p.m.

p.m. = “pul mun” daw o? (Awoooooooo!!!)

Bakit nga naman “p.m.”? Nangangalahati pa lang ang buwan ng Enero!

Kaninang hapon ko kasi ni-syut yan, pasado alas-5 piyem. Nakita nyo ba? Sayang kung hindi — mas madaling tignan ang araw pag papalubog na.

Partial solar eclipse lang dito sa atin; annular sa ilang panig ng mundo. Kyuryus lang, baka ekako sablay yung forecast nilang ang susunod na total solar eclipse na buong-buong makikita dito sa Pilipinas ay sa 2042.

————————————————————————————————

Hindi lang pala iilan ang naiintriga sa username ko.

Aber nga, anubayang matagal nang nakapagkit dyan sa sidebar sa ibaba? “homebodyhubby… Nilalang, Tao, Pilipino, Ako.”

Oo, ‘maka-haybol’ ako, at ito ang mga bahay o TAHANAN ko:

Bilang nilalang, empre ang kawalakan (universe).😆

Bilang tao, walang duda: ang planet earth.😀 `kaw ba? Tagasaan ka?

Bilang Pilipino, anupangaba? Ay di ang Bayan ko.😉 Ang Pinas, bow…

Bilang ako, yung type uwian ng halos lahat — pag-uwing I hope sa akin

ay matagal pa bago mangyari.🙂

Dehins ako nag-eklipsed kahit tagal nang putol ang linya ng aming talepano. Bisi-bisihan kaya hindi na nakakapag-internet. Uutay-utayin na rin namin ang pirmihang pag-uwi sa bundok. (Prayerfully).
Kahit isang paa muna…

———————————————————————

Home address:

Left foot (flat-fut, or “patag”-fut) — 4th flr sa Nuweba Esiha

Right foot (hayland-fut) — lupang may ulbog sa Bagiyo

———————————————————————

Anyways, of all my websites, password dito ang malabo kong makaligtaan. #1 cyber-home ko pa rin itong Blungga.

——————————————————————————

Published in: on 16 January 2010 at 4:54 am  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/01/16/eklips/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: