patay!

Takot ka bang tumingin sa patay?

“First times” na nakakita ako ng patay:

1973 (grade 6 ako). Sa unang ospital ng Calamba (JRMH)

malapit sa munisipyo nung hindi pa ito nasusunog.

Hindi nyo na siguro kilala si Vic Pacia: isa syang artista sa showbiz na naaksidente sa Brgy Tulo, Calamba — sa highway papuntang Batangas. Nagpakarga ako sa isang mama para makasilip sa isang mataas at maliit na bintana ng emergency room. Kahit may mga tinamong sugat sa mukha dahil sa fragments ng nabasag na windshield , hindi nakakatakot ang hitsura.

“Anupu yun? Patay na?” tanong ko sa mamang nagbuhat sa akin.

“Patay na.” ang sagot.

1975 or 1976, Elepaño subd (sa Calamba pa rin).

May isang dayo na nanggaling ng Bisaya, naki-ani sa isang tubuhan… Nakakita ng nakalawit na high-tension wire, sinungkit ng tubo (sugarcane) nakuryente — patay.

“Ang lakas pala ng kuryente nun…” — eka pa daw sa kwento ng isang kasamahan, tapos pasandal na umupo sa isang pader bago tuluyang naghigit ng balikat.

Maitim nung nakaburol na. May kayat pa ng natuyong dugo(?) sa pisngi na umagos mula sa gilid ng labi… Hindi alam ng nanay ko, sumama pa akong nakiusyoso nung inilibing dahil walking distance lang naman mula sa amin ang sementeryo ng Lecheria

“Ang takip, malalag-lag!” — tanda ko pa ang puntong-Bisaya ng misis (or kapatid? na panay ang iyak) dahil malimit tumagilid ang kabaong habang binabagtas ang ibabaw ng mga nitso patungo sa duluhan ng sementeryo.

Nakita ko pa ang kabuuan ng bangkay nung tanggalin ang takip ng ataul sa sementeryo para ‘bendisyunan’ ito… Hindi ako makatulog ng ilang gabi nuon pag naaalala ko yung hitsura.

Eto pa, the same place, sometime later: Nasabugan naman.

May nakahukay daw ng vintage bomb (nagmintis na bomba nung panahon ng Hapon) — ni-welding-an… sumabog — patay!

“Sumampay sa kulambo namin yung utak!” eka nung isang kapitbahay. May takip na GI sheet sa kabaong nung nakaburol na kaya hindi na rin makita ang lasug-lasog na hitsura (salamat naman).

Eto pa uli: sa kapilya ng sementeryo sa Lecheria.

Namaybay kami ng mga kalaro sa pilapil patawid sa bukid na naka- pagitan sa subdivision na tinitirhan namin at sa burol ng Lecheria. Humiwalay ako at papasok sana sa guhong kapilya sa sentro ng sementeryo. Tahimik at walang katau-tao… Huminto ako sa may arko ng pinto pero nag- atubiling tumuloy — para kasing kinikilabutan ako… Bumalik ako sa grupo at umakyat kami papunta sa Watawat ng Lahi.

Nung mababa at mapula-pula na ang araw, gumayak kami pauwi. Napansin naming maraming tao malapit sa kapilya — at may mga pulis pa. May nakita raw nakataling bangkay sa loob ng kapilya: naaagnas na!😯

Ahe, apat na perstaym? Akshuli, yung pangalawa ang parang “first time” kasi hindi ko nga nakita yung pangatlo at pang-apat.

Yang 1975-1976 (pers tu sekonyir hayskul) ang mga panahong malikot ang imahinasyon ko sa horror ( Yang mga kwento tutuo ha, hindi kathang- isip lang )… Incidentally, 1975 din nung eka ng isang aleng mataba e… hehe — na-duwende daw ako?

Na-overcome ko naman yan nang magkolehiyo ako — on the contrary, medyo parang nagkainteres pa nga ako NUON sa okultismo. Tuwing hapon, mag-isa akong nagbi-bisikleta papuntang sentemeryo😆 at hinihintay ang paglubog ng araw duon. Awa ng Diyos, sa tinagal-tagal kong praktis yun, walang ‘nagpakita’ … sa talaga namang wala dapat makitatakot lang nila.

Dalawa ang pikyur ko sa 1985 collage na ito.

Well, that is PAST TENSE anyway… Kaya nga natawa na lang ako nung may isang impostor (gumamit ng pangalan ng iba) na nagtanong kunwa dito — huwag ka gusto lang yata akong asarin sa website na inilagay nya as “URL” (hindi rin kanya). Walang kaso sa akin yung biro, ang TURN-OFF e yung gumamit pa ng pangalan ng iba.😕

Mga itoy, mga ineng: If you don’t have the courage to make your identity known e okey lang — basta huwag gagamit ng identity ng iba… BAD yun! Yung tutuong kayo.

Ikaw, bata: Ayan tuloy, di lalo ka ngayong nahihiyang magcomment dito. Gumagawa ka nang sarili mong multo na later e ikaw din ang matatakot.

[ BTW, pinalabas uli sa cable ang part 2 ng Exorcist last week ng gabi, Oct 25. Alam mo bang na-‘crushed’ ako dyan kay Linda Blair nung nagdalaga?🙂 ]

————————————————————————————————

(Ahehe, undas post ule…)

Published in: on 1 November 2010 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/11/01/patay/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: