Dayuga

Buhay-Amerika

ni John Dela Cruz

( isang ‘cut-and-paste’ na seryus )

Akala ng mga tao sa Pilipinas, pag nasa America ka, madami ka nang pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili ng mga gamit mo. Kelangan mong gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.

Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse, maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak dito.

Akala nila masarap ang buhay sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pambayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din silang naghahanap-buhay pambayad ng bills nila.

Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kelangan mong ngumiti dahil nagbayad ka ng $70+ para makarating dun — kelangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinambayad sa ticket.

Akala nila malaki ang kinikita mo kase dolyar ang sweldo mo. Ang totoo, malaki nga diyan pag ipinalit mo ng peso, pero dito dolyar din ang gastos. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita, sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay $1.00 sa America; ang isang pakete ng sigarilyo na P40.00 sa Pilipinas, sa America ay $6.50; ang upa sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.

Akala nila buhay-milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse, limang taon mong huhulugan. Ang bahay, 30 years mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.

Madaming naghahangad na makarating sa America — lalo na ang mga nurses, dahil mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America.

Hindi ibig sabihin na komo dolyar ang sweldo mo, yayaman ka na — kelangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.

Isang malaking sakripisyo ang pag alis sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal sa buhay. Hindi pinupulot o pinipitas ang pera dito. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.

Ang bottom line para sa akin ay ito:

There’s no place like home, Philippines my Philippines; Babalik ka rin pagtanda mo, at diyan uubusin ang natitira sa buhay mo sa ating bansang sinilangan.

Pag retired ka na at dala ang dolyar mo sa Pilipinas, mas maganda lalo kung palainom ka ng kape. Dyan sa Pilipinas, voice activated ang coffee maker. Magsalita ka lang ng “Inday, kape nga dyan!” Lumalapit ang kape sa iyo at alam na alam pa nga ang timpla mo!

Anong masasabi mo kabayan …totoo di ba?

Potena, nag-abrod ka pa!?

Masyado ka defensiv, ayaw mo lang kayang mahingan.

————————————————————————————————

dibkatenpeys-dyoks

Pages: 1 2 3 4 5

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/07/03/dayuga/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ————————
    Maus na Daga-ibang bansa
    Palagay ako sa Blunggarolyo nyo!
    ————————
    Rat na Daga-ibang bansa
    Ako lang pala ang dagang-RAT dine!?
    ————————————————
    Doray da wayon-hamster
    @ desperu: In-add na kita!
    @ ratatuwe: As a mater of fiction, may dalwa pa. ↑

    Bekos Pilipinos ar hospitabol en bekos Fwance is Fwance,
    yu tu ar welkam!

  2. ————————
    Dagang-kostang SWAT
    Mag-a-apply po ng tarbaho!
    ————————————————
    Doray da wayon-hamster
    May kraysis-manedsmen trening ba kayu?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: