gime-a-brek

Likas na yaman? Sagana tayo dyan. Lakas-pantao, talino at galing? Ay oo naman. Pero paano mo tatanggaping mayaman ang ating bansa kung maraming naghihirap?

————————————————————————————————

Kung bukas-palad ka sa mahihirap, entonses sikat ka. Aber nga, anubayang ipinamimigay naten? Latak na nga lang sayo (iko-condemn mo na kumbaga) may pangalan mo pang nakapirma.

Ikaw na nga ang binibigyan, namimili ka pa? Reklamador!

Sabagay may punto ka diyan… eto lang gusto me sabihin:

Kung tumatanggap ka ng libre gayung wala ka namang ginagawa, huwag ka na magreklamo; Kun di mo type ang ibinibigay ay di wag mo!

Pag ikaw naman ang nagbibigay, huwag mo nang ipangalandakan. Nagiging OBYUS eh.

KaHIRAPan…” Overused term. “Lalabanan,” eka sa mga pangako… Ang lakas ng arrive… Sino ba’ng ayaw maging isang Money Bilyæns?

————————

Ayon kay Wigwam Wigglerson: 😆

Nakakahiya ang matawag kang mahirap pa sa daga, pero mas nakakainsulto ang matawag kang ‘mayaman pa sa daga.’”

Bakit daw? Kase, yayaman ka rin lang ay di lubus-lubusin mo na… Poreksampol,

‘mayaman pa sa aso at pusa’ — Naranasan mo na ba ang kumain ng basura?

“ Mayaman pa sa daga ” = aplikabol lang sa hamster

————————————————————————————————

— Uhm! Magtuos nga tayo —

Simpol aritmetik 1:TAMAD = HIRAP

Pag tamad ka, maghihirap ka. Natural hindi lalapit sayo ang ‘swerte’ kung pepetek-petek ka lang dyan. (Pwera na lang kung masipag kang mambola ng misis mong nagdi-DH sa budai o hangkang)

1. Tanggap lang nang tanggap. Puro karapatan lang nya ang ipinagsisigawan, kinalilimutan ang obligasyon sa lipunan. Umaasa lang sa swerte at ‘bahala na’ — pag minalas-malas, gobyerno ang sisisihin.

Hindi ako tamad. Talagang kulang ang arawang kinikita ko!

Pramis, di ka kasama sa tinutukoy ko. Magkano na nga ba ang sahod nyo?

Haynako… Ang hirap kayang hindi magalit kung Pinoy ka…

2. Gobermen imployi, pinag-aral sa tate ng kanyang employer. Nakasumpong ng mas luntiang sugahan duon, tinalikuran ang kontrata, hindi na bumalik. Bayaran ko na lang si ex-bosing tutal dolyar na sweldo ko dito.

Simpol aritmetik 2:HIRAP = TAMAD… Dahil sa hirap, tinamad maglingkod DITO. Inpeyrnes sa iba, talagang limitado patrabaho dito, kababa pa ng sweldo. Hindi naman ubrang puro boluntari work na lang kung may pamilya kang binubuhay.

3. Eto na lang, pablik or civil-serban din, beterano, malakas pa pero tamad nang magtarbaho. Umiiwas na sa responsibility, pero ayaw pang magretire — paano gustong makuha ang mas malaki benepisyo sa kanyang ika-sikisti-payb-yirs old. Ilan taon ka na ga, manang — pipti + pa lang? Ay paano yan? Sampung taon pang ganyan ang attitude mo sa trabaho, 10 yirs ka pang susuweldo? Kakunat. Nakapagpa-graduate ka na ng mga anak — pagbigyan mo naman yung iba! Anupabang habol mo, maging milyunaryo? Mag-ipon pa ako pang-facelift saka pang-hair implant sa kili-kili ko! Talaga ha? Umm! Eto’ng iyo:

Simpol aritmetik 3:TAMAD = KURAP… Tamad na naging kurap… Ito ang dapat na mag-abrod nang matuto, dahil hindi ubra ang tamad sa abrod.

4. Nag-OFW… Sarap kayang matawag na bayani, balong ng dolyar ang tingin sayo ng mga kamag-anak mo dito. Bibili ka ng bagay na gusto para makapag- uwi ng pinaghirapan mo, pagdating dito huhuthutan ka pa sa Custong. 😡 Mag-i-immigrant na lang ako.

5. Hindi nag-abrod kundi nag-ismol-negosyo. BIR grabe manuba, baka hindi pa iremit, bibigyan ka ng tampered na resibo. Makapandaya para makabawi-bawi! Magtinda na rin ako ng pirated DVDs?

6. Easy money, risky bisnes: Agaw-selpon, taas-ang-kamay! Kidnap for ransom, tulak-shabu. Etits por hire, pokpok por sale. Pag mahina ang loob at sikmura, tataya na lang sa weteng at loto.

Hahaba ang lista kung lalahatin…

Simple lang, pag KURAP ang mga nasa itaas, (kahit pa anong sipag mo, HIRAP ka pa rin) taTAMADin kang magsikap… TaTAMADin kang magtino… Hindi malayung magpakaKURAP ka na lang din.

Simpol aritmetik 4:KURAP = TAMAD. Tinamad dahil sa mga kurap.

Simpol aritmetik 5:HIRAP = KURAP. Naging kurap dahil sa hirap.

Pag nagsawa na sa kaaasa ang lahat, eto pedeng resulta:

Simpol aritmetik 6:KURAP = KURAP. Kumurap na din dahil sa mga kukurap-kurap. Ahehe, magkindatan na lang tayu.

Anggulo ‘no? Iskrambol mo’ng lahat ng ekwals na yan,

Simpol aritmetik 7:KURAP = HIRAP. Hindi LANG katamaran ang dahilan ng kahirapan… KORUPSYON ang pangunahing ugat.

—————— • ——————

KURAP + TAMAD = HIRAP

—————— • ——————

[ Mabilisang kwentahan lang ↑ lalo bang lumabo? ‘sensya na po, bobo ako sa math. ]

Korupsyon, lalabanan” din eka uli. Tsokey… huwag lang KUKURAP yung mga nangakong lalaban sa KURAP.

Pages: 1 2

Published in: on 2 May 2010 at 4:28 pm  Comments (2)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/05/02/break-4/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ninongggggggggg!
    si eloiski po ‘to!

    magvovote na rin ako sa wakas!\sino po ba ivovote niyo ninong?

    waaah! aymesyu ninong!

    ————————————————
    (10 May 2010)
    Ninong: Sikret!
    Solb na rin kahit limang oras akong pumila.
    Huwag sanang mahokus-pcos ang ating mga boto. 😆

  2. hashushual hindi na naman ako nakaboto. tsk. pero di bale… for a good because naman. hehehe

    ————————————————
    (31 May 2010)
    Bok: Isang set ng napakahalagang mga boto, isinakripisyo para siguraduhing makararating ang tinig ng ibang tao (na hindi mo naman sigurado kung iboboto ang mga boto mo) . 🙂
    Mas marangal na gawain yun.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: