sa ngalan of the father

When a man is faced to choose between his wife and child, who will he spare? Malamang pareho nyang pipiliin, at kung buhay ang nakataya, sasabihin pa, Ako na lang ang kunin mo Lord, huwag ang mag-ina ko.

Karaniwang mas malapit ang loob ng mga anak sa ina, lalo na kung si tatay lang ang nagtatrabaho at wala nang panahon sa mga bata. Minsan naire-reinforce pa yan ng pagbibigay ni nanay ng di magandang image tungkol kay tatay. Na-inis kay tatay, Demonyo talaga yang ama nyo! eka ni nanay. May mag-anak na tanyan😆 sa tutuo lang. →

Pag tatay ang bredwiner, no big deal kasi talagang expected sa kanya yun. Pag nanay ang kumikita (kahit pa sabihin nating tila balistad na ang mundo) supermom na sya — samahan mo pa yun na sya ang nag-aasikaso sa mga bata pagkagaling sa tarbaho o kaya pag day-off ang mga yaya.

————————————————————————————————

Para palang wayons? Tagapagpalahi ang barako, taz yung

MGA dyowaness nya naghahanting ng matsitsibug… Keso-keso!

Korek ka dyan, amigo… Sa kanla ka bumarkada — hindi

lumalaflaf nan daga an malalaki na pusa. [ Takot sila na malepto ]

————————————————————————————————

Mas maraming expectation sa lalaki… Sa araw pa nga lang ng kasal,

sabi ng pari o pastor (and according to the Bible):

For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife,

and the two will become one flesh. So they are no longer two, but one.

(Mark 10:7-8)

Bakit eka si mister lang ang bubukod sa kanyang mga magulang, si misis hindi? Paano sila magiging isa kung kasama ni lalaki pati ang kanyang mga byenan? (dyok lang → itong kwestyon ko, hindi yung Bible verse) Unang nabanggit sa Genesis yan… Ahehe, kay Adan okey lang kasi wala naman syang byenan.

Eto pa… Yung para kay misis muna:

Wives, submit to your husbands as to the Lord. For the husband is the head of

the wife as Christ is the head of the church, his body, of which he is the Savior.

Now as the church submits to Christ, so also wives should submit to their

husbands in everything.” (Ephesians 5:22-24)

Ay anu yan!? Mukhang lugi ako a! apela siguro ni misis.

Oedisige, gusto mo palit kayo nitong kay mister:

Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and

gave himself up for her.” (Ephesians 5:25)

Kwento nun ng tatay ko: May dalawang sasakyan, lalake ang driver ng isa, sa kabila babae. Pag nagsalubong daw sila sa isang makitid na daan,

Kung si babae ang nag-give way, iyon ay dahil takot nya lang ke lalaki.

Kung si lalaki ang nag-give way, iyon ay dahil “sya ang lalaki” at dapat lang na pagbigyan muna ang babae.

————————————————————————————————

[ Ano kamo, di ganyan boypren mo? Daga-saang lupalop ba sya nanggaling

— sa kultyur ni Holisperm haraboRAT? ]

————————————————————————————————

Kaya kung natural na sa ina ang mag-sakripisyo ng sarili para sa mga anak, palagay ko’y natural na rin sa ama na unahin muna ang kanyang mag-ina bago ang sarili nya.

Kung nanay ka, anung mararamdaman mo halimbawang namatay ang mister mo dahil tinangka niyang iligtas ka at ang anak mo? [ Ang morbid ba ng sampol ko? Ibig ko lang i-elaborate yun ↑ huling verse na Eph 5:25 ] Malulungkot ka pero very proud ka para sa mister mo… Baligtarin mo,

Anu kaya ang mararamdaman ng isang ama kung ang misis nya naman ang nasawi dahil sa pagliligtas sa kanya at sa kanilang anak? Mas grabe siguro ang hinagpis nya dahil may kahalong guilt at paninisi sa sarile… As if hindi normal na ang mas mahina ang naging protektor ng mas malakas. Ang hirap kayang tanggapin maski pa sabihing aksidente ang nangyari.

AMA (asawang lalaki)

AnakIna (asawang babae)

Ang ina ang protektor ng anak ;

Ang lalaki ang overall protektor — ng kanyang asawa, at

ng kanilang anak (bilang ama)

————————————————————————————————

Para ngang sa wayons — defender ng teritori ang barako

kahit hindi nagtatarbaho!

E sa ganun an PRIDE nan mana leon, Yomans an tapik ni hombadi.

Wayons ka dyan? Ere may-ari nan blungga, kausapin mo. ↓

—————————————————————————

Kaya mga misis, hindi kelangan ng mga mister ang sakripisyo nyo, kundi ang pagpapasakop. Hindi basta-bastang inaako ang kanilang responsibilidad. Huwag silang nina-nag, at huwag ding inaander. Paanong igagalang ng inyong mga anak ang kanilang ama kung kayo mismong asawa ay di kinakikitaan nito?

Sabi nga ng evangelist na si Benny Hinn: “To man was given the authority or the office, to woman, the influence; but most of the time the influence is stronger than the office.”😆

Huwag pino-provoke si mister na hamunin ng eskwer ang asawa ng babaeng nakaaway mo; Hindi “duwag” ang umiiwas sa gulo. Paano kung mapatay o makulong sya (dahil nakapatay)? Ikaw din ang iiyak-iyak sa huli! Ayaw lang nyang maulila nya kayo, na hindi malayung mangyare sa pamilya ng siga at burdadong idol mo na ke-liit-liit e antapang-tapang! (baka me samuray o baril?)

Huwag din silang kinukulit kung paano kayo yayaman. May mga adhikaing higit na mahalaga at hindi kayang tumbasan ng salapi. Matiwasay namang nakararaos ang buhay nyo, bakit kelangan mong sagkaan ang paglilingkod nya sa Diyos at sa Bayan? Committed din sya sa kanyang pamilya, at alam nya ang kanyang ginagawa — just trust him.

Hindi ba kayo nagtataka kumbakit ang mga kabit ay malimit na di-hamak na mas pangit at boba (kayo’ng may sabi nyan) kaysa sa mga misis nila? Paano meron ang mga ito ng pagtrato at pakikitungo na di-makita sa legal na asawa!

Karaniwan ang di-palaimik sa mga ama, pero hindi nangangahulugang di sila nanghihina — ayaw lang ipahalata. Ang babae pag may problema, iniri-release ang bigat sa kwento o iyak sa kumare o kapitbahay; ang lalake, dinadaan sa yosi o toma. Kahit lasing na, di pa rin masabi sa kapwa-lalaki ang problema. Damdaming sinisikil, it cud kill. Mataas na hayblad, hurt-atak. Kaya yata mas maagang nateteggy ang mga lalaki kaysa sa mga babae? Mga misis, maging sensitibo sa damdamin ng inyo-inyong asawa.

————————————————————————————————

Pambababae — ‘survival mechanism’ din. HINDI ko binibigyang katwiran, though, dahil maraming ibang dibersyong hindi destructive in the end.

————————————————————————————————

Sa mga ANAK, malaki ka na para maintindihan ito: Hindi rin magiging healthy sa marriage ng parents nyo kung sa inyo LANG nakasentro ang BUONG panahon at lakas ng tatay nyo. Minsan, hayaan silang makapaglibang ng hindi kayo kasama, kung iyun ang ibig nila.

At bukod sa nanay nyo, sempre kelangan din niya ng kaibigan (hindi babae, at lalung HINDI lalakero) — mas maigi kung kapwa niya TATAY DIN na makaiintindi ng kalagayan nya; May mga bagay kaseng hindi ganun kadaling sabihin sa inyo, o maski sa nanay nyo. Kelangan nya rin ng sariling ‘barkada’ (sort of ‘accountability partner’) — basta ba hindi yung magdadala sa kanya sa masamang bisyo.

Balanseng time sa pamilya, trabaho, sa barkada (‘fellowship’ op da paders?) may magandang balik yan para panatilihing enjoyable at di-mabigat ang kani- kanilang responsibilidad bilang mga padre de pamilya.

————————————————————————————————

Last-minute addition:

————————————————————————————————

Oist, mr. daga-wamagaw!

Yung sumunod na post ang basahin mo.

Natural daw o?

Published in: on 20 June 2010 at 11:50 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/06/20/indanem/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: