“Off” topics

May relevance ang una’t huling araw ng Nobyembre sa pikyur kong ito.

Isang bagay ang pumasok sa isip ko dahil sa paggunita ng dalawang public holidays nitong Nobyembre; Di ko lang sure kung aayon sa statistics ang aking obserbasyon:

Mukhang mas nakalalamang na ngayon ang mga ‘MAPAPALAD’ kaysa sa mga sawimpalad na mistresses.

Baket daw kaya? Kase ipina-aanul na ni mister ang kanyang unang marriage para makasal naman sa kanyang kinakasama. In ader werds, ang mga orig na misis na ngayon ang nagiging EMBITTERED… Paanong hinde e mas bata-bata matatapang pursigido ang sekon-wife-to-be kaysa sa iiwanang “ex”… Mas higher ang “K” ng kulasisi — nagkakausuhan kasi.

“May bagong dyowa na rin naman si ex-misis kaya happy na rin sya!”

— eka mo siguro.

Well, good for both of them*… Ang mga anak nila, ‘okey’ naman kaya? “Sana…”

To those CONCERNED: Alam nyo na ang pakiramdam pag nagkahiwalay ang inyong ama at ina, kaya sana naman ay hindi nyo na ito ipalasap sa inyong mga magiging anak kung sakali mang kayo na ang magsisipag-asawa… Siguraduhin muna kase, para wala nang reple-replacement.

Anlabo ba?😆 Kung hindi nyo ma-gets ang kaugnayan ng ipinakita ko sa mga sinabi ko, e hayai na… Ituring nyo na lang na announcement ang post na ito para mabigyang-pansin ang mga “off-topics” (maseselang paksang iniiwasang pag-usapan) sa ilalim ng BANNER POSTS” diyan sa sidebar: [►]

––––––– • –––––––

Kasal Kasal uli

Kabit Putok sa buho

————————————————————————————————

* Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako nagpo-post ng mga ganitong bagay para mangunsensya lang ng mga totoong di na makalabas sa sitwasyong pinasok nila; in fact malimit ko ngang sabihin na hindi dapat maging self-remorseful. Sa kabilang banda, TURN-OFF din naman yung mga panay ang dada para bigyang-katwiran ang pagkakamaling ginawa… Ang pangkaraniwang palusot (may halong pasaring kasi defensive) ay ganito:

Hindi mo pwedeng i-judge ang tao hangga’t hindi ka lumalagay sa katayuan nya.

Unang-una, nanghuhusga ba tayo ng tao dito? Hindi ah. Akala mo lang yun kasi napapraning ka… As far as what I am posting here are concerned, wala akong intensyong manghusga.

Secondly, tanungin mo rin ang sarili mo: Tutuo bang ‘mauunawaan’ mo lang ang isang tao pag nagawa mo din ang tulad ng mistake na nagawa nya? Hindi kaya subconsciously (you’re not aware about it because you REFUSE to admit it) ay nako-console ka lang o nare-relieve sa iyong guilt dahil alam mong hindi ka nag-iisa — ‘naghahanap ka ng damay’ — derpor nabibigyang-katwiran ang mistake na iyong ginawa? Para bang sinasabi mong:

O kita mo na, hindi lang ako — marami kame!”😀

And the more na mas maraming gumagawa, hindi kaya palihim kang mas natutuwa? Empre nga naman — pag lumalamang ang consensus, kahit sala, nagiging ‘tama’…😦 [ Eka nga ni atorni agaton: “ Da kwestyun is not ‘Is it wrong?’ Da kwestyun is ‘Is it legal?’ ” ]

Aba’y KUNG paghahanap lang ng damay ang layon mo, hindi ka tutuong nagmamalasakit sa kapwa mo dahil sarili mo lang ang pinoprotektahan mo. Dahil imbes na hangarin mong sana hindi nagkamali yung iba, ang iniisip mo pa ay BUTI NA LANG nagkamali rin sila nuon, at least may kapareho ako. Well, to tell you frankly, ikaw lang naman ang hanggang ngayon ay hindi pa nakaiintindi sa sarili mo.

I suppose hindi ka selfish para i-admit na ayaw mong maulit sa anak mo ang nangyari sayo ‘di ba? Then, isipin mo na lang na ang mga ‘warnings’ ko dito ay para sa mga kabataang TULAD nya (not necessarily para sa mismong anak mo, dahil baka isipin mong ginagatungan ko syang mamuhi sayo). KUNG ayaw mo ng mga isinusulat ko dito ay di huwag mong ituring na para sayo ito — ano bang akala mo, ikaw lang ang tao sa mundo?

O, balikan mo uli to… Inisnab mo yata kanina. ► Kung tapos na e di tapos na!

————————————————————————————————

Eto pa ang ilan — sadyang hindi ko na isinama sa sidebar dahil kung hindi man masyadong ‘garapal’ pakinggan e may mag-akalang napaka-discriminatory ko naman. (Sinabi ko na ngang hindi i…) :

Pamilya

Anak Baog Ampon

Bakla Supot Kabit uli

Napag-uusapan lang.

Published in: on 20 November 2010 at 5:11 pm  Comments (2)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/11/20/off-topic/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. Kung ang dahilan ng kumokonting(?) sawimpalad na mistresses ay ito, aush na aush sana:
    Nagiging open-minded ang maraming kabinataan na panagutan ang babaeng minamahal na nauna nang nadisgrasya o naanakan (ng mister ng iba) bago pa ito’y kanyang nakilala.

    Saludo ako sayo, binata — kahit pa sabihin ng IBA na
    ika’y isang ‘tanga’.

  2. […] Wanmor “off”-topic → Debors! […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: