‘hype’

Malimit kong marinig ang kasabihang ito nuon (buti na lang DI nauso):

May tanga ba sa hindi alam?

na ang ulterior motive ng nagsasabi ay bigyang-katwiran ang paggawa ng isang bagay na hindi nya alam na mali — hindi nya sinasadya, kaya hindi sya accountable!

Paano kung ang bagay na ginawa ay OBVIOUS namang hindi dapat gawin? Kaya ka nga siguro ‘TANGA’ kasi hindi mo alam!? Inosente daw o?? Ignorante, pwede pa — anTANDA mo na ‘no?

Para hindi masisi, ganto na lang daw, self-remorseful empre `akakaawa:

Ang laki kong tanga nuon!

O kaya ganito, with matsing-papungay ng mata:

Choli po… sauns pamili

After so many lies and deception… Kung di pa nabisto, hindi aamin.

Eto pa, walang yuku-yuko:

Nandyan na yan eh… Wala namang taong perpekto, lahat nagkakamali! — At least we learn from our mistakes.

Eyan umamin nga, bakit nangangatwiran pa?

Kelangan mo pa magkamali bago matuto? Chances are ALAM mo na nuon pa na mali yang gagawin mo bago mo pa sinubukang gawin. Kahit di ka magbasa ng Bible, matututunan mo yan sa paligid mo — sa ancestral kronikol, sa tahanan at pamilyang nilakihan mo, sa eskwelahan, sa church, sa kultura at lipunang kinabibilangan mo — pero sumige-sige ka pa rin! Matapos kang magpakasasa at makapanakit dahil sa pagka-makasarili mo, sasabihin mo Nandyan na yan? Huwag ka na kasing mangatwiran at lalo ka lang kaiinisan o pagtatawanan.

Sagutin ko ang aking huling tanong (#5) sa page 1.

Kung SA TINGIN MO’y blacklisted ka na at hindi na ‘qualified’ magsalita, huwag mong hangaring magtigil sa gawain nila ang kaya pang magsalita.

Pinatatamaan mo kasi ako!

Tagal na akong nagba-blog at well-defined na ang mga paksa ko rito — anu bang alam ko sa sikreto mo? (Baka instolment ka ‘mangumpisal?’)

Halimbawa bang dati ko nang trabaho ang maglinis ng kalsada, titigil ba ako dahil nahayag sa maliwanag na nagkakalat ka? That is how (this) blog works: magsusulat ako ng COMMON ‘pasaway habits’ (without naming names nor referring to a particular person)* and I usually ‘SPEAK TO’ the second-person singular (“Ikaw”, “ka”, “mo”, “iyo”) — pag pumutak ka, IKAW ang nagbisto sa sarili MO.

[*Except public karakters 🙂 discreetly, MINSAN…

Kung balat-sibuyas ka, powtek huwag ka na maging politiko o artista.]

Tulad ng sabi mo “Nandyan na yan” … W’eno ngayon? Hayaan mo namang mapa-alalahanan at ma-warningan ang mga wala PA dyan!

Yun na nga eh — magrerebelde nyan ang mga kabataan sa mga magulang nila dahil sa mga ipino-post mo!

[Nagturo pa ng iba.] Wala akong intensyong manggatong. May mensahe para sa mga magulang na, iba naman ang para sa mga dyunyors nila.

Wala sa akin ang ipagrerebelde o hindi ng anak mo — nasa sayo, kung paano mo sya pakitunguhan. In the end, ako ang namimiligrong umani ng galit ng ilang kabataang nakaka-relate sa mga ipino-post ko dahil baka isipin nilang nilalait ko ang kanilang pinagmulan. “Mas malapot ang dugo kaysa sa tubig,” makailang ulit ko nang napatunayan… Sa kabilang banda, nagpapasalamat ako dahil pwede yang maging daan ng pagpapatawad ng isang astig na anak sa nagsisisi nang ama o ina.

Mag-post ka na ng iba, huwag lang yan…

Nasaan na ang adhikaing ipinaglalaban mo noon? Kelangan ko bang matisod (to vindicate your ‘fall’?) Kulang na lang yata ay ang ipagdasal mong ‘malaglag’ din ako.

Ipo-post ko ang nakikita kong dapat i-post… Nakaka-relate ka pala? Hindi ko na problema yun! DI ko ipinipilit ang BLOG na ito kahit kanino.

Do not gloat when your enemy falls;
when he stumbles, do not let your heart rejoice…
” (Proverbs 24:17)

So, if you think you are standing firm, be careful that you don’t fall!
No temptation has seized you except what is common to man.
And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what you can bear.
But when you are tempted, he will also provide a way out so that you can stand up under it.
” (1 Corinthians 10:12-13)

If we confess our sins, he is faithful and just and will forgive us our sins and purify us from all unrighteousness.
(1 John 1:9)

[ Sermunan uli? Aush lang, Linggo ngayon… National Bible Week pa.]

Pages: 1 2

Published in: on 31 January 2010 at 7:58 pm  Comments (1)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/01/31/hypo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] Kung ika’y kabilang sa mga tapos na sa mga isyung ganyan, huwag mong isipin na patungkol sayo ang mga ipino-post ko dito. In the first place, bakit ka pa mao-offend kung naranasan mo na ang pagpapatawad Nya? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: