latakdispo

► Tinginin lahat latakdisposts

Pagkatapos ng trabaho, trabaho pa rin.
Kahit ano gawin, me katapat na ligpitan. Pag di naasikaso agad, natatambak… Isa-isahin ko yung nasa werabawts:

1. Blogging. Page or post enhancement, kasama na laptop maintenance.

Dahil sa pagba-blog, nakaintindi ako ng webpage lingo. May ginawa akong set of HTML tags, sort of template sa pag-layout ng pages, kaya minimized ang logged-in time sa tuwing may ipo-post.
Bago dalhin ang mga ipo-post sa blog, empre sa harddisk ng PC muna: ang write-up, sa notepad o text software; ang video o picture, sa image editor. Lahat yan gagawin nang naka-off ang internet connection, kasi bumabagal ang pyuter pag naka-online.
Sa dami ng naipong text at image files, umuunti storage space sa hard disk (Ayun! kaya pala bumabagal). Kelangang mag-delete o mag-back-up. Time-consuming rin mag-organize ng files — kaya solb na solb ang TBng padala nuon ni 2nd brother.
Sa blog, dami ring pag-aayos o ‘ligpitan’ na dapat gawin.
May napuna akong misspelled word o wrong grammar sa pages at past posts, pwede naman ikorek ay bakit hindi? Klaro: errors lang sa writing or layout ang aayusin ko [no problem, aminado naman akong di maka-nosblid mag-english]. Sa ideya o opinyong sinabi, WALANG galawan! Kung may inaccuracy sa technical info, imbes na IKUBLI thru revision or editing ay erratum na lang ang i-append. Pag basta PINALITAN o BINURA mo kasi pwede kang mag-deny o mag-maang-maangan — “Sinabi ko ba un? Wala ako sinabing ganun!” Ahehe sowee po, nanghuhuli lang.
Napansin ko ring iba pala ang looks ng blog ko sa browser (Internet Explorer) ng netbook ni misis kumpara dito sa browser ng laptop ko (Mozilla Firefox) — dami ‘garbage’ sa IE, at iba ang fonts or spacing. Kating-kati akong baguhin ang LAYOUT ng matagal nang posts, yung mga entries na ginawa ko nuong hindi ko pa gamay ang pagba-blog.
Eto pa… may mga tools & features pala ang wordpress na hindi ko nakita agad nuon, tulad halimbawa ng mga ‘page jumps’ kung saan pwedeng i-lead ang readers maski saang saktong linya sa post. (Try mo klik ito → number 4). That way, hindi ako limitado sa page breaks tulad ng “more” at “next page”. Sa tulad ko na malimit mag-link sa archives, napaka-useful ng page jumps; Mula nuon hanggang ngayon, konektado ang mga ibinibida ko rito. To enable page jump, a ‘unique identifier’ must be inserted in the post; this can only be done in the edit mode.
Ganun din pag magsisingit ng TAGS, kelangan pa i-(quick) edit ang post. Eto ang latest insertion → katenpeys—dyoks para igrupo ang posts na may content o kwentong ‘hiniram’ ko lang galing sa text o e-mail messages… Obyusli, ang blogroll post ang malimit na ma-update dahil sa regular kong pagdagdag ng links ng kapwa ko blogger.
I am saying this kasi kahit wala na tayo kuneks, posibleng napipingbakan ang blog mo* EVERYTIME na magse-save ako — hindi ko sadya yun, peksman. *Chances are, ini-linked kita NUON sa post; at hindi ako magtatanggal ng nai-linked na. Kung di mo type pingbaks ko, pwede i-moderate sa discussion settings mo…

2. Mansyon ng Daga. Ano ito? mouse-ismol Taputna, eto latest pikyur → Ngyawu?

Pagdating ng alas sais ng hapon, nagkalat ang lagare, drill and drill bits, screws and screwdrivers, mga pako at mawtiwyo — balik lang sa toolbox. Yung mga natira retaso (kahoy at plywood) na akshuli ay mga latak na galing sa pagpe-frame ko: tapon ko na ba o pede pa ULI gamitin sa iba? Hmp! Tapon na! Wala pa ako time gumawa ng Mansyon ng Langgam.
Si Doray na lang ang natitirang alaga ko… May ilang ancestral cages dito ang scheduled for demolition. Nabili ko ang ilang steel cages nuon pa (1998) long before the hamster clan of this blog came into being. Ubra pa i-recycle ang mga rehas sa renovation, pamalit sa mga wooden or wiremesh screen sahig ng mansyon na nginatngat ng ilang myembro ng angkan. Talaga ganun… kelangan nila magpulpol ng ngipin, pag hindi e hahaba.

3. Put—tong!

Tatlong basic tools na kelangan lang takpan pag hindi na ginagamit: pang-PUTOL, pang-DUGTONG (click mo dito) at yung mat cutter. Dami uli retaso: frame mouldings, plywood, salamin, matboard. Kung hindi na makakabuo ng isang frame, duon ↑ na nga ang tungo — sa assembly line ng mansyon ng daga.

4. Ligpit-bahay.

Hindi ako sanay na wala magawa. Pag umay na ako dyan sa 1, 2 at 3, home-fixing or re-arrangement at general inventory and cleaning ang haharapin ko… Latak-disposal na rin! Dapat na bang mag-gudbay ito? Alin ang ubra na itapon? ‘Tong sang to, ibebenta ba o ipamimigay na lang?
Kung magdadagdag rin lang ng gamit, mas pipiliin ko yung pwedeng paglagyan kaysa dun sa mga ilalagay. Halimbawa: may internet naman kaya hindi na ako gaanong bumibili ng mga libro. Pero dahil di ko mabaklas sa sarili ang lab sa buks, hindi ko pa maidispose ang ilang naipon ko dito. Hindi ko rin matanggihan pag may type na magbigay, tulad ni bespren: mura daw ang reference books sa S.A. kaya asked nya ako ng subject na interesado ako…
“Huwag na about photography,” ekako, “Dami ko na alam dyan (jokes).”
Itong nasa pikyur ang pinadala nya ayon sa napili ko. O ha?
Pede ako gumawa ng cabinet, drawers o bookshelves. Book cases ang susunod kong gawin na ang ibabaw ay ubrang pagpatungan nyang mansyon… Basta dagdag-paglalagyan ang personal karpentri projects ko ngayon. Year 2001 pa ang mga ito. ↘
Mahabang idetalye ang latak-disposal dahil ang kelangang iligpit ay yung mga bagay na nag-accumulate simula nung mapasok ako sa trabaho at malipat dito sa probinsya (personal, conjugal, familial, etc)…
NGAYON PA LANG dapat nang magbawas-bawas ULI. Mahirap lumipad lumipat paakyat ng bundok nang maraming dala-dala. Seryus ako, try mo `to. → igols

5. Baluga.

Anong ligpitan ang meron dito? … Wala!
Pag wala ako sa sariling bahay, wala ako magawa kundi lamyerda… Truli, ang baba-luwas-gala na nga yata ang pinaka-PAHINGA ko ngayon.

Pages: 1 2

Published in: on 17 November 2009 at 2:36 pm  Comments (11)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/11/17/latak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. salamat sa pag-apak sa isang sulok. ehehehe.
    di ko alam kung paano ka dun napadpad.

    maraming salamat din sa comment.^_^

    http://basime.wordpress.com

    ————————————————

    HBH: Ano, limot mo na agad?
    Una kang napadpad dito sa lungga ko brod. 🙂

    Click mo ito → 1st comment ni eser

    Ur welcome. 😉

  2. Busy pala talaga kayo! Huh!

    Nakarating ako sa post niyong ‘Bestfriend’… Saan kaya ang place nya rito sa S.A.? Baka dinadaan-daanan ko lang.

    Natatawa ako sa picture niyo under ‘Baluga’! Galing, ah!

    ————————————————

    HBH: Hindi gaanong mahilig sa pag-iinternet si bestfriend,
    kaya contact namin ay thru phone calls or text messages lang. Oo, palagay ko dun din mismo sa lugar na malimit mong ikwento sa blog mo, Adelaide.

    Yang pikyur 😀 sa eaves ng bintana sa likod ng building.

  3. […] Ilan lang ito sa mga nahalungkat ko sa aking pagla- latak-dispo: old coins and bank notes, local or foreign
    [Ahehe, aanhin ko nga ba ang mga ito?] […]

  4. halatang mas masaya ka sa iyong pag-painting, bok. anlaki ng ngiti mo sa piktyur e. habang dun sa PC ang katapat mo e seryoso ang iyong mukha 🙂

    happy new year!

    ————————————————

    (04 Feb 2010)
    Bok: Wehehe, yung pikyur kung kalbo na ahit pati kilay? 🙂 Actually, cross stitch yang “Wild horses” pinaframe lang sa akin.

    Manu-mano ako kung mag-illustrate at magdrowing ng
    kartuns nung bago pa nauso ang PC. [ Yang pyuter ko dyan — AMD K6-II, Windows 98 😆 hanggang ngayon gumagana pa.]

    Yes! Happy 2010!

  5. […] Bisi-bisihan kaya hindi na nakakapag-internet. […]

  6. Nagpi-pingback pa ba ang mga posts ko sa blog mo?

    Everytime a post is saved in the edit mode, pingbacks still appear on the linked blogs or posts EVEN IF the linking was made a long time ago. This is true regardless of whether the linked posts (or blog) is mine or not… I do not remove links, so just ignore the pingbacks.

    I edit past posts in my archives only to:

    insert page jumps,

    add photos — or replace existing photos with better ones,

    improve the ‘messy’ layout, and/or

    polish wrong grammar (rarely, if ever I see one).

    If my pingbacks still bother you, here’s what you can do:

    Delete the pingbacks.

    Barr my site altogether… Sa discussion settings yun, bata. 😉

    Detalye nyan, nabanggit sa post sa itaas. ↑

    […]

  7. […] Plano ko sanang gawing baras, kaso nung napalipat ako dito sa 4th floor, walang poste o puno akong mapagkabitan. Ang tagal nang naka-istak lang ang tubo, anu bang gagawin ko dito? Ah, alam ko na… […]

  8. —————————
    Lance hAMRSTerRONG
    Ten-ten-desaraten, gulong ni bosing.

  9. […] Latak-dispo inventori muna: bulsababol sulong-de-kowyente (Pocket Flashlights). […]

  10. […] And now, for our “Putok 3” details — latakdispo inventori ule: mga mumurahing Putokolektibols sa aking armori. […]

  11. […] Latakdispo inventori! Sari-saring Pang-nyut-kolektibols in my kastodi. Hindi pa uso digital cameras nuon kaya halos lahat ay 135 film ang bala. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: