In pairness

( Gawa-bata )

Part of our work-out (1996).

Pag WALA kayong anak, eto ang MERON kayo:

Walang confirmation nung excitement pag delayed ang misis.

Walang shopping sa mall ng crib, mobile, kumot, unan at iba pang gamit-pantulog ni baby. Walang mga laruan, feeding bottle, pacifier, kyut na gwantes at medyas, bonnet at mga damit. Walang baby shower. Walang delivery room announcement. Walang welcome home party. Walang binyagan. Walang blow-out-painom sa mga kumpare.

Walang regular trip sa grocery for formulated milk at pampers.

Walang berdey-berdey. Wala ang pinakahihintay na first-birthday party sa bahay, sa McDo o Jollibee. Walang cake, ice cream at balloons, kiddie-party games, pikyur-teyking with “Happy Birthday” backdrop, sa “Blow the candles, anak!”

Walang batibot boys na magiging kamukha ng kanilang gwapong ama; walang cute girls na magsusuot ng mga damit pambabae na tulad ng kanilang ina.

Hindi ka makakaranas tumuntong sa stage para magsabit ng medalya sa anak na tatanggap.

Hindi ka makakaranas na maabutan ng hindi mo diploma.

Walang mag-aabot sayo ng una nyang sweldo.

Hindi mangyayari yung sasamahan mo ang binata mong anak na mamamanhikan. Hindi mo na mararamdaman ang feeling ng maghahatid sa altar ng anak na dalagang ikakasal.

Hindi ka na magkakaAPO! [ Ows? → Titolo. ]

Saan ba pwedeng mangGALING ang ‘pressure’?

1. Pamilya, pinanggalingan (core family) at ‘pinuntahan’ (in laws).

Lahat ng kapatid mo nabigyan na ng apo ang nanay at tatay mo —

IKAW NA LANG ang hindi.

2. Barkada. May mga lolo na e humihirit pa ng anak — di bale sana kung sa misis nya (lola na). Hindi eh… sa sekon wifey niya.

3. Sa trabaho. “Buti pa sila may maternity leave.”

Meron din nga “paternity leave”. At exempted ka sa ilang tax pag tatay ka. Bow ako dyan. 😉 … Nakakademoralized lang ang ganito ↓ na ginagawang basehan ang capability nyang magkaanak para mas privileged:

Sure akong magkakaanak kaya dapat mas maganda at malaki ang i-award sa aking staff-housing. Biglang nalimutang nagkandaiyak sya nuon sa kahihiyan, napakasal dahil nabuntis nga. Ismarte ka lang.

Eto pang iba, nung nagkakasilipan at nagtuturuan na kung sino ang gagawa ng trabaho:

Haynako, sana mabuntis ako (para ma-relieve sa trabaho). Para bang walang “K” mag-leave nang matagal ang mga hindi mabuntis-buntis. Ginastusan kayo ng kumpanya para makapag-aral, natural malaki ang expectation sa inyo.

4. Church — usually focused on families. At may mga kristyang insensitib din.

Kaya tuloy kahit “wala lang” sa mag-asawa, ang pressure ay unti-unting nagmumula —

5. Sa sarili. Bakit nga ba ganun? Lahat ng bagay na buhay nagre-reproduce — kahit nga amoeba dumadami… “Bakit kami hindi?”

6. Sa isa’t-isa. “Sino nga ba sa atin ang may diperensya?”

Magkaron ka lang ng maski isang anak, may ebidensya ka nang di ka baog. O kaya nabuntis minsan si misis, tapos nakunan — wala kang pruweba kaya para makalusot ka sa kantyaw, kelangan ulit-ulitin mo pa…

Hehehe, kelangan nga ba?

Mga tanong o biro na HINDI pinag-isipan — wala lang masabe:

1.Bakit ayaw nyo pang mag-anak?

→ Meron bang mag-asawa na ayaw magkaanak?

2.Sino ba’ng may diperensya?

→ Diretsuhin mo na: “Sino ba sa inyong dalawa ang baog? 😆 ”

3.Try nyo kaya sa iba?

→ Kung “ibang doktor o obygyny” na kokonsultahin, ok lang…

→ Kung “try sa ibang pakner” → i-tray mo muka MO!

Mga “encouragements” :

1.May kilala ako, sampung taon bago nagkaanak.

Ang tanong: Ilang taon na ba si babae? Baka disisais-anyos nung nag-asawa, ibig sabihin 26 lang nung nagkaanak, bata pa rin.

2.Yung auntie ko, 40 na nanganak pa!

Tanong: Pang-ilang anak na ba nya yun? Baka naman pangwalo na? Ang mas mahirap sa unang pagbubuntis ay yung nag-asawa nang medyo may idad na.

3.Magdasal kayo sa Manaoag, o kaya sa Obando!

Weh!?

4.Ayos lang walang anak, dami naman nagmamahal senyo.

→ How sweet! 😆

See? Mga pampalubag-loob na kahit maganda ang intensyon, nakakaumay na rin minsan pag inuulit-ulit sayo gayung sinabi mo na ngang kontento kayo na dadalawa lang kayo.

Well, depende sa kausap. Marami kaming kilalang respetadong tao na hindi naman sa kung meron o walang anak nakatuon ang pansin. In fact, mas obsessed nga sa ganyang usapan ang mga “wala lang” kasi wala silang ibang kakayahang pwedeng ipagparanya maliban sa ang magpadami ng tsikiting.

So friends and relatives, if you have nothing to say, don’t say it.

————————————————————————————————

Eto ang naiba:

Olpren: Kumusta na p’re? Ilan na anak mo?

HBH: Wala pa.

Olpren: Buti ka pa…

Gulat ako 😆 pero ‘epektib’. I know he didn’t really mean na hindi sya okey (if he really mean it, baka nabatukan ko sya) — wala lang syang mahagilap na response sa di-inaasahang sagot ko sa kaswal nyang tanong.

Pero tutuo, me mga ‘simpleng’ bagay na mas enjoyable pag walang anak:

The house is all yours. Kahit bold kayong mag-asawa sa loob ng bahay :mrgreen: e okey lang.

Walang istorbo. Pwede kayong maglamyerda maski saan nang walang batang karay-karay — para pa rin kayong magboypren lang.

Menos-gastos. Hindi nyo kelangang bumayad sa yaya na meron kayong tig-iisa sa bawat anak nyo (okey lang sa anak, huwag lang pati si tatay nila e nakiki-NANI sa mga yaya ehehe).

Talagang menos-gastos. Wala kayong iniisip na matrikula o iskul-requirement (kelangang bilhin sa titser nila) mula kinder hanggang kolehiyo.

Worry free. Wala kayo iniintinding sanggol o batang baka magkasakit; or tinedyer na hindi mo mawari kung saan nagpupupunta at kumbakit gabi na e wala pa. May ilan kaming kasabayan na ngayo’y iiyak-iyak kay misis dahil di alam kung papano pakikitunguhan ang kaba sa pwedeng kahinatnan ng inaasal ng kanilang mga anak…

May isang pari pastor nga na talaga namang napaiyak nang lihim nung makita ang pasa ng anak dahil sa pag-join sa sorority. Empre naman, kahit pa ba sabihin nating may mga frat o soro na okey myembruhan. (Kung lalake ang anak mong nag-join ng soro — mas lalo ka kabahan.)

Oist, hindi ako nananakot o nang-iinggit. Ano pa ba ang magagawa namin? Imbis na magsintir* kami ni misis sa malabo na naming maremedyuhan (relatively late na kami ikinasal, at ngayo’y half-a-century years old na kami) ay di count our blessings na lang. *Hindi naman talaga dapat ipagsintir yan.

————————————————————————————————

← Nabungaran ko pagmulat ng mata ko isang umaga.

Sa sala ako natulog nun dahil ‘binabantayan’ ko ang magdamagang-bukas na pinto. [ Kumbakit nakabukas, tignan ang pikyur dito. → Wanakusey ]

Nakasanayan na ni misis ang mag-iwan ng note pag may pupuntahang malapit lang. That Sunday morning, sa church sya pumunta. Napaaga lang kasi hindi sila nakapag-practice sa worship team nung nagdaang Sabado ng gabi (nawalan ng kuryente).

2007 pa ito, sya daw ang gumawa nyang backdrop. →

Yung bata (in-abandon ng parents) — alaga ng church.

————————————————————————————————

Yang pressure na nararanasan ng mga bago pa lang ay napagdaanan at nalagpasan na namin. Medyo matindi lang sa una na lalo NYO lang palalalain kung seseryosohin ang mga biro at iindahin ang mga panunukso; habang lumalaon e nawawala rin. Hindi lang iilan ang kilala kong paris namin na sa tinagal-tagal ng pagsasama ay dadalawa pa rin at matiwasay namang ine-enjoy ang presensya ng isa’t-isa.

Sa mga mag-asawa na maaaring dumadaan ngayon sa ganitong KRISIS: Bakit nyo isasakripisyo ang inyong pagsasama dahil lang sa mga kantyaw? Huwag alagaan ang negatib feelings… Baka kung saan kayo makarating nyan?

——————————————————————————————

SAYO naman, ‘mind-reading’ expert na walang inatupag kundi ang manghalukay ng posts ng iba para may maiintriga:

Kung DI KA makarelate sa sinasabi ko, bakit nagtityaga kang magbasa? Page 3 na nga ito, nahanap MO pa? 😆 Matanda na ako, itoy/ineng, at hindi uubrang tutulad sayo na outlet lang ng sariling ‘EMO’ ang pagba-BLOG. May lehitimong layunin AKO dito — kung hindi MO maintindihan,

→ → → kasi nga TUTOY/NENENG KA pa. 🙂

[ Pasintabi po sa iba. Pambugaw-PANIKI ↑ lang. Dinatnan ko na dito yan ]

————————————————————————————————

paresampon

Pages: 1 2 3 4

Published in: on 25 July 2010 at 1:20 am  Comments (3)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/07/25/pares/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. Super-haba (4 pages) na itong post ↑ kaya dito na lang ako magkwento tungkol sa isang ‘dating’ kapamilya ko:

    Wala pang five months akong resigned sa PhilRice nuon. May tindahan ng cross stitch ang misis ko dito sa bayan ng Muñoz, at itong inuupahang unit namin sa 4th floor ngayon ay framing workshop ko lang nuon.
    At around 6pm everyday, Mondays thru Saturdays, sabay kaming umuuwi sa Lexber Homes sa San Jose City.

    That Tuesday afternoon, sakay na kami ni misis ng dyip pauwi sa Lexber. Sa dilim ng dapithapon, napatitig ako sa mukha ng drayber ng dyip.
    Sa wari ko, parang kamukha sya ng bayaw ko — medyo tumanda lang ng mga sampung taon itong nasabing drayber.

    “Choi, tignan mo yung drayber, kamukha ni Efren,” bulong ko kay misis.

    Sumulyap lang si misis sa mukha ng drayber pero hindi na kumibo dahil hindi naman daw kamukha ng bayaw ko — a thought that she only revealed to me after a few days later. Ako naman, kahit hindi na muling tinugon ni misis, ay patuloy na natuon ang isip sa bayaw ko na hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala gayung sa Calamba sila nakatira ng Ate ko.

    “Tama… sa tantya ko’y nasa 59 years old na ang mamang ito,”
    (sa isip-isip ko) “ at siguro’y ganito ang magiging hitsura ng bayaw ko 10 years from now.” Alam ko ang edad ng bayaw ko (49 years old) dahil sampung taon ang ibinata ko sa kanya (magte-39 years ako that time). Natapos naman ang pag-aagam-agam ko bago makababa ng dyip at makauwi ng bahay.

    At about 11 pm, naglaro ako ng favorite kong computer game na “Thief”. Bakit ba ekako kinikilabutan ako na tila may humahagod na kung ano especially sa balikat ko? Wala pa namang scene na nakakatakot dito sa nilalaro ko… and one more thing, kabisado ko na ang PC game na ito!

    Kinabukasan, ayun na… Tumawag ang Tita ko at ibinalitang naaksidente at namatay on the spot ang bayaw ko… July 25, 2000, around 2am.

    Hindi ako naniniwala sa multo, at malabong mag-rely sa clairvoyance o anumang uri ng ESP. I really didn’t know, and cannot be bothered by such things; What I still remember is, that Wednesday, I was back in this 4th floor workshop working — unable to restrain the tears from my eyes.

    Naalala ko lang kasi that was exactly 10 years ago today…
    (I’m turning 49.)

  2. ang kulaypul klasmeyt ng tsaptiks heheh:)

    ————————————————
    (07 Aug 2010)
    Klasmeyt: Andami ko binili ganyan nun, klasmeyt,
    pandagdag-pasalubong. 🙂 Eyan pa o — sake-tasa (height = less than 2 inches)

  3. […] Anak • Baog • Ampon […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: