fLurk

Chinese egret, fly or lurk? (shot taken from my window)

Alam nyo ba yung “Plurk”? Hindi ito yun…

Mga lumipad at dumapo sa harap o likod ng aming building 1 2 3 4 5 6 7

Dalawang fostered:

1. BEBE-duck (2003 May). Naibida ko na ito minsan.

Madaling araw, kaaalis ni misis kasama ang hipag kong pabalik ng Maynila.

Mag-isa ako sa bahay, aantok-antok pa kaya nahiga uli. Iniwan kong bukas

ang pinto (wala pa kami hamster nun okey lang may makapasok na pusa).

Pagsulyap ko sa kusina, nakita ko ang puting bibeng yan. Gusbamp! Pusa, okey… pero BIBE?? Nakaakyat ng 4th floor? Nakipagtitigan sa akin — pa-side view, nakakiling pa ang ulo.

Nilapitan ko… Napagtanto yatang di nya ko kayang i-bluff (any further)

takbo sya palabas ng pinto papunta sa balkon. Konting habulan at gitgitan,

nahuli ko bago sya makaisip na tumalon sa veranda.

“Kuya Robert, may bibe kina Girlie!” text ng hipag ko habang nasa bus sila.

Residente sa mezzanine floor ang “Girlie” na tinutukoy nya, at nakita na

pala nila ng misis ko ang waet-dakki na yan sa pasilyo nung bumaba sila.

Wala akong paglagyan kaya ikinulong ko sa banyo (nasa labas ang CR).

Andumi ng paa (puro lupa) kaya naglagay ako ng batyang may tubig…

Tuwang-tuwa ang powtek na itek — tuwing kakampay, talsikan ang tubeg

basang-basa ang buong banyo pati ako.😆

Pagdating ni misis galing Maynila, ipinagtanong nya sa buong paligid sa

ibaba kung sino ang may bibeng nawawala… walang umangkin. Nagtagal

ng tatlong araw si bibe sa amin; yung banyo, nag-amoy gawaan ng balut.

Then, naalala ni misis na may kakilala syang may bibihan. Pwera istir,

pero alam nyo bang “Aling Daisy” ang pangalan ng kakilalang ito ni misis?

Totoo (peksman) — Daisy — as in Daisy Duck na gerpren ni Donald Duck.

So kay Aling Daisy na lang namin ibinigay… Primero, kinukuyog daw

ng mga bibe nya ang bibe namin, na nun lang namin nalamang gurl pala.

Natanggap din naman si bibe namin ng buong tropa kalaunan, nagkaasawa,

at nagkabeybi ng maraming bibe dun… and they lived happily ever after.

(Ilang panahon din kaming may libreng supply ng itlog)

2. KALAPATI-look-alike na mababa’ng lipad, sa 4th floor bumagsak.

2007 Feb 23 nangyari ito, about seven months BEFORE I started to blog.

Grouse ba ang tawag dito (di ko sure), yung maamo na palakad-lakad sa lupa? Minsan balahibo na lang ang makikita mo dahil nakana na pala ng pusa. Napulot ko sa balkon, may pilay ang isang pakpak.

Inilagay ko sya sa hawlang gagawin ko pa lang na bahay ni Isnowitwit nuon

(ginawang kumbento ni Syma, at syang type na tulugan ni Doray ngayon).

Akala ko nung una, mamamatay yang ibon dahil ayaw uminom o kumain.

Feb 24, pinalilipad ko, ayaw. Kalaunan, kumain naman ng paunti-unti.

Tatlong maghapon at magdamag syang ganun — halus walang kainan.

Umaga ng Feb 26, nagpakitang-gilas ibig lumabas. Narinig kaya ang huni ng mga kasama sa labas:

“Purukabutuuuu! … Purukabutuuuu!” (sa talaga ganun dinig ko) Di eun… pinakawalan ko sa bintana sa likod — um-okey naman.🙂

EscaPETs (Pet na umeskapo)?

3. LORO. Wala namang parrots in the wilds dito sa Muñoz, malamang may

may-ari nito. Ganda ng kulay, dumapo sa bintana pero lumipad din agad

nung makita ako. Hindi ko napikyuran.

Apat nakikisilong sa lilim ng building.

4. Mga MAYAng nakadapo maya’t-maya. Nagja-jamming, nagbibidahan.

Naghahasa ng tuka sa bakal na bintana.

5. Mahiyaing TARATitat. Antenna at mga puno sa di-kalayuan ang malimit

na tambayan.

6. ‘Ibsmol’ — ibong ismol na astig kung sumipol. `nukayayun? Anhaba ng tuka.

7. Ibong blakenwayt — wala din pikyur, mailap ang ISPAROW.

————————————————————————————————

8. Anader loro:

————————————————————————————————

May dalawa pa — walang planong DUMAPO… [ Oops, page 2 muna! ]

Pages: 1 2 3

Published in: on 13 November 2009 at 10:42 pm  Comments (7)  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/11/13/flurk/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. […] Seryus ako😆 Try mo yung igols ↑ […]

  2. ————————
    Doray Daga
    […] Oist, istoker na lurk ng lurk pero ayaw magcomment, ikaw yung flying-maus dun ↑ o😆 […]
    ————
    Nang-istok uli (Nov 17/21? … kita ko lang sa dashboard ko)🙂

  3. puro naman ka”birdie”han ang mga itech! mukang maypag beast master ka ata ah😀

    bk magka bird flu ka😀 ako ang tanging ibon na nahuli ko eh nung may baha samen, di din nagtagal at “sinipon” ata at bk nagka flu nga😀

    ————————————————

    Robby: Minyang!!!😀
    Beastmaster, astig! ‘kala ko nuon → zookeeper lang!
    Daga (pwera hamster) = lepto ; ebuns = berdplu…
    Sana me maisip ako tungkol sa oink-oink = ahini
    para kumpleto.

    Birdie nung baha… eto yun di ba? → ebung sinepun

  4. ryt, il KEEP ON SINGING😀 kahit na sintunado.😀 lyf goez on….

    wawa nmn pala ang mga egols😀 parang march of the penguins din . parang nat geo lang ngaun ah, may natutunan pa ko.

    ————————————————

    Robby: Hindi ko pa napanuod yan sa penguins — yung kay
    hapi feet lang, sitnotado pero magaling magtapdans.😀

  5. […] ( Amausendahaus 4.0 ) or ( fLURK, part 2 ) […]

  6. Today in werld histori:
    490 yirs egow, “da Pelepens was diskoberd by Magellan…”
    ————————————————
    (17 Mar 2011) *
    Powsang-dayo: At simula na pu iyun na kayu’y malahian ng korteng-tuka-ng-pawot na ilong.

    * (March 17 yun akshuli dahil nagkrots sila ng international dateline.)

  7. […] Nitong nagdaang Huwebes (September 1) pasado alas-tres ng madaling araw, minsan na naman kaming binisita sa 4th floor ng isa pang fly-by-da-nayt lurker…😯 […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: