butas

( Gulong, flat-tired )

Sa kasaysayan ng Pilipinas, dalawang act of heroism ang magkasunod kong naaalala sa tuwing sasapit ang buwan ng Agosto:

1.Ang “Unang Sigaw” sa Pugad-Lawin nung 1896; at

2.Ang pagbaril sa Anak ng Tarlac sa tarmac ng airport sa Maynila — 1983.

Sa namuong pagtitipon,

1.Yang una ay rebolusyong marahas at madugo;

2.Itong pangalawa ay rebolusyong ‘maingay’ ngunit mapayapa.

Sino’ng ‘kalaban’? May pagkakatulad kahit magkaiba:

1.Mga dayuhang mananakop — pero kapwa-Pilipino din ang nagpa-execute at nag-execute ng “judgment” kay Gat Andres Bonifacio nung May 1897.

2.Diktaturya at pang-aabuso ng ilang mga kapwa-kababayan. Sa sinapit ng Senador, ganun din ang alam na: Pilipino ang bumaril at nagpabaril — taliwas sa isyung tahimik at buong-pagpapakumbabang ikinakalat (May poreyn perpetreytor!) ng isa kong kababayang loyalista (kunanang-daga sa susunod na post).

Tutut ba yun? Ewan ko. Siguro — yun daw ang sabi ng tatay nya e.😆 Bahala you… Hintayin na lang natin kung later e maitatala yan sa Philippine History… By now, all I can say is: “That’s ridiculous!”

Batas, may tagas… BUTAS?

Kahapon, tumawag na naman sa pansin ng buong mundo ang Pilipinas.😦

Sino senyo ang magpapalagay na isang kabayanihan o kamartiran ang ‘pagpapakamatay’ kung sariling request o belief lang ang ipinaglalaban, at madadamay pa ang iba who are unwilling to die with him? Aburido yung tao… kung sasabihin mong ‘okey lang’ yung ginawa nya ay ikaw itong mas delusional.

Hindi na saklaw ng aking kaalaman kung totoo man o hindi ang ipinaratang sa isang decorated law-enforcer. Yung nangyaring hostage situation — maging ang malagim na kinahinatnan nito — ay sumasalamin lang sa kabulukan sa sistema ng mas malaking kabuuan.

Isang halimbawa na lang: Bakit may mga pulis* na nangto-torture at nangsa-summary execute?** Sibakin mo sa tungkulin dahil nabisto sa tiwaling ginagawa, lalong nagiging scalawag. I say “lalong nagiging” — surely there are more scalawags who are yet to be caught: law-breakers instead of law-enforcers. Kita kahit sa side scene ng hostage drama — mismong silang magkakauniporme ay nawalan na ng tiwala sa isa’t-isa.

————————————————————————————————

* Law enforcement, is one of my most admired profession or calling. Kwidaw lang: Mabagsik at mabilasik yang bakal na hawak mo. (“Alagad ng batas”: ang batas ‘bakal’ ay nasa iyong mga kamay) Sa halip na ikaw ang makapangyari dito, ITO ang makapangyari sayo.

** Baka wala nang tiwala sa hustisya na minsan(?) e pera o powers lang ay sapat na para matanggal ang piring at maging lopsided ang timbangan? Paano mo pagkakatiwalaang gamitin nito ang kanyang TABAK kung sa timbangan pa lang ay hindi makatarungan? With due respect, I also admire law-interpreters (isama na’ng lahat ng may “tangan” ) …

Huwag lang sanang hanggang pukpok lang.

————————————————————————————————

Yung nangyari kahapon… Nasayang ang namumuro sanang magandang kahihinatnan ng pag-uusap. Sayang ang mga nakitil na buhay — ng isa nating kababayan, at ng mga dayuhang nadamay… Hindi man act of heroism, nawa’y magsilbing-aral ULIT ito sa lahat ng mga kinauukulan.

Pages: 1 2

Published in: on 24 August 2010 at 6:48 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/08/24/platayr/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: