break in

( Evac, dahebi-w8 )

Doray on the EVAC’s maiden voyage.

[ *EVAC = Extended Vacation Armored Carriage, nyahaha ]

Kung sakaling di nyo pa alam, ang EVAC ay ang proposed upgraded version ng transport box na ginamit ni Doray nuong bumiyahe sya papuntang Calamba.

————————————————————————————————

Simula ngayon, ito na ang magiging karwahe nya sa tuwing kami’y mag-a-out-of-town nang matagal ni misis. Yun bang pwede namin syang iwan nang maghapon SA kahit saang bahay kami mag-i-stay? Syempre pag ibang bahay, hindi namin kabisado ang lugar — pwedeng may mga pusang-galang naglipana, kaya dapat heavily secured ang haybol ng hamster.

Ang EVAC ay tila isang protective jacket kung saan pwedeng ilagay ang kulungan ni Doray na nakita nyo na sa kanyang unang byahe. Pag ordinaryong cage lang kasi, pwedeng lumusot sa rehas ang kanyang mga paa at mga kamay — namimiligrong mahila ng pusa. With an outer cage walang problema dahil may clearance na mahigit isang pulgada (1 inch) ang rehas ng inner cage mula sa rehas ng EVAC.

Kung ang harapan ay fixed iron bars, ang buong likuran ay nabubuksan at dito pwedeng idaan papasok at palabas ang inner cage.

May maliit na pinto din sa itaas kung si Doray o ang kanyang pagkain lang ang dadaan.

Ang ibabaw at tagiliran ay double-partitioned (plywood exterior at lawanit interior) na may foamboard + corkboard sa pagitan. Ito’y para may insulation laban sa ingay, vibrations at pabago-bagong temperatura. Dehins din kasi type ng mga hamster ang masyadong mahangin at maliwanag. Hindi kulob dahil may ventilation.

As usual, walang gaanong ginastos sa materyales. Mga produkto ng latakdispo ang ginamit ko. [Mahal kasi kung bibili pa ako ng ceramics at caviar kevlar.😆 ]

Sa framework at walls ng EVAC, mga retaso mula sa aking pagpe-framing ang ginamit ko. Yung rehas sa harap ay dating sahig ng na-demolished nang haybol ng mga unang salinlahi. Ang rubber footings sa ilalim ng makapal na sahig ay salvaged part mula sa isang patapon nang case ng 486 na PC.

Kinailangang dalhin ang lumang ‘fruitbox’ (evac-w8). Pwede sanang hindi — ang kaso nga lang, limitado ang espasyo ng pampasadang van na sinakyan namin (na pilit pang pinipuno ng pasahero bago bumiyahe). Hindi ubrang kalungin o ipwesto malapit sa akin ang mas malaki at mabigat na kulungan. Kawawa naman si Doray kung mapapalagay siya kasama ng EVAC sa mainit at makaltag na likod ng van.

————————————————————————————————

Baba-luwas-gala werabawts during the holy week:

31 Mar6:30pm ~ San Jose, Nueva Ecija to Baguio ~ 9:30pm

31 MarFive overnights ~ Outlook Drive

05 Apr3:45pm ~ Baguio to San Jose, Nueva Ecija ~ 6:15pm

————————————————————————————————

Kumusta naman po ang ahon ni Doray

sa Baguio?

Kung sa Calamba tahimik sya, sa bundok hinde — at-home sa Baguio tulad sa Nueva Ecija. Tila mas agresibo pa nga, kasi malamig*. Panay ang pagulong sa exercise wheel pagsapit ng alas dos ng madaling araw. Pag nagsawa sa gulong, magkukutkot dahil ibig lumabas. So lalabas ko at palalakarin ng ilang minuto; pag napagod, uuwi ng kulungan, kakain, iidlip… Pag nagising, magwi-wheel uli, magkukutkot: paulit-ulit until magsawa (dahil oras na ng diretsong tulog nya) — iyon e pag malapit nang mag-umaga.

————————————

* Sa observation ko sa aking mga hamster, bukod sa talagang nocturnal, mas malalim ang

tulog nila pag mainit [ kaya siguro sa araw sila tulog?] ; Pag malamig, mas maligalig.

Namaos ang aming boses dahil sa lamig.😆

————————————————————————————————

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/04/22/break-3/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. buti pa siya mahimbing ang tulog pag mainit🙂

    ————————————————
    (02 May 2010)
    Klasmeyt: Grabe, klasmeyt! Umuulan na pero ang init pa rin!
    [ Pero kwidaw, yang malalim na tulog pag mainit ang delikado sa kanila, anhirap gisingin.]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: