Utaklong

( Gulong — part 1 )

UTAKLONG!

Ulan-takbo-gulong

Tatlong taludtod at isang saknong

Utaklong: paikot-ikot lang ang panahon.

[ Who’s chasing who? ]

Istet of kalamiti, anader tsapter: Pagtapos ng tagtuyot, tagbaha naman. After “Syet, ang inet!”“pWet, ampotek!” naman ngayon.

Tuwing may bagyo,

Magbubukid: Baka mag-lodge ang palay namin…

Tabing-ilog settlers: Baka anurin ang bahay namin…

Kapag bumaha,

Dagang-Iskwater: Masisisi na naman kami! (lepto)

Dagang-Farmer: Machichibog na naman kami! (star meat)

Huwag lang sosobra, may pakinabang ang malimit at malakas na pag-ulan: Patubig-pananim sa mga farmer, pampuno-dams for community water supply. Alagang hagurin ng bagyo ang bansa natin, at dyan wala na tayong magagawa. Harinawang maihaytek na ang ating natitirang nag-iisang PAG-ASA para nahuhulaan naipo-forecast nang maaga.

————————————————————————————————

Si Lance hAMRSTerRONG😆

Magtatatlong ikot na ang blungga kaya “Gulong” ang prelude feature natin.

May separate page para sa iba’t-ibang exercise wheel sa Mansyon ng Daga, pero memya nyo na puntahan at baka magkasubukan kung gano katulin o kakupad pyuter at internet kuneksyon nyo:😆 Treadmill ng DAGA

Meanwhile, pikyurs ng mga “gulong” KO muna…

————————————————————————————————

Mga BADTRIP na dulot sa akin ng tag-ulan:

1. Sa tulad kong medyo malabo na’ng mata, anghirap mag-frame kapag prating makulimlim. Medyo mahalumigmig din kaya kelangan ang alagang pagmomonitor sa mga stock ng matboards, otherwise baka manguluntoy o amagin.

Bago ako magframe ng cross stitch, nilalabhan muna ito ni misis, inirorolyo sa malinis na tuwalya, then pinaplantsa para matuyo at mawala ang gusot. Kelangan ang dobleng ingat pag ipeframe ko na dahil baka may ma-trap na moisture sa paglalapat ng salamin. Hangga’t maaari, iniiwasan kong mag-final assembly pag umuulan (kaya nga mas maigi kung matingkad ang araw).

E ano kung may ma-trap na moisture?

Mas malaki ang tsansang tubuan ng fungus ang fabric ng cross stitch sa loob ng frame [Framing is also preservation, as well as display]. As we know, airborne ang pores ng fungus. Kung yun ngang mga camera lenses na manufactured at sealed sa strictly controlled environmental condition pwedeng tubuan ng fungus, ito pa kayang framing na manu-manong ginagawa lang?

2. MaLAMOK! Nag-urong pa naman kami uli ng kama! Wats da kunek? Tinginin mo dito kung gaano kahirap para sa akin ang maglipat ng → KULAMBO.

At least nagagamit na tong bagong RAKET ni misis — nabili sa ex-co-employee naming nag-garage sale (lumipat ng Gen San). Kung anu yan, memya mo na tignan sa ibaba. ↓

3. Hindi na advisable ang magtatakbo SA LABAS: baka maambunan ang bumbunan e sipunin, o kaya madulas e mapilayan. Kung baha ay di lalu na — mamangka ka na lang (huwag lang sa dalawang ilog hehe)

May advantages din naman:

1. Hindi na ganun kainit kaya matagal akong HAPUIN sa pagpe-frame.

2. Sarado na ang pinto sa gabi — derpor, tipid sa kuryente. Ageyn, wats da kunek? → wanakusey

Dating commercial space itong aming nirerentahang unit sa 4th floor na ginawang residential lang, pero ayaw pumayag ng electric cooperative na ibaba amg bayad sa konsumo ng kuryente, kaya ang ELEKTRIC BILL namin, presyong pang-kumersyal pa rin. Dahil sa tag-ulan, lalung hindi na kelangan ang leklek fan. Bakasyon na rin ang refrigeretor — niweys, nasa baba lang naman ang palengke. Mantakin mo ang epekto sa ref ng malimit na brown-out? Makonsumo sa kuryente yung paulit-ulit na pag-defrost at pag-frost pag nawawalan ng kuryente.

3. Dahil nga sa hindi na ubrang mag-jogging sa labas, pwede uling isabak itong mga “GULONG”… GULONG… GULONG… GULONG… (echo saun po yan).

Mor latak-dispo (?) items: Physical fitness ‘gadgets’ to keep us going, and going, and going… Ang ilan dito ay ikinukumersyal nuon sa TV na pag nabili mo na ay may nakalagay na “patent pending” (kamamacho at kaseseksi nung mga model, panong di ka bibile hehe). Karamihan na-acquire nung kami’y mga empleyado pa.

————————————————————————————————

Magbida ako nang kaunti…

Common notion na basta kawani ka ng gobyerno wala kang ginagawa. Kontrari to that, sa pinapasukan namin nuon, hindi. Sa ilang LGUs siguro, pero inpeyrnes hindi naman lahat. Kung may katuturan ang ipinagagawa ng mga pinakamatataas na boss (at ibinabayad ng mamamayan para sa isinasahod) sa labrats empleyado ay ibang isyu na yun.

Sa dami ng trabaho namin nuon e halos wala nang panahon sa exercise. Kaya eyun, kung anu-ano ang pinagbibili para ang takbuhan at exercisan e pedeng gawin SA LOOB ng pamamahay. Ilan na lang ito sa mga NATIRA dahil marami na kaming naipanigay, paris ng bisikleta.

————————————————————————————————

CLICK mo lang ang pikyur para lumaki:

← E anu PA ito?

Parang me batalya pa ng bilisketa?

← At ito pa?

Inunat at inasembol →

Aytowt! PanLAGAS-BILBIL nga!

Mga larong de-hagis at de-BOLA :

Dart.

Magaling si misis dito.

← Pingback, eheste Pingpong pala.

Champion din si misis sa tebol-tenis —

kahit dalawa pa ang bola.

Goodminton.

Obyusli hindi pede maglaro sa loob ng bahay nito.

Pede kung singlaki ng covered court haybol mo.

RakeTepok-wamok.

Yan yung pamalukang may pikyur sa itaas ↑.

Opo, pang-kuryente ng mga pesteng lamok.

(Magagalit ang PETA sa akin nito😆 )

Nitsa-charge yan na parang celepon.

Dehins tayp ni misis kaya AKIN ang mga ito:

← Gulong na isinisingkaw sa rabersyus

(Tsiketing)

← Gulong na pampalaki ng maskols

(Dumb-bols)

← Plais na pampalakas ng nakols

(Grip-heksorsayser)

Bunching Pag, pacquiao-style.

Pag nakakapanuod ako ng kukurap-kurap sa TV,

eto ginagawa ko shak-absorber at eskep-goat…

Wapaaah!

Mga pang-masahe (share kame ni misis):

Vibrator Kalamnan-massager.

May iba’t-ibang contact points para pleasure

ay variable.

← Pokapok?

Hindi ko alam kung pantunog o kung anu.

Baka pantuktokbumbunan tuhod at gulugod.

Foot-massager

(Futspa = paang-masahe, isa-paa)

One-foot-at-a-time.

Feet-massager

(Fitdwapa = paang-masahe, duwa-paa)

Magkabilang paa, pede pumidal nang sabay.

Palm-massager = pang-masads ng

kapalaran (talampakan sa kamay)

Palawit sa keychain kaya pakalat-kalat lang.

Buti walang mahiram na beybi ngayon si misis?

Baka madampot ↑ ito e gawing teether o gilagid-massager.

Tama na muna yan, baka kung saan na naman mapunta ang usapan…😆 Pinakita ko lang mga pikyur, para itong blog ko e hindi lang pampamilya kundi pang-sports pa!

————————————————————————————————

Eto uli yung page na nabanggit ko kanina. Treadmill ng DAGA

Perhaps someday, I can find ways to harness my hamsters’ Will Wheel-power to generate electicity!😀 Kahit pang-ilaw man lang sa Mansyon ng Daga?

Published in: on 7 August 2010 at 11:00 am  Comments (2)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/08/07/gulong/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Medyo gulat ako: (O, ha!?)

    sa strictness ni PNoy…

    Sabagay sa ganyan ako bumilib primero kay Makoy nuon.
    Dami kasi Pinoy na pasaway, hindi ubra ang masyadong maluwag (tolerant) kung talagang gusto nating umasenso (Sana umabot ang pagsupil sa katiwalian at kapabayaan hanggang sa mga lalawigan.) Diprensya lang nuon e sumobra (batas-militar) gayung mga kronis naman talaga ang nakinabang nang husto.

    sa edad ni Barack…

    Sabi ko nuon, buti pa itong si PNoy, 1 year lang ang itinanda sa akin e presidente na; E dito pala kay President Obama na kabe-berdey lang, mahigit 1 month lang ang ibinata ko!

    Apply kaya akong barangay-kapten paglipat ko ng Baguio?😀 (dyok lang ha?)

  2. mas trip ko na pangeksersays yung treadmill ng daga. weeeeeeee

    ————————————————
    (25 Aug 2010)
    Klasmeyt: Sa SM-Baguio may nakita kami
    malalaking hamster balls sa kiddie pool.🙂 Gawa kaya ako ng full-sized hamster wheel na kasya ang tao?🙄


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: