Hau’s da maus?

Istori 2 — Is der a maustrap in yur haus?

( Isang cut-and-paste na seryus? )

Mula sa isang butas sa dingding, excited na nagmamanman ang daga habang binubuksan ng farmer at ng kanyang asawa ang isang kahon:

Anu kayang chibog ang laman nun, ha? Siguro malaking keso!

Nanlumo sya nung makitang mousetrap pala ang laman. Humangos sya sa bakuran at ibinodkras ang nasaksihan:

May maustrap sa bahay! May maustrap sa bahay!

Eka ng kakahig-kahig na Manok:

“Mr Daga, alam kong malaking problema sayo yan,

pero sakin wala lang… Hindi ako pumapasok ng bahay, anuka?”

So, punta si Daga kay Baboy at dito nagsumbong:

May maustrap sa bahay! May maustrap sa bahay!

Nakisimpatya naman ang baboy:

“Kawawa ka naman, ang kaso hindi kita matutulungan…”

Hamo ipagpe-pray na lang kita.”

Punta si Daga kay Baka:

May maustrap sa bahay! May maustrap sa bahay!

Ang sabi ng baka:

“Holikaw! Sori, ismolmaus — wa-epek sakin ang bangis ng kahit

anung maustrap! Hehehe, para gang pitik laang?”

Anu pa nga ba? Malungkot na bumalik sa bahay ang ating bidaga at mag-isang hinarap ang “kanyang” problema.

Nung gabi ding yun, isang tunog ang bumasag sa katahimikan: “Tak!”
Pinuntahan ng asawa ng farmer ang mousetrap para tignan ang nahuli. Madilim palibhasa kaya hindi naaninag ng babae na ahas pala ang na-trap — hindi napuruhan dahil buntot lang nito ang naipit. Tinuklaw sya ng ahas. Isinugod sya ng asawa sa ospital. Bumalik sila sa bahay na sya’y nilalagnat.

Para gumaling lagnat, dapat humigop ng sabaw ng fresh chicken soup. Pumunta ang farmer sa bakuran at kinatay ang manok.

Sa kabila ng paghigop ng sabaw at pagkain ng sopas na manok, nagpatuloy ang lagnat ng babae. Dumalaw ang ilang kaibigan at kapitbahay at nagprisintang magbabantay sa maysakit. Para pakanin ang mga bisita’t nagbabantay, kinatay ng farmer ang baboy.

Hindi rin gumaling ang maysakit. Ilang araw pa, siya’y namatay. Dumating ang mas maraming tao para makipaglibing at makiramay. Kelangang pakainin ang lahat, kaya kinatay ng farmer si Mr holi cow.

Ang lahat ng ito ay nasaksihan ng munting daga mula sa kanyang lungga.

Eto daw ang moral lesson:

May problema ba ang kapwa mo na sa tingin mo’y hindi ka apektado?

————————————————————————————————

CHEESE-tu-CHEESE Case-tu-case hanalisis:

Pork saka Beef!

Ba’t kabongga yatang magpa-lamay?

Baka wa datung si fawmew tu order Shikenjoy.

Malay din ba naten kung yan kultyur nila?

Saka parang me kulang…

Sa’n naron ang mga ASO at ka-PUSA-an?

Hongah noh?

Baka nipalayas ng DAGA!?

———————————————————————

Ewww… Sana pala sa ASO na lang

nagsumbong si daga.

Wehehe.

“TOMbong-TOMbong kay bullgang DOGgong!”

Raaawwwr!!!

Hanu daw!???

Chase-tu-chase,

antisipeyted

————————————————————————————————

Istori 3Is der a maus’ haus in yur haus?

Pages: 1 2

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/10/20/maushaus/trackback/

RSS feed for comments on this post.

4 CommentsLeave a comment

  1. Akshuli may pang-apat pang kwento,
    kaso kahaba na nito… Kaya sa ibang araw na lang.
    [ Bukod sa post na ito, may kasabay pa apat na static “pages” na uber din sa detalye hehe ]

    October 10 yung nakaraang post, taz ito Oct 20…
    Me “symmetry” — o ha?

  2. Cool! Gusto ko ang moral lesson ng Mouse Trap in the House. U

    ————————————————
    (31 Oct 2010)
    HBH: Napaka-interesanteng mapansin na maraming
    kwentong may temang moral na ang mga characters ay
    ‘amoral’ creatures (hayop)… 🙂

    Nung elementary, malimit akong makapakinig ng mga
    pabula ni Aesop. [ Nung college, ang hindi ko malimutang reading assignment sa political science ay ang “Animal Farm”
    ni George Orwell (anti-Stalinism). ]

  3. […] Nabanggit ko last time na may isa pang kwento…
    Eto yun, in-omit ko muna yung key word para may suspense:

    • Istori 4 — Is der a __?__ maus in yur haus? […]

    [ October 10, Oct 20, taz eyun Oct 30 — me “symmetry” nga oha, oha! 🙂
    Tinginin nyo yung asymmetrical na mirror-image dun… Awoooooooooooo!!! ]

  4. hi, nice blog… i like hamster too! sana magkaroon ulit ako ng hamster! ^^
    ————————————————
    (16 Mar 2011)
    HBH: Hello, thanks! 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: