barya

“Buti pa ang pera, may tao — ang tao walang pera.”😆

Ilan lang ito sa mga nahalungkat ko sa aking paglalatak-dispo: old coins and bank notes, local or foreign [Ahehe, aanhin ko nga ba ang mga ito?]

Inabot nyo ba yung coins natin na mayroong aleng nakatayo (Ms Liberty) o kaya ay isang mamang bold na nakaupo? Magsampol lang tayo ng SINGKO at DIYES sentimos, hane?

Panahon ito ↑ ng amerkano at hapon. Pareho lang dyan sa singko ang hitsura ng sampera (isang sentimo) at dyan naman sa diyes ang bente at singkwenta. Dito kaya galing yung “Tao o ibon?”* na sinasabi pag nagto-toss ng coin?

[* “Cara y cruz” sa español; “Head or tail” sa amerkano; ‘di ko alam sa nihonggo]

Tumagal ang dalawang imahe na yan sa harap (obverse) ng mga barya natin hanggang sa ipinanganak ako, napalitan lang yung nasa likod (reverse). Sampol ng 10 cents nuong isang taong gulang pa lang ako →

Kalaunan, inilagay na rin ang mukha ng ating mga bayani. Eto ang naging iba’t-ibang anyo ng singko at diyes magmula nung nasa elementarya hanggang makatapos ako ng kolehiyo at makapagtrabaho:

Ang singko at diyes ngayon…

[ Sino ba sayo sina Tandang Sora at Balagtas? Eh ang mga bida at kampeon

ng Mactan, Sol at Spoliarium? ]

————————————————————————————————

Pakita naman ako ng ilang Piso

Pag ang sinabi lang ay “Piso” understood na one peso — hindi mo sasabihing “Isang piso” na paris ng dalawang piso, limang piso, sampung piso, etc…

Ano na nga pala’ng lagay ni Mayon? Nag-aalboroto pa rin ba?

Uy, sino sila? ↑ (Ahehe, commemorative coin)

Sino ba hanap mo? Baka nandito → dalawang piso

Sa pagkakatanda ko ▲ itong nasa kaliwa ang naging pinakamalaking piso.

“Matang-kalabaw” sabi nga…

Lumiit pang lalo (“matang-guya” na lang?) Beybi-tamaraw.

Ang piso ngayon…

Published in: on 30 December 2009 at 11:48 pm  Comments (2)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2009/12/30/piso/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Thank you !!!

  2. i have a coins a lot of old coins like this..did you buy coins?
    ————————————————
    No, in fact I’m looking for somebody to sell my coins to.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: