In pairness

( A pair in an empty nest? )

Dami nang nagdaan, walang naghulog kahit isa man lang. 😆

Sa amin yata tutuo ang statement na ito:

Live in the here and now, not in the yesterdays and tomorrows.grade 2

Tulad nito, halimbawa…

YESTERDAYS: Nung ako’y nag-asawa, WALA akong dinatnang byenang lalaki. Maagang yumao ang ama ng asawa ko, ang aking ama ganun din; At asahan mo, pag namatay nang MAAGA ang ama ng tahanan — lalo na kung hindi sya nakapag-aral — wala syang naiwang sariling tirahan o sapat na yaman sa kanyang mga naulila.

————————————————————————————————

[ Kaya mga padre de pamilya, kumuha na kayo ng insurance hangga’t maaga. Just in case lang naman; Para din ito sa inyong mag-iina. 😉 May insurance policy ngayon na bukod pa sa protection e may savings and investment na withdrawable. ]

————————————————————————————————

Ang nanay ko, at ang nanay ng girlfriend ko ay parehong nabyuda nuon nang hindi ‘mayaman’. Wala silang pwedeng ibahagi sa amin na maaaring ipamuhunan sa aming pagsisimula, kaya by default pareho kami ng girlfriend ko (misis ko na ngayon) na nag-start from zero. Wala kaming ‘minana’ ni misis, kaya wala kaming choice kundi magsikap para makapagpundar para sa aming mga sarili.

I am NOT saying na dapat kang umasa sa ipapasa sayo ng mga magulang mo — but you can’t deny it: You have an added advantage kung meron kang tinanggap na ‘puhunan’. Kahit pa DI ka umasa sa naiwan sayo ng parents mo, syempre iba rin yung pagkagradweyt e solo mo ang unang sweldo sa trabaho, kaysa sa kelangang mag-abot ka muna kay nanay at hintaying makatapos ng pag-aaral ang mas nakababata mong mga kapatid.

Sa kaso naming magkakapatid, walang kelangang suportahan financially dahil may kanya-kanya kaming scholarship; sa kaso ni misis (pito silang magkakapatid), nakatoka sa bawat panganay (pag grumadweyt na sila) ang papag-aralin ang mga bunsong kapatid. In both cases, kelangan ding mag-share sa renta at bills at pang-araw-araw na gastos sa bahay.

Hindi ako nagko-complain ha? (Kaya huwag kang defensive) Ikaw nga yata itong tumanggap na ng maraming pamuhunan sa iyong byenan e may gana pang magreklamo. Count your blessings! And be a good steward — use it wisely.

In fairness, ang nanay ko kahit nagsimula silang mahirap ng tatay ko (maagang nag-asawa) well off naman ngayon dahil sa ilang mga kapatid ko — mga ANAK na lumaking maayos dahil sa magandang pagpapalaki nila bilang mga magulang.

TOMORROWS: Anak… yan ang meron ang aming mga magulang na wala kami. True, faith in our Lord is the foremost, but faith without work is dead — we have to do our part. Practically speaking, LALO naming kelangang magsikap dahil wala kaming anak na ‘pwedeng asahan’.

Well, MATERYAL na bagay lang ang tinutukoy ko dito. At sa area na iyan, wala akong matayog na ambisyon. As far as my ‘basic dreams’ are concerned, sariling PUGAD lang para hindi na namin kelangang umupa, lalo na sa panahon ng muling paglalagas ng kuko’t balahibo at paglalaglag ng tuka. 😆

Again, SHARE ko lang… baka may makarelate uli, at ma-inspire na harapin ang ilang simpleng hamon sa buhay.

————————————————————————————————

anakampon

↓ ↓

Pages: 1 2 3 4

Published in: on 25 July 2010 at 1:20 am  Comments (3)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/07/25/pares/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. Super-haba (4 pages) na itong post ↑ kaya dito na lang ako magkwento tungkol sa isang ‘dating’ kapamilya ko:

    Wala pang five months akong resigned sa PhilRice nuon. May tindahan ng cross stitch ang misis ko dito sa bayan ng Muñoz, at itong inuupahang unit namin sa 4th floor ngayon ay framing workshop ko lang nuon.
    At around 6pm everyday, Mondays thru Saturdays, sabay kaming umuuwi sa Lexber Homes sa San Jose City.

    That Tuesday afternoon, sakay na kami ni misis ng dyip pauwi sa Lexber. Sa dilim ng dapithapon, napatitig ako sa mukha ng drayber ng dyip.
    Sa wari ko, parang kamukha sya ng bayaw ko — medyo tumanda lang ng mga sampung taon itong nasabing drayber.

    “Choi, tignan mo yung drayber, kamukha ni Efren,” bulong ko kay misis.

    Sumulyap lang si misis sa mukha ng drayber pero hindi na kumibo dahil hindi naman daw kamukha ng bayaw ko — a thought that she only revealed to me after a few days later. Ako naman, kahit hindi na muling tinugon ni misis, ay patuloy na natuon ang isip sa bayaw ko na hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala gayung sa Calamba sila nakatira ng Ate ko.

    “Tama… sa tantya ko’y nasa 59 years old na ang mamang ito,”
    (sa isip-isip ko) “ at siguro’y ganito ang magiging hitsura ng bayaw ko 10 years from now.” Alam ko ang edad ng bayaw ko (49 years old) dahil sampung taon ang ibinata ko sa kanya (magte-39 years ako that time). Natapos naman ang pag-aagam-agam ko bago makababa ng dyip at makauwi ng bahay.

    At about 11 pm, naglaro ako ng favorite kong computer game na “Thief”. Bakit ba ekako kinikilabutan ako na tila may humahagod na kung ano especially sa balikat ko? Wala pa namang scene na nakakatakot dito sa nilalaro ko… and one more thing, kabisado ko na ang PC game na ito!

    Kinabukasan, ayun na… Tumawag ang Tita ko at ibinalitang naaksidente at namatay on the spot ang bayaw ko… July 25, 2000, around 2am.

    Hindi ako naniniwala sa multo, at malabong mag-rely sa clairvoyance o anumang uri ng ESP. I really didn’t know, and cannot be bothered by such things; What I still remember is, that Wednesday, I was back in this 4th floor workshop working — unable to restrain the tears from my eyes.

    Naalala ko lang kasi that was exactly 10 years ago today…
    (I’m turning 49.)

  2. ang kulaypul klasmeyt ng tsaptiks heheh:)

    ————————————————
    (07 Aug 2010)
    Klasmeyt: Andami ko binili ganyan nun, klasmeyt,
    pandagdag-pasalubong. 🙂 Eyan pa o — sake-tasa (height = less than 2 inches)

  3. […] Anak • Baog • Ampon […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: