evac-w8

Unang luwas ni Doray.

Ang totoo nyan, pangalawang byahe na ito ni Doray dahil sa Cubao ko sya binili (26 Jan 2009). Hindi ako nakapagkwento tungkol sa byahe namin nuon, kaya magpa-flashbak ako nang kaunti…

————————————————————————————————

Pag bumili ka ng hamster sa petshop, sa maliit na CORRUGATED BOX lang nila ito nilalagay, bubutasan ng maliliit ang kahon para makahinga. Ayus lang kung malapit ang bahay mo — paano kung 4 hours ang byahe pauwi sa inyo?

Para hindi magligalig ang daga, pinalagyan ko ang kahon ng isang dakot na WOOD SHAVINGS (pet litter) na galing mismo dun sa glass cage nilang magkakapatid na pinagkuhanan sa kanya. Malakas ang pang-amoy ng mga hamsters at balisa sila pag nilipat ng lalagyan. At least, may naiwang scent ang kanyang mga braders at sisters dun sa hiningi kong pet litter.

Isinara ang kahon, ni-“locked” gamit ang isang kaprasong scotchtape, at inilagay sa isang SUPOT NA PLASTIC. Bitbit ko ito mula sa Shopwise (dating Fiesta Carnival) hanggang sa terminal ng Baliwag transit. Kulang-kulang isang kilometro din yata ang layo nun.

Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakaupo sa waiting area ng terminal, may naramdaman akong nagkikikislot sa loob ng plastic… Si daga! Nakalabas ng kahon, at ibig LUMUNDAG palabas ng supot! Sa wari ko’y kanina pa nya nabuksan ang kahon habang naglalakad ako, buti na lang hindi sya nakaalpas — naghabulan siguro kami nang wala sa oras sa kahabaan ng EDSA kung nagkataon.

Kaya ayun… Habang sakay na ng bus, apat na oras kong tangan sa pagkakasara ang kahon. Hindi ko nagawang umidlip maski konti sa kahabaan ng byahe, dahil maya’t-maya kung NGATNGATIN ang mga butas sa kahon.😆

Hindi kasi planado kung kelan bibilhin, biglang naisipan lang nung araw na yon. Well, at least nailista ko ang mga bagay na dapat nyong tandaan sakaling maisipan nyo ring bumili ng hamster. Sige, balik na tayo sa tutuong istorya ng post na ito…

————————————————————————————————

Ang nakita nyong kahon sa pikyur sa itaas ay ang Isnobol transport box, isa sa mga naiwang karwahe ng angkang umampon kay Doray. Yari ito mula sa iskrap ng tabla at kahoy (pinaglagyan ng mga imported na prutas sa palengke) at ginawa ko nung year 2006 para ihatid sa Maynila ang isang miyembro ng Chiaroscurogang (litter) sa bago nitong caregiver.

Nagsilbi din itong temporaryong tirahan* ni Doray nuong ← beybi pa sya, bago napalipat sa hamster cage na naiwan ng pinakahuli nitong residente na si Wiggler Mocha.

[ * Isinama ko ang pinaglagyang corrugated box para

hindi sya gaanong ma-stressed sa paglipat. ]

Mas komportable itong dalhin kaysa sa mga naunang transport carriages kaya ubrang gawing ibakwesyon box in cases of emergency, at yun na nga — tuwing may mahaba-habang baluga! Emergensi Vehikol At Cage na rin, o ha?

Jet-logged! Sa pinakalikurang upuan ng bus kami napasakay.

[ “Jet-lagged!” pala — sowee ]

————————————————————————————————

Baba-luwas-gala werabawts about two weeks ago

“Alis tomoro… [ Nasa bayan ni Rizal sa berdey ni Bonifacio. ]” :

• 29 Nov4:15pm ~ Muñoz, Nueva Ecija to Calamba, Laguna ~ 10:45pm

• 30 Novovernight ~ Calamba, Laguna ~ overnight

• 01 Dec2:00pm ~ Calamba, Laguna to Muñoz, Nueva Ecija ~ 8:00pm

————————————————————————————————

Kumusta naman po ang bakasyon ni Doray

sa Calamba?

Ramdam nyang hindi ito ang nilakhan at nakasanayang lugar: iba ang ambience — malamig-lamig na temperatura, banayad na ihip ng hangin, mga bagong tinig ng tao at huni ng mga hayop sa paligid… Mahigit dalawang araw ding nakikiramdam, singtahimik ng dinatnan nyang mga wabbits at tedi-bews ng aking ermats.

Si Doray sa sahig na tinakbu-takbuhan ni Bitoy na ninunong daga.😆

[ Hindi na kelangang dalhin yang fruit crate pag nayari ang tutuong “EVAC” ]

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/12/13/evac-w8/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. nakakatuwa naman si doray… buti di xa nagsuka sa byahe.. ngkajetlog lng hehehehe.. itay..

    gusto ko tlgang mag-alaga ng hamster.. ks nung nag-alaga ako nyan kinabukasan … pinaglalamayan na yung hamster… pinutakte na xa ng mga alaga kong pusa… sa nagyun… cla kitty na lng muna.. pag may mlaki na akong lupain sa ako ulit mag-aalaga.. para may sarili na clang teritoryo//

    ————————————————

    Itay: Mali pala yung sipeling ko😳 ayun nikorek ko na. Pinainom ko si Doray ng bonakid – eheste, bonamine pala
    kaya hindi nagbyahilo.😆 (Dyok lang – hindi dapat basta pinaiinom ng kahit anong gamot ang hamster)
    Antok sya dyan kasi may araw pa…

    Nanay ko ang talagang dahilan ng pag-uwi namin sa Calamba
    page 2 nyang post.😉

  2. nakakatuwa naman yung biyahe ni Doray hehehe.. ang likot pala talaga ng hamster.. nasa biyahe kasi kaya ganun..

    may mga lugar pa pala hanggang ngayon na nasa baha pa rin? dahil po ba yan dun kay Ondoy/Pepeng? or sadyang ganyan na talaga yan..

    Happy Holidays po!

    ————————————————

    (03 Jan 2010)
    HBH: Oo, naninibago lang kaya gising, pero ang tutuo maghapon kung matulog ang hamster (pati tenga nakatiklop) dahil silaw sa liwanag. Mas aktibo sila pag gabi, paris nyang
    nasa video nung nasa Cloverleaf. Kahit malabo ang mata,
    mas nakakaaninag sila pag gabi… Samantalang ako —
    “Balintawak ba ‘to?” “Nas’an na yung Bonifacio?”
    hindi maitsurahan ang nasa labas kasi di ko suot antipara ko.😀

    Tama ka, nung Ondoy pa yang baha sa Calamba — tutuo pala ang sabi nila nuon na aabutin ng Disyembre bago bumalik sa normal nitong taas ang Laguna de bay.

    A Prosperous 2010 to you!

  3. Well-documented ang pamamasyal ng hamster. Next post po ba ay ang pamamasyal ng Mom niyo sa North America?

    Maligayang Pasko! o”,)

    ————————————————

    (03 Jan 2010)
    HBH: Madadalas ang byahe ni Doray ngayon.

    Re my mom: After christmas til March or June sya nasa tate. Hindi pa nga pala kita ka-blog nuong nagkwento ako nang pagkahaba-haba tungkol sa nanay ko. — (“Mommy”)🙂

    Masaganang 2010 sayo!

  4. […] Kung sakaling di nyo pa alam, ang EVAC ay ang proposed upgraded version ng transport box na ginamit ni Doray nuong bumiyahe sya papuntang Calamba. […]

    […] Kinailangang dalhin ang lumang fruitbox (evac-w8).
    Pwede sanang hindi — ang kaso nga lang, limitado ang espasyo ng pampasadang van na sinakyan namin. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: