kabit-kabit

Kabit-Kapit-bahays ko, halus dikit-dikit lang.

Paulit-ulit ang tugtog ng Bridal Chorus mula sa labas. Palagay ko, “May ikakasal uli.

Punta ako sa balkon para dungawin ang kapilya ng Aglipay sa ibaba… Sarado ang chapel, walang katao-tao. Maliban sa ilang mga sasakyang dumadaan sa kalsada, walang nakahimpil sa harap. Pa-hilaga, isang bloke ang layo mula sa aking kinalalagyan, duon nagkumpulan ang mga tao. Sa Pag-asa gym pala nanggagaling ang pamilyar na musika.

Gamit ang isang compact binoculars (binalikan ko pang kunin sa kwarto) nalaman kong may mass wedding palang magaganap.

————————————————————————————————

Nung Martes pa yan (March 23) — nataong may inaapura akong gawin, nanlilimahid na sa mixture ng pawis-alikabok, at wala nang oras pang maligo at gumayak para bumaba… Sarap sanang manuod (at magpikyur) ng ganyan: Dagsa-dagsang magsing-irog na sabay-sabay ikakasal — kabit-kabit pares-pares.

[ Legal na ‘pagkakakabit’ ang aking tinutukoy, may kanya-kanyang nag-IISANG partner.

Sa ating konteksto derpor: Kabit-kabit = by pairs ]

Medyo kyuryus lang kumbakit natapat this month…

Maliban sa ngayon ang Buwan ng Pag-iingat sa Sunog wala akong natatandaang ibang okasyon para sa bayan ng Muñoz ang buwan ng Marso.

Lilindol nang malakas mamayang gabi! birong usap-usapan sa ibaba.

Inpeyrnes, di lahat ng participants dyan e ‘babago pa lang’… Meron sa kanila ay matagal nang nagli-live-in — Salamat at nag-decide nang gawing public ang kanilang commitment sa isa’t-isa.🙂 Pede ring mga mag-asawang matagal nang ikinasal, nagre-renew na lang ng vows… Sabagay tutuo, may naise-set na bagong mood ang seremonyas ng kasal, kaya oo — posible ngang lumindol uli.😆

[ Kung di mo na-gets ay huwag mo nang alamin; basta walang bastos dyan, mag-asawa naman.]

Anyways, dinig hanggang loob ng aming unit ang loud speaker mula sa gym kaya naisipan kong makinig sa speech ni Mayor… Halos walang ipinag-iba sa sermon ng pari o pastor, kaya walang lusot sina mister at misis na hindi sila pinaalalahanan.

Ang tanong, ilan kaya sa lahat ng ikinakasal ang nakikinig sa mga sermong paris nyan? Sa mga nakinig, ilan ang nakaintindi? At duon sa mga nakaintindi, ilan ang nagpapahalaga at sumeseryoso sa mga ganyang mensahe? Ang lahat bang iyan ay iniraraos lang para maging legal ang pagsasama?

Paalala uli sa mga ibig pumasok sa buhay-mag-asawa:

Marriage is meant for life. Pag pinasok mo, kumpletuhin mo; Kung wala kang planong kumpletuhin, huwag mong pasukin.

Eto pa pala — napapanahon ngayon:

Huwag you maglaro ng apoy…

Published in: Uncategorized on 25 March 2010 at 3:20 pm  Comments (1)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/03/25/kabit-kabit/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. maligayang bagong kasal sa kanila hehe
    musta na kuya?

    by the way, hope you like to see who’s my Interesting Blog of the Month- March 2010

    ————————————————
    (04 Apr 2010)
    HBH: Eto — nasa lakwatsa.😀


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: