half-term

(alegori wan)

Ang lihim sa likod ng peynting.

Alam myo ba kung para saan ang mga ito? →

Labing-anim (16) na aluminum strips + tatlumpu’t dalawang (32) pakong-bakya… Ginamit ko ang mga iyan para banatin sa stretcher ang canvas ng paintings na ipina-rush ng framing sa akin nung ‘sanlinggo.

Mumunting bagay na nagkaroon ng malaking silbi sa kabuuan ng nakakwadrong-likha na malamang ay nakadisplay na ngayon sa marangyang bahay ng nagpagawa. Nasa likuran, pero naruon pa KASAMA ng painting, pirming makikita at ‘maalala’ kung sisilipin lang — Hindi tulad ng nag-iisang pakong-bakyang ito na matapos magsilbi para butasan nang tig-dalawa ang labing-anim na aluminyo ay itinapon lang sa BASURA…

[ Ahehe, wala kasi ako drill-bit na pino kaya pinagtyagaan kong gumamit din ng pakong bakya para butasan ang mga aluminyo. Sya yung balu- baluktot na nasa left-hand corner ng clickabol na thumbnail pikyur. ↑ ]

Buti na lang, ang tao ay hindi tulad ng isang pako… May alam ka bang pako na mag-aabalang gumawa ng isang bantayog para sa isang martir na pako? 😆

[ Seriously, CLICK here… ]

Pages: 1 2

Published in: on 30 November 2010 at 7:00 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

full-term

Ilan sa mga unang pikyurs ni Doray nung siya’y dumating rito.

Detalye ng istorya, nandito. → Unang uwi

Hindi sigurado ang petshop boy sa saktong berdey ng hamster nung ito’y bilhin ko, pero sa tantya ko base sa laki at hitsura, mahigit lang nang konti sa isang buwan ang edad nito. January 26 (2009) nuon, kaya more or less somewhere between the second and third weeks ng December 2008 nung ipinanganak si Doray. Siguro about 10 to 14 days pa para sya’y mag- hustong dalawang taon.

————————————————————————————————

youtube-icon

Pag ni-click nyo yang icon, punta kayo sa video ng unang cage ni Doray;

Eto naman ang 2nd and 3rd nyang nilipatan:

————————————————————————————————

Sa ngayon, magana pa namang kumain at regular ang maiiksi nang oras ng paggising, pero patuloy syang pinahihina ng karamdaman ng katandaan… This may be her terminal illness.

Published in: on 29 November 2010 at 7:00 am  Leave a Comment  
Tags:

“Off” topics

May relevance ang una’t huling araw ng Nobyembre sa pikyur kong ito.

Isang bagay ang pumasok sa isip ko dahil sa paggunita ng dalawang public holidays nitong Nobyembre; Di ko lang sure kung aayon sa statistics ang aking obserbasyon:

Mukhang mas nakalalamang na ngayon ang mga ‘MAPAPALAD’ kaysa sa mga sawimpalad na mistresses.

Baket daw kaya? Kase ipina-aanul na ni mister ang kanyang unang marriage para makasal naman sa kanyang kinakasama. In ader werds, ang mga orig na misis na ngayon ang nagiging EMBITTERED… Paanong hinde e mas bata-bata matatapang pursigido ang sekon-wife-to-be kaysa sa iiwanang “ex”… Mas higher ang “K” ng kulasisi — nagkakausuhan kasi.

CLICK HERE to continue reading…

Published in: on 20 November 2010 at 5:11 pm  Comments (2)  
Tags: ,

kabet-kabet

(3 Olsolsdeyistoris for UNDASementeri)

( Walang kinalaman dito → kabit-kabit )

SUMARI:

Istori 1 — Kabit-kabit na pets

Istori 2 — Kabet-kabet na pwets

Istori 3 — Sebyor-ass

————————————————————————————————

DETALYE: ► CLICK mo dito • • •

Published in: on 2 November 2010 at 3:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , ,

patay!

Takot ka bang tumingin sa patay?

“First times” na nakakita ako ng patay:

1973 (grade 6 ako). Sa unang ospital ng Calamba (JRMH)

malapit sa munisipyo nung hindi pa ito nasusunog.

Hindi nyo na siguro kilala si Vic Pacia: isa syang artista sa showbiz na naaksidente sa Brgy Tulo, Calamba — sa highway papuntang Batangas. Nagpakarga ako sa isang mama para makasilip sa isang mataas at maliit na bintana ng emergency room. Kahit may mga tinamong sugat sa mukha dahil sa fragments ng nabasag na windshield , hindi nakakatakot ang hitsura.

“Anupu yun? Patay na?” tanong ko sa mamang nagbuhat sa akin.

“Patay na.” ang sagot.

1975 or 1976, Elepaño subd (sa Calamba pa rin). ► CLICK HERE to continue…

Published in: on 1 November 2010 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,