.

( Getting used to )

Nakakapanibago…

Since 2003, napakabihira kung iiwan ko nang hihigit sa maghapon ang bahay. Sa tuwing lumuluwas ako ng Maynila, hangga’t maaari balikan. Ngayon, napakadali nang maglamyerda nang matagal-tagal.

Dati-rati, halos kilabutan ako pag nakaririnig ng atungal ng pusa sa pasilyo sa labas. 😆 Ngayon, pwede nang iwang bukas ang pinto kahit walang harang.

Hindi na rin ‘obligado’ ang regular na pagbili ng mga prutas at gulay. Tuwing chichibog ako, pipingas ng maliit na pira-piraso — saka ko lang maaalalang wala na palang hahatian at pagbibigyan.

Wala nang mga pupunggas-punggas mula sa pagkakatulog pagdating ng alas-singko ng hapon.

Tapos na rin ang walang palyang ‘ligpitan’ tuwing alas-diyes ng gabi bago kami matulog — habang sila nama’y nag-uumpisa pa lang na mag-obertaym.

Mahigit pitong taon din yun. Paano kong hindi ‘hahanap-hanapin’ ang halos magdamag na kutkot sa Mansyon at ang langitngit ng ikot ng mga gulong?

Si Doray ang huling (nag)paalam.

————————————————————————————————

Olrayt, hindi angkop sa okasyon ang post na ito…

ETO na lang (simpol aritmetik):

1897|05|10 – 1863|11|30 = 33T|5B|10A

1896|12|30 – 1861|06|19 = 35T|6B|11A

Yang una (last month) berdey, itong pangalawa (ngayon) detdey…

Nag-trenta (“30”) nang hindi umabot ng kwarenta, pero hindi naging tuldok lang.

Published in: on 30 December 2010 at 5:30 pm  Comments (1)  
Tags: ,