kabet-kabet

(3 Olsolsdeyistoris for UNDASementeri)

( Walang kinalaman dito → kabit-kabit )

SUMARI:

Istori 1 — Kabit-kabit na pets

Istori 2 — Kabet-kabet na pwets

Istori 3 — Sebyor-ass

————————————————————————————————

DETALYE:

Istori 1Kowinsidentali, “Kabit-kabit na pets

Usapang daga ito, pedeng mag-pass: Proceed to Istori 2. ↓

Nelaboreyt na ito last year.

Mag-amang hamsters na Faramir at Bugoy

Hamster sisturs na Bebang-girdel at Beria-girdel

Hamster solmeyts na Wiggler Mocha at Isnohontas

Istori 2Nan-aksidentali, “Kabet-kabet na pwets

Pamilyar naman siguro kayo sa hitsura ng mga askal na katatapos lang magyarian sa kalye. Paano nyo kaya sasagutin pag tinanong kayo ng anak nyo:

“Tatay, nanay… bakit po magkakabit ang pwet nung mga aso?”🙄

Hindi nga pang-undas ito ↑ pang “awoooooooo!” naman.

Istori 3Hit’s yur choice, “Sebyur-ass

( Isang cut-and-paste na seryus? )

Prisonero sya sa isang malayong lugar at gusto nyang makatakas. Matagal na nyang minamanmanan ang isang payat at huklubang lalaki na halus kada ikatlong araw ay malayang nakalalabas-masok sa piitan tuwing dapithapon — may tulak itong kariton na may lulang kabaong upang hakutin palabas at ilibing ang mga namamatay na bilanggo.

“May salapi akong naitago,” palihim na sinabi nya dito isang araw, “ibibigay ko lahat sayo basta tulungan mo lang akong makatakas!”

Tinanggap ng matanda ang pera at pumayag sa ganitong kasunduan:

Bago ilabas ng matanda ang karitong magdadala ng kabaong na may laman, pilit na sisiksik ang ating bida sa loob katabi ng patay. Tutal hindi naman na daw iniinspeksyon ng mga guwardya ang bangkay dahil sa pangambang baka may nakahahawa itong sakit, mag-aantay sya ruon hanggang sa mailabas at maibaon sa lupa ang kabaong. Pagsapit ng gabi, duon pa lang ito muling huhukayin ng matanda.

Lumipas ang tatlong araw na di-nagpakita ang matanda — ni wala man lang syang makitang ataul na inilalabas… Dinobol-kros kaya sya ng kausap? O sadyang wala pa lang bilanggong namamatay na kelangang ilibing? Gayunpaman, buong-tyaga syang naghintay pa ng isang araw.

Ayun na nga kinabukasan… Nagulat na lang sya nang makitang naruon na ang kariton sa isang madilim na sulok sa loob ng bilangguan… Lulan nito ang kabaong — ang kanyang pasaporte sa kalayaan!

Patago syang sumampa sa kariton… Iniangat ang takip ng kabaong, nahiga sa loob, at muling ibinalik ang takip… Samyong-samyo ang amoy- amag na loob nito; At bagamat medyo maluwang sa loob ay damang-dama nya ang malamig na balat ng katabi. “Mabuti na lang at may kaliitan ang pangangatawan ng namatay na bilanggo ngayon,” ang wika nya sa sarili.

Mga tatlumpung minuto pa ay narinig na nya ang pukpok ng martilyo sa mga pakong magpipinid sa takip ng kabaong — ang alikabok na nasasahod ng kanyang mukha… Maya-maya’y ang langitngit ng mga gulong kasabay ng mabagal na pag-usad ng kariton… Ilang sandali pa ay naramdaman nya ang pag-angat ng ataul, ang halus pabagsak na paghuhugos nito sa hukay, at ang sunod-sunod na tunog ng tumatabong lupa… Pagkatapos nun, katahimikan…

“Aush lang… Kaya kong maghintay kahit gaano katagal!”

Isang oras ang lumipas, katahimikan pa rin, na kung may bumabasag man ay ang di-tumitigil na pagkabog ng kanyang dibdib, at ang sikdu-sikdo nyang paghinga na unti-unting nagiging napakahirap dahil sa kakapusan ng hangin… Dalawang oras… tatlo… apat… lima…

“Ang diliiiim! Wala akong makita!!!”

Anim… pito… … … ilang oras na nga ba syang naron?

“ ‘ tangna, Tanda! — Nasan ka naaaaaa!!!”

… … …

“Hah… may lighter nga pala ako… eto… salamat, nasa bulsa ko pala.”

Sinindihan ang lighter… Tinanglawan ang kabuuan ng parisukat na himlayang kinaroroonan… Sa nanlalabong paningin, nabanaag ang mukha ng katabi… ang matandang ‘magpapalaya’ sa kanya!

————————————————————————————————

Ikaw, kakosa… Saan o kanino nakakabit ang minimithi mong kaligtasan? Iyan ba’y talagang saving faith? o is-dyafeyks na feyt?

Surely, walang kakayahang magligtas at magpalaya ang isang patay.

Published in: on 2 November 2010 at 3:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/11/02/kabet-kabet/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: