De-da da da

Feedback ng PCOS pag kina (‘tut!’) at (‘tut!’) ang initimang itlog sa pagka-mayor at vice mayor sa balota:

Congratulations!

Eka naman daw pag HINDI sila ang ibinoto:

Umalis ka dyan! Ampangit mo!

[ Hehe, dyok-dyok lang ng isang poll-watcher dito.]

————————————————————————————————

Pasakalye: [ kung ayaw mo basahin, diritso ka na dun ]

1.“Na-na na na” sana ang post title nung mother’s day, kaso, parang may naririnig akong hit si Ekon na ganun ang tunog! E di ni-search ko sa YouTube… Dito ako napunta → ba-na na na. 😕 Huwag na ‘nu!?

Baket? Saging lang naman talaga ang tinutukoy dun?

Tanun ba? ‘Kala ko kase may bastus! 😆 Niweys…

2.“De-da da da” = ‘daling ma-gets yan sa usapan ng 3 daga sa page 1… Hirap mag-isip ng pamagat, hanggang sa bigla pumasok sa isip ko yung hit ni Stink widda pulis nung kapanahunan ko — sauns-lyk naman, oo na!?

3. Wala na kinalaman sa “A-a a a” o “E-a a a” itong pangatlo. Nung May 11 pa dapat ito, kaso bisi-bisihan ako kaya wala na rin tym magpost. (Dito ko na lang isingit, hane?) … Pinamagatan kong

————————————————————————————————

Hurrah rah rah

———— • ————

Medyo disappointed ako sa nangyare nung botohan (May 10, 2010)…

Nuong hindi pa computerized ang aking voter’s registration, dati akong bumoboto sa Maligaya — isang barangay apat (4) na kilometro ang layo mula dito sa bayan. Pupunta ako dun ng alas-dos ng hapon; bandang alas-tres pa lang, lalabas nang nakaboto na.

Nung May 10, tumungo ako sa bagong presinto — sa isang eskwelahang abot-tanaw lang mula dito sa itaas ng building. Pumila ng 9:30am. Nakatapos ako, mag-a-alas-tres na rin. Kasaklap. “He-hu hu hu!” 😥 kumbaga:

Medyo masama ang pakiramdam, pero dinedma ko ang init at gutom habang nakapila. Malay ko bang aabutin ng mahigit sa limang oras bago ako makapasok sa classroom? “Computerized” daw eka e… [Hindi ako nagrereklamo ha — ibinibida ko lang. Niweys, sanay ako sa matagal na hintayan.]

Sa clustered precinct ako napapunta. 10:30am pa lang, permanenteng pumalya ang aming makina. Kaya eyun — sa kaunaunahan at makasaysayang automated election ng ating bansa, ni hindi ko man lang naramdaman kung ano ang ‘feeling’ ng isang botante pag isinubo na nya sa PCOS ang kanyang balota. 😆

Hmm… 🙄 para lang sigurong nagsubo ng papel sa isang fax machine, o kaya sa isang pyuter-printer!? — palubag ko na lang sa sarile.

Kunsabagay, mukha namang hindi pa ganun ka-haytek ang makina (tsaka yung kulay-asul na parang iomega zip drive na may serial connector at antenang animo mini-batuta. At anuba yung ‘flushcard’ ba’ng tawag duon?)

Eto nga lang ang kaba ko: Hindi ko nasaksihang ‘mabilang’ ang boto ko. Alam nyo na — Dahil hindi na nga magamit yung makina, inilalagay na lang ng bawat botante sa receiving (ballot) box ang kanyang natapos na balota… Bahala na raw ang mga taga-comelec na mag-feed ng mga ito later pagkayari ng botohan. Paano kaya kung ‘makaligtaan’ nila? Baka mahokus-pcos ang aming mga boto?

Kinabukasan, binilang naman sa bagong-gawang building (pa lang) ng city hospital dito. Syempre bantay-sarado, dahil walang sinuman sa mga supporters ng bawat isa sa limang kandidato sa pagka-mayor at vice-mayor ang papayag na malamangan.

————————————————————————————————

“Huwah-wah-wah!” Sabi-sabi, walang masama kung ibabahagi [ pidi uli laktawan ] :

Naubos daw ang stock ng daflon sa mga leading botika. Dahil kaya sa init at haba ng pila — sa matagal na pagkakatayo o pagkakaupo? Peyn-in-da-ass, umiskwat ka pa!

Sabi ng ilang kasabay namin:

Nung 1998, si (‘tut!’) ang ibinoto ko dahil iyon ang utos sabi ng pinakamataas sa aming iglesya. (Nanalo!) Ito pa rin sana ang gusto kong iboto ngayon pero iba ang minarkahan ko kasi iba na ang sinabi nya.

Naalala ko tuloy yung sabi: Bumoto ayon sa ibinubulong ng ating konsensya.” Tama lang, di ba? Pero pa’no kung ganun? 🙄 Sino nga ba ang hindi makukunsensya pag sumuway ka sa sinasabi ng lider na ‘sugo daw ng diyos?’ Ewan ko lang senyo kung matatawag nyong malayang pagpili ang ganito. Pwedeng magsalawahan ang botanteng ‘iba ang gusto’ dahil sa pangambang kung hindi man makantyawan ng grupo e baka mapunta sya sa impyerno. 😆 “Edi napakasakit, koya?” 😦

Weh? Kayo din namang mga aleluya-pres-da-lord, ganire din a!

Alam ko na kung sinu’ng binoto mo.

Wehehe, syur ka? Sinong may sabi sayo? Tinginin mo nga ito

It doesn’t follow. Kahit pa magkataong yung boto ko ang ini-endors ng isang malakas na grupo, hindi rin ako matutuwa kasi hindi inpeyrnes, di ba?

Kaya kayong mga bradurs en sisturs diyang nagsasabi ng Kung ‘sila’ nga ganun, tayo pa kayang mga mananampalataya ang hindi susuporta sa mga kapatid nating kumakandidato? — para mo na ring sinabing magkopyahan na lang tayo tulad nila para tumaas ang ating grado, o kaya sumingit sa pila para makauna.

Kung sino ang totoong napupusuan mo ay di iboto mo. 🙂 Kung sa ganang akin lang, walang ‘kapa-kapatid’ basta ganyang mga isyu.

Sa ibang dako naman, may ilan ding hindi na ‘nakigulo’ … Bawal! Bad daw ang makialam sa politik at gobyerno. Iba ang kelangan bantayan sa toreng batú.

Sa kabila ng katotohanang nag-concede na ang mga kahit namayagpag ay hindi nanalo, may ilang kandidatong umepal sa naganap na dayaan. Hope ko lang na hindi sour-grape ito dahil kahit na magmilagro pa ang patron ng Antipolo, talagang kulelat na kayo.

Anu na nanyare sa ninjang nagtagu ng mukha at lumantad sa pangalang Kuwala? Hindi po aku yun, peksman. Nagkataon lang na pumreho sa isang gamit kong initials dito sa blog ko.

Naumpisahan din lang sa TINTA ang usapan ay banggitin kong genuine naman ang ginamit na indelible INK. Kita nyo pikyur — 20 days na kahapon, hindi pa nabubura.

May nadiskubre pa ko: Ang paglago pala ng aking kuko ay isang milimetro kada linggo (1mm/week). Ahehe, mas mabagal naman kaysa dyan sa kilometrahe ni Faramir.

————————————————————————————————

Hindi napili ang lahat ng boto ko, pero hindi ako disappointed sa ilang mga nanalo. Ito’y dahil sa palagay ko,

At least mas kapanipaniwala ang resulta ng automated election. Keraming kukurap-kurap dito sa atin, mukhang mas umokey-okey ngayon KUMPARA SA mga lumipas na eleksyong manu-mano nga pero nagiging otomatiko.

May mga pagkakamali o pagpapabaya ; may mga daya-attempts ( hindi na yata mawawala yan ) pero pwede itong mabawasan kung hindi man lubusang maiwasan sa mga susunod na halalan.

Sa pagkalahatan, may tiwala pa rin ako sa talino ng Pinoy sa pagpili. Iginagalang ko ang pasya ng mas nakararami, dahil mas bilib pa rin ako sa demokrasi.

———— • ————

Nakaboto na tayo. Pero —

Hindi pa tapos ang trabaho.

Huwag kalilimutang HINDI LANG sa ating mga lider nakasalalay ang ikasusulong at ikaaangat ng Pilipinas. Ang bawat isa, may magagawa.

Mabuhay tayong lahat.

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/05/29/samer/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. napaisip tuloy ako, bok. kasi nga sa bahay namin e hindi talaga uubra na walang leklekpan… ang mga hamsters ba ay may ganun ding requirement? o matiisin sila sa init?

    ————————————————
    (06 Jun 2010)
    Bok: Disyerto ang natural habitat ng Syrian hamsters kaya maghapon silang tulog sa mga burrows. Pag papagabi na duon lang sila nagiging aktibo at lumalabas.

    Napupuna ko ibang klase yung ‘lalim’ ng tulog nila pag
    sobrang init – parang siesta natin sa katanghaliang tapat? There are times na anghirap nilang gisingin – nailalabas ko ng kulungan at naipapatong sa mesa nang di nila namamalayan 😆 mapagkakamalan mong dedo.

    Hindi na kami masyadong gumagamit ng → leklekpan dahil (bukod sa medyo higpit-sinturon kami ngayon) mainit na rin ang binubuga, akshuli minsan ayaw nang umikot.
    Sa magdamag, hindi ko todong isinasara ang pinto* para pumasok ang hangin mula sa balkon at pasilyo sa labas, lusut-lusutang ‘tatawid’ sa buong kabahayan, then palabas sa bintana sa likuran.
    Yun ang advantage dito sa 4th floor – kahit hindi abot ng lilim ng puno, mas may ihip ang hangin kumpara sa ibaba.

    [ *Hinaharangan ko ng screen ang pinto para hindi makapasok ang pusa. ]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: