged in. Yang dalawa, para lang maiba-iba yung nag-a-apir sa pingbaks sa blog na ito. [ *see comment below ↓ ]

Wala pang sariling blog yang nasa gitna (new account) kaya hindi clickable kung nagamit ko man sa pag-comment sa blog nyo (para may pikyur ako dun). Ayaw kong i-link ang URL address nitong MpsD dahil baka ekako maglaho uli ang pagmumukha ko paris nung sa unang avatar ko. Kung meron mang links yang dalawa dito sa blog ko, idinagdag ko na lang yun later sa “edit comment”. Aush lang yun, nasa blogroll nyo naman ako di ba?😉

Napahaba uli ‘explain’ ko…😳 Eniweys, pinost ko lang ito para klikabol yung “Blogging na müd” dun sa werabawts.

————————————————————————————————

Napi-pingback-an ko ba kayo? Check this out → latakdispo ayos-blog.

————————————————————————————————

( mÜd and mowds )

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 October 2009 at 2:23 am  Comments (1)  
Tags:

One Comment

  1. […] Blogging na müd […]

    [20 Jan 2010]
    Okey na uli sunflower gravatar! ↑ Wahapen?


Comments are closed.

%d bloggers like this: