tenkyub

( 103 = tententen )

Nung di pa uso ang cable TV, anTENna lang ang pansagap ng programa. Alam nyo bang sa linayu-layo ng aming lugar mula Maynila, ← ganito kasimpleng disenyo lang ay makakapanuod ka na ng matinu-tinong palabas dito sa Nueva Ecija? Dalawang pares ng elements lang, dahil useless din yung may napakarami at pagkahahaba na karaniwan nating nakikita.

[ Pasakalye lang iyang boob tube… ibang “tubo” topic natin dito.

Hulog ka muna DIYES sa slot-mauschine ko… ]

(Piggy-bank na daga) →

——————————————————————————

10 years egow: Mayroon kami nuon water pipe na ginamit as antenna pole, mga 10 feet ang haba. Bago kami lumipat at umalis ng PhilRice staff housing, pinatanggal ko kay Signo ang tubo. Masyadong mahaba kung dadalhin ko, kaya pinaputulan ko at ibinigay sa kanya ang kalahati. (Hindi gitnang-gitna ang pagkakahati nya — mas lamang ang sakin ng mga 4 inches.)

Plano ko sanang gawing baras, kaso nung napalipat ako dito sa 4th floor, walang poste o puno akong mapagkabitan. Ang tagal nang naka-istak lang ang tubo, anu bang gagawin ko dito?🙄 Ah, alam ko na…

Ang diameter ng tubo ay ~ 1¼ inches — Sakto sa butas ang 10-peso coin.

Ang thickness ng 10-peso coin ay 3/32 inch, samakatuwid para makaabot ng 3 inches, kelangan may 32 piraso ng sampung piso ako, or 320 pesos. Ang haba ng aking tubo ay 64 inches, pag napuno ko ito ng coins, may maiipon akong kulang-kulang sa pitong libong piso (P6,820)… Kung hindi ko pala pinahati ang tubo, ang maiipon ko ay mahigit sampung libo (P12,800)? Pero okey lang — palagay ko naman ay may mas malaking pakinabang para kay Signo ang ibinigay kong tubo.

Hehehe, hindi naman sa plano kong gawing alkansya yan (pwede rin) gusto lang hasain ang aking pagiging “henyo” sa math… Malamang eto’ng magiging silbi ng nabanggit na tubo. →

10-Peso coin dispenser wehehe

Ganto sound nyan: “TENgk! TENgk! TENgk! TENgk!”

————————————————————————————————

Dahil libre naman ang mangarap:😆 Ano kaya’t magkaroon ako ng tubong walang-tigil na bumabalong ng TEN pesos? AritmeTEN tayu uli:

Sa SAMPUNG PISO kada isang SEGUNDO:

10 x 60 = 600 sa loob ng isang minuto

600 x 60 = 36,000 sa isang oras

36000 x 24 = 864,000 sa isang araw

864000 x 30 = 25,920,000 sa isang buwan!

Php 25.9M monthly! Ahehe, daig ko pa ang may huweteng payola nito… powtekragis na yan… Balik tayo sa aking walang-madyik na coin dispenser (bago pa mapuno ng 25.9-milyon-peso-worth na tigsasampung-pisong barya itong kwarto ko):

————————————————————————————————

O di ba? Pag kelangan ko pang-internet sa labas, dyan lang ako kukuha. Saktong-sakto, walang botal: 30 minutes na pagba-blog na yun sa shop… Kahit pamasahe sa dyip, pede na rin dyan!

Teka muna… Magkano na nga ba ang minimum pasahe?😯 9 pesos? Aytowt may tukli, hindi sakto! … Pero di bale —

Sukling piso = pabaryahan ng SAMPUng tigdi-DIYES sentimos = gawan ko na lang ng 10-centavo coin dispenser mula sa mas maliit na tubo.😆

————————————————————————————————

Andami events sa 10-10-10, pero eto ang pinaka-nakarerelate ako → 92 na! (nagadisapir na yung mga linked page ko dun)… Kaya ko nga uli naalala yang matemaDIYES mateMADYIK matematiks!

Published in: on 10 October 2010 at 10:10 am  Comments (2)  
Tags: , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/10/10/tententen/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ayus kasyang kasya yung sampung piso sa tubo hehe

    ————————————————
    (23 Oct 2010)
    Klasmeyt: Yung para sa diyes sentimos ang wala akong makitang saktong-sakto.😆

  2. itay… kamusta na… nabti b kita nung birthday.. mo??? cenxa n nlimutan ko .. kya babatiin parin kita… belated happy birthday.. itay… bz n kc ako ngayun.. kya minsan lng ako mkdalaw sa iyo…miz u itay.. magfacebook k n kc .. para mkapagchikahan tayo..

    ————————————————
    (23 Oct 2010)
    Itay: Aush lang yun, anak… tenchu!😉 → Portinayner na.
    Sa ngayun, di ko pa gaanong maharap ang mag-fezbuk.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: