ander-PAMILIyariti

( Pamili 2 d’ max, pa rin )

O, saang tribu ang handaan?

Nasa buwan ng Mayo ang mother’s day, sa Hunyo naman ang father’s day. Dagdag pa, June ang ‘tradisyunal’ na wedding month, kaya hindi kataka-taka kung June (din) or JULY ang sine-celebrate na family month.

————————————————————————————————

Hongah no? Pero bakit balistad —

Nauna ang mother’s day kaysa sa wedding month at father’s day?

O di ba? Primero mabubuntis muna si babae (magigi na NANAY)

then, pakaKASALan sya nun AMA nan bata!

Eheheheheh, keso-keso!

Teka muna… ba’t nandito ka pa? Overstay ka na a?

————————————————————————————————

The family is the basic unit of society,” narinig nyo na siguro yan. Pag maganda ang pamilyang nilakhan ng isang bata, mas nahuhubog syang maging isang responsableng mamamayan.

Alam nyo ba na nagdudulot ng insecurity sa mga musmos pag nakikita ang pag-aaway ng kanilang mga magulang? Paano nga naman kung maghiwalay? Mantakin mo yung pressure sa bata kung kanino kina Mommy o Daddy sya sasama?

Hayaan mong makita nya! Para hangga’t maaga e magkaron sya ng kamalayan sa realidad ng buhay! — katwiran ng ilan. Di bale kung simpleng pagtatalo lang… paano kung bayolente, physical (domestic violence, as in gulpihan) o verbal? (Sampol ng verbal violence: Gigilitan ko yan ng leeg! – Maski na ba bukambibig lang… ang morbid!)

Pag malaki na yung bata, nagiging manhid na, dinededma na lang ang mga magulang. Nagrerebelde: droga, sex, masamang barkada. Mahaba na sungay, kaya dadaanin na lang ni nanay sa iyak baka sakaling maawa ang anak; o kaya ni tatay sa pagwawala (hindi na nya kayang paluin) baka sakaling ma-bluff! Paano eepekto kung laseng o sabog si dyunyor, o kaya talagang nasanay na (manhid na nga e) sa mga acting nila?

Hindi ko sinasabing komo galing sa isang dysfunctional family ang isang bata ay otomatik na syang magiging salot ng lipunan. He can be a candidate, yes, but it is still his CHOICE — kahit gaano pa kabigat ang hamon para sa kanya as compared sa lumaki at nahubog sa ‘normal’ na pamilya… So why take the risk? Di ayusin na ang pamilya — gaano ba kadali o kahirap?

Sabagay, kung sa pagpapalaki ng anak — ay ander-pamilyar ako dyan.🙂 Hindi ga nga’t kami’y tinidor at kutsara lang?

————————————————————————————————

Si Marimar ni Kuya (CLICK PAGE 2)Further read sa → bnet

Pages: 1 2

Published in: Uncategorized on 17 July 2010 at 8:40 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/07/17/a-pam/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Domestic violence, ibang klase:

    Ading: Kuya, anuba dapat me gawin?

    Binubuntal ng asawa ko sarili nya pag nag-aaway kame.

    HBH: (Amf?) Ginagawa nya ba yan pag galit sya sa iba?

    Ading: Hindi ho… yung kaaway nya sinasapak nya.

    HBH: (Gulp!) Siguro ginagawa nya lang yun para ‘tumahimik’ ka.

    Baka grabe kang tumingin o magsasagot pag nag-aaway kayo?

    Ading:😳

    HBH: Gets ko na. Ayaw ka nyang saktan “kaya” yung sarili na lang nya.

    Naalala ko kasi si Kingkong😆 — umatungal nang pagkalakas-lakas, hinugot yung puno, binalya yung bundok (nabatukan ng malaking batong gumulong galing sa itaas) para i-bluff yung fragile na bidang babaeng pinakaiingat-ingatan nyang huwag masaktan.

    (Ser, hindi maganda ang gay-an!) Ingat ka na rin ading, hindi malayong balang araw pati ikaw e saktan na rin nya. On your part, huwag mo na lang ding pino-provoke.

    [ Don’t wori, readers: ipinagpaalam kong isasampol ito; Hindi naman ako naglalagay ng pagkakakilanlan. Malamang may iba pang mag-asawang tulad nila. ]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: