anaweyr

My old flatbed scanner (purchased 02 Aug 2000) connected ‘in parallel’ to

my antique AMD K6-2 (equiv to Pentium II).

Digital camera na ang uso ngayon. Kilala nyo pa kaya ang mga ito?

Negative film (maraming sampol → dito)

Positive or reversal film (mas kilalang “slide” nung kapanahunan ko) na pwede mong silipin sa slide viewer. Pwede mo rin itong ‘panoorin’ sa kapirasong telon (screen) o dingding gamit ang isang slide projector.

Flatbed scanner, siguro naman pamilyar kayo. Pang-scan ito ng printed material (tulad ng litrato) para mai-convert into digitized format — in other words, para magkaroon ng kopya ang print o pikyur sa loob ng pyuter.

Film scanner, pan-digitized din pikyur, ang kaibahan ay negative o slide film ang kokopyahan. Una akong nakagamit nito nung 1996 training ko sa Dyapax, very low pa ang resolution kahit “high-tech” nang matatawag nuon… Ni hindi nga nakabili agad ang PhilRice ng ganito bago ako magresigned (2000) kasi saksakan ng mahal: kulang-kulang yata sa PhP100,000 ang isang unit… Slide (film) scanner ang matagal ko nang pangarap na magkaroon nang personal.

Ahehe, orientation pa lang yang mga ibinida ko, eto talagang kwento:

Meron kasi akong inuwing FLATBED scanner nuong Christmas 2008 reunion, bigay ni 1st brother (Take note: flatbed ha — HINDI slide scanner). Primero ayaw ko sanang dalhin dahil bitbitin pa, tutal may nagagamit pa naman ako (yang nasa pikyur sa itaas).

1st brother:“Arleen, may scanner ka na ba? May ibibigay ako.”

HBH (Arleen):“Malaki ba? Meron akong pang-A4.”

1st brother:“Pang-standard bond paper lang.”

Kung A3 sana na 11 x 17 inches ang scanning area, solb na solb… kaso 8½ x 11 (A4) lang din paris nung luma ko. Sabagay, USB-2 connection itong ibinibigay ni utol — mas mabilis kaysa sa parallel connection ng antigong scanner ko.

Di eyun, binitbit ko si scanner mula Calamba pauwi ng Nueva Ecija, ikinabit sa aking laptop, at nakapag-download naman ako ng driver mula sa internet. Basic lang ang operation kaya kahit walang kasamang user’s manual, nagamit ko agad sa pagdi-digitized ng mga naipon kong litrato na printed from negative film rolls na syang uso pa nuon. From January 2009, ang scanner ding ito ang gamit ko pag may kliyenteng magpapagawa ng pattern ng pikyur na gusto nilang i-cross-stitch.

Last month (November), may naghahanap sa akin sa facebook — isang dating kabarkada (1985~) na more than 20 years ko nang di nakikita. Naisip kong mag-scan ng lumang pikyur (ng aming pinagsamahan) na mai-upload para i-share sa kanya. Babaklasin ko sana ang scanner para linisin ang ilalim ng glass stage. Hindi ko mabaklas kaya nakuntento na lang akong punasan ang ibabaw ng salamin.

Nung lilinisin ko na ang underside nung cover (yung kulay-puti na lumalapat sa salamin pag isinara — nuon ko lang susubukang punasan ito) — anuba’t parang matatanggal yata? Nung hilahin ko nang todo, nagulat pa ako sa nakita.😆

Ang bigay na flatbed, may itinatago palang film scanner! Yehmeyn! Film — negative or slide — eder op da tu wil du!

For the whole time kasi, nakapatong ang scanner sa isang rack kung saan hindi ubrang iangat all-the-way ang takip nito, kaya di ko pinapansin yung nakasulat dun sa bandang loob, na kung wala akong suot na reading glass e hindi ko rin naman mabasa.😳 Lumipas pa ang halos dalawang taon bago ko napagtantong may slide scanner na pala ako?

————————————————————————————————

‘nyanga pala… Nakailang Pas mo Pasko ka na? Tinanggap mo na ba ang ibinigay sayo?

Meri krismas.

Published in: on 25 December 2010 at 5:00 am  Comments (2)  
Tags: ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2010/12/25/anaweyr/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ————————————————————————————————

    Mahalaga sa akin ang film scanner, kasi may naka-archived akong mga slides (at negatives) na bulto-bulto.😆

    Dati-rati, ganito ang improvised set-up ko: kukunan ng digital camera (nauna nang ibinigay din ni 1st brother nung 2005) ang backlighted na slide at full macro… Hindi madali ang magfocus, problema pa quality at color ng lighting. Sipatin nyo ang pagkakaiba sa ini-scanned:

    Left: using the copywork set-up • Right: using the film scanner

    Eto pa ang ilang sampols ng ini-scanned from slides:

    Don’t forget na galing ang mga ito sa UBER-LIIT na rectangular area (24 x 36 millimeters) na puro grains (photo-emulsion materials) — taz idagdag mo pa yung mga gasgas, alikabok at amag dahil sa kalumaan. Opkurs hindi tayo pedeng mag-expect ng kasing-ganda ng original pikyur na sinyatan ng digital camera.

    Ahehe, film-scanning lang ang tinutukoy ko ha?

  2. happy new year, kapatid! maganda itong ginagawa mo na pinipiga ang lahat ng electronic equipment for all their worth. bawas upgrade = bawas basura sa landfills🙂

    ————————————————
    (23 Jan 2011)
    bertong bakulaw:😀 Naispatan ko nuon malapit sa training center ng OIC. →
    ngani-ngani kong pulutin.

    “Wala, puro Hapon ang mapapanuod ko sa mga iyan!”
    eka ko na lang sa sarili para hindi manghinayang… Yung
    isang co-trainee naming bumbay may napulot na component, binitbit nya pauwi sa kanila.

    (Huwag lang re-conditioned monitor dahil pagkakatanda ko duon nagsimulang lumabo ang mata ko.)

    Happy new year din, kapatid.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: