Da 4th maustori

( Amausendahaus 4.0 ) or ( fLURK, part 2 )

Parang bitin itong post pag walang litrato o bidyo kaya eto na lang… Sagot ito sa aking berdey pramis na sa undas na lang ako magpapakita ng latest pikyur.😯 Awoooooooooooo!!!

Walang kababalaghan dyan — kabalbalan meron! “Kabalbalaghan” na madaling gawin thru teknolugi ng puto- at bidyo-editing!😉

————————————————————————————————

Teaser lang ↑ yan… eto’ng ↓ talagang post ko:

Nabanggit ko last time na may isa pang kwento… Eto yun, in-omit ko muna yung key word para may suspense:

Istori 4Is der a __?__ maus in yur haus?

Oct 18, nung bumabagyo. Maghahating-gabi na. Nawalan ng kuryente, kaya punta ako sa kusina at nagsindi ng kandila… Balik ako sa sala at umupo sa kama (oo, may single bed sa sala)… Anuba itong lilipad-lipad sa loob ng bahay na nakita ko? Paru-paro?

Hindi ko maitsurahan, palibhasa, bukod sa blackout nga ay malabo na ang mata ko! Di inaninag ko ule… malaki!

Baka malaking paru-paro, o yung Attacus atlas moth na malimit sa mga puno ng santol? Pero hindi e… kasi iba kampay ng pakpak… saka maitim!

Aninag pa ule …😯 nyayay!

Panike!!!?

Di naman ako nag-panic😆 medyo nataranta lang konti. Paanong hinde? Kahit pa saksakan ng panghi ang ihi nito (that, I learned from experience) mahina ang lepto sa mapapala mo pag nakagat ka ng flying-dagang ito — baka pa rabies!

Eun… di na ko tuminag sa pagkakaupo sa kama kasi naiidlip dun si misis, binantayan ko.😆 Yung liit ng bahay naming yun e baka sa kanya dumapo.

“Choi, may pumasok na ‘kabág’ — wag kang gagalaw!” eka ko na lang.

Eto siguro yung naririnig kong kumakaluskos sa likod ng mga nakasabit na frame nung nagdaang hapon habang nagkokompyuter ako, lumabas lang nung dumilim kasi nga nawalan ng kuryente.

Pinanuod ko na lang si batman habang lumilipad nang pabalik-balik sa loob ng kabahayan — kusina-sala, kusina-sala… Mga isang dipa lang ang layo nya sa mukha ko sa tuwing dadaan sa harap ko. Cool na cool si mokong. Kahit madilim at makipot ang aming bahay e hindi sya nababangga! Alin, kung ibon yun, siguro nataranta na! Nakakita na siguro kayo ng ibon na na-trapped sa loob ng bahay — hindi ba nerbyos na nerbyos?😀

Maya-maya, dumapo si paniki sa semento sa itaas ng bintana sa kusina. Duon lang ako natinag sa pagkakaupo.

“Hahambalusin ko ba ng walis-tambo?” — sa isip-isip ko.

Teka muna, baka mapuruhan e mapatay ko… hindi naman ako inaano. Killing it would be unnecessary… Obyusli naligaw lang ito dahil bumabagyo.

“Hulihin ko kaya at ikulong?

Pawalan ko na lang kinaumagahan pag humupa na ang bagyo?”

Sige, ganun na lang… Kaso andilim — tinatamad akong maghanap ng kulungan… Ayaw ko naman syang pag-overnight-in sa Mansyon ng Daga dahil hindi ko yun naidesenyo para mag-transient ang isang bisitang paniki.

“Palabasin ko na nga lang” (and let nature decide on his fate) — kesa naman magdamag akong magbantay sa isang bampirang baka manipsip ng dugo ano?😆 Eniweys may mga sulok sa hallway ng building na hindi na sya abot ng bagyo. And bats are tough creatures: read the last 3 paragraphs of my REPLY to comment → here.

Edi binuksan ko nang todo ang pinto. Buti na lang nasa bandang likuran na nanggagaling ang malakas na hangin. Nakapagtirik pa ako ng kandila malapit sa pinto — para ekako makita nya ang daan palabas. (Nalimutan kong mas nakakakita nga pala ang paniki sa dilim; Saka kung huhulihin ko, dapat sa dapit-hapon ko sya paaalpasan, hindi kinaumagahan.)

Nung bubugawin ko na, bigla kong naisipan na syatan muna ng litrato. Kinuha ko ang digital camera sa kwarto at itinutok ko kay paniki mula duon. Dahil madilim, hirap na mag-auto-focus. Itinutok ko muna sa kandilang nakatirik sa may lababo, tapos ni-set ko sa manual focus. Nung ibalik ko ang tingin kay paniki, wala na sya ruon. Siguro(?) narinig nya yung matinis na hugong ng pagcha-charge ng flash o kaya yung infra-red focusing signal ng camera kaya nabugaw. Nasulyapan ko pang lumipad patungo sa sala bago mabilis at tuluyang nawala sa paningin ko.

Mukhang nakalabas na sa pinto. Di ko na sinundan sa hallway o balkon, dahil bukod sa sobrang dilim e mahangin pa.

Sa madaling kwento, hindi ko sya nakunan kaya wala akong ebidensyang maipapakita senyo… Sayang, sana nasyatan ko sya nang maaga-aga habang lumilipad pa (approx. isang minuto ring tumagal) — ganda sanang picture: Isang paniking nakalutang sa ere na ang background ay ang mga nakasabit na frame sa dingding sa loob ng aming bahay!

So gets nyo na ang missing word sa itaas. Eto mas saktong taytol:

Der was a flying maus in my haus!

————————————————————————————————

(Anader undas post ito)

Published in: on 30 October 2010 at 10:30 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/10/30/maustori-4/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] Kung ni-click at binasa nyo yung 4th maustori ay halos walang ipinagkaiba itong pang-anim na istorya ngayon. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: