soul’s tok

( SCHEDULED POST )

Demonticon

Alipores, gusto mo din makita? Click mo → dito, taz iskrol mo konti pababa.

( Eto ang sampol ng ‘negative TRUTH’ ) Dula-dulaan ITONG kwento sa ibaba, kaya siguro naman walang mababahala o manggagalaiti kung babanggit tayo ng tungkol sa impyerno… Hindi ako ang may-akda, tinagalog ko lang:

————————————————————————————————

Isang senador ang nabundol ng trak habang tumatawid ng kalsada — patay!
Sa entrance ng langit, sinalubong sya ni San Pedro:

San Pedro: Maligayang pagdating! Teka muna ha, me konting problema.
Bihira kasi kaming makakita ng high government officials dito kaya hindi kami sure kung anong gagawin sayo.

Senador: ‘Alang problema dun — basta papasukin mo na lang ako.

San Pedro: Hindi ubra, may order si Bosing. Patatambayin ka raw namin ng isang araw sa impyerno at isang araw sa langit; tapos bahala ka nang mamili kung saan mo type mamalagi for eternity.

Senador: Nakapag-decide na ako — gusto ko sa langit.

San Pedro: Sori, pero may patakaran kami rito.

Di na nakaepal itong ating bida kaya inihatid sya ni San Pedro at pinasakay sa elevator pababa… pababa… pababa… pababa sa IMPYERNO.

Pagbukas ng lebeytor natagpuan na lang nya ang sarili sa isang maluwang at luntiang golf course. May clubhouse pa sa di-kalayuan, at sa harap nun ay nakatayo ang kanyang mga yumaong kaibigan — pawang mga politiko na nakasama nya sa tarbaho.

Golf = eto daw yun laro kung saan gamit ang patpat ay patatalsikin ang bola,

tapos susundan mo para hanapin kung saan napunta. (Dyoks lang …

maalam din akong lumaro ng hybrid-sport ng dyolens at “syato”)

Naka-evening dress ang lahat at masayang nagtatawanan.
Sumalubong ang lahat sa kanya, kumamay at beso-beso. Ni-reminisce ang kanilang maliligayang araw sa lupa, ang panahon ng pagpapayaman at pagpapakabundat dahil sa pagsasamantala at pagpapahirap sa maraming kababayan… Laro sila golf (saka ‘gulp’), dinner ng lobster, steak, caviar* at champagne.

*caviar = parang itlog ito ng butete (cf Le Cirque at Bobby Van’s — antutyal?)

Narun din si Taning (pikyur nya yung nasa bungad ↑ nitong post) na kapuna-puna ang galing makisama, hataw sa ballroom at krak ng grin-dyoks. Hindi tuloy namalayan ng senador ang paglipas ng oras. Oras na para umalis… So babay, babay, beso-beso uli.

Sakay sya uli sa lebeytor pataas… pataas… pataas… pataas… Naghihintay si San Pedro pagbukas ng pinto.

San Pedro: Sa langit naman, redi ka na?

Sa madaling kwento, lumipas ang 24 oras sa LANGIT na nakihalubilo sya sa grupo ng mga kaluluwang kontento, palipat-lipat sa mga ulap habang umaawit at tumutugtog ng harpa. Maya-maya lang eto uli si San Pedro…

San Pedro: O nakita mo na pareho… Ngayon mamili ka kung saan mo gusto — sa langit o sa impyerno?

Senador: (isip isep) Hmm… kewl dito (*Guwarkk! wattaburrr!*) pero palagay ko mas babagay ako sa impyerno.

So muli syang inihatid ni San Pedro sa lebeytor pababa… pababa… pababa… pababa sa IMPYERNO. Paglabas nya ng lebeytor, muli itong tumaas at iniwan sya sa gitna ng tuyot na kapaligiran na puno ng basura. Naruon ang kanyang mga kaibigan — mga nakadamit-basahan — namumulot ng basurang walang-tigil na bumabagsak mula sa itaas at inilalalagay ito sa itim na plastik.
Lumapit sa kanya si Taning at inakbayan sya.

Senador: Ba—Bakit nagkagay-un? Nandito ako last tym, me golf at clubhouse, nagkainan at nagbolrum-bolrum tayo… Ngayon puro basura at napakamiserable ng mga prends ko! Anung nangyare???

Satanas: Kampanya yun… Nakaboto ka na ngayon.

( John 8:44 — “he is… the father of LIES.” )

————————————————————————————————

Buti pa dyan sa kwento😆 ubra ka mamili kahit teggy ka na. Kung pwede nga lang sana na iayon ang TOTOO sa gusto nating isipin at mangyari.

Pages: 1 2 3

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/11/02/solstok/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. […] “… no hope.” [published] […]

  2. wehehehe… totoo nga! paraiso ang pangako pero impyerno pala ang dala🙂

    ————————————————

    Bok: Ibang klase “turncoat?” Hulog ng langit —
    fallen angel nga pala… Hintay nga ko ng impyerno’ng pangako, baka sakaling maiba naman hehe.

    Buti na lang dito hindi nagtatapos ang lahat sa pagboto.🙂

  3. hahaha!! buti nga sayong pulitiko ka!! hhahaa! at least, naranasan niya yung mga ginagawa niya sa mga botante! hehehe! pero impernes! natuwa ako sa kwento na to! hahaha!

    ————————————————

    HBH: Ahehe, nakahanap sya katapat, mas ‘wais’ pa sa kanya.

  4. ..ahahaha love it. galing!

    ————————————————

    HBH: Hi eser, salamat sa pagbisita.🙂
    Lagay kita sa blogroll ko brod.

  5. Hahahah! Magaling kayong gumawa ng kwento!

    ————————————————

    HBH: Kung yang kwentong yan, hindi ako ang may gawa, tinagalog ko lang.

    Maraming jokes (as well as inspirational messages) na nare-
    receive si misis sa e-mail araw-araw — sine-saved namin yun… Hinihintay ko tamang panahon kung kelan ito i-relay thru blog (mas gawain ko pag wala akong maisip na isulat) .🙂

  6. Wasak!

    ————————————————

    HBH: Wapak!

  7. […] Eto ang latest insertion → “katenpeys–dyoks
    para igrupo ang mga posts na ang main content ay mga kwentong ‘hiniram’ ko lang galing sa text o e-mail messages. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: