wabeyt

In the wilds — CLICK yu para malaman kung ano.

Hindi stuffed toy, peksman — nasyatan ko nang malabo bago nakaalis… Maswerte sya’t walang askal o pusang-gala dyan sa kanila.

————————————————————————————————

Ibang istorya ito… (pedeng laktawan) ↓

Nung internship ko sa kolehiyo, isang instructional module ang ginawa namin tungkol sa “Tropical Rabbit Production.” Ang rabbit kasi ay hindi lang pets — may mga breeds ding pwede nating paramihin at ‘alagaan’ na tulad ng baboy o manok (pag wala na tayong makaen).

May ginawa kaming soundslide set na ibinigay namin sa UPLB Animal Science professor na nag-sponsor sa aming project. Yung script at storyboard nito, naitabi ko, kasama ang draft ng isang “How to” manual (ginawa ko rin) na tumatalakay sa iba’t-ibang breeds ng kuneho; pag-aalaga, pagpapalahi at pagpaparami; tamang disenyo ng kulungan for mass production; at mga produktong galing dito tulad ng karne at balahibo. Kahit paa (rabbit foot) pwedeng patuyuin at gawing key chain para daw bumalik ang swerti. [Sa kasamaang palad, naisama ang script, storyboard at manual sa mga nai-disposed ko bago kami umalis sa dating tinitirhan.]

————————————————————————————————

Baktrak of related posts:

2008 Feb 07: Unang Chinese New Year ng Hamster-Blog na ito — Year of the RAT

2009 Jan 26: Tsinoy-Sodyak daw ni homebodyhubby — OX

2010 Feb 14: Pag-exit ng toro, sya namang entri ng tegri o malaking PUSA

And now, sa paglisan ng huling(?) Daga, sya namang aribal ng isa pang mukhang daga: da WABEYT nga.

Wala me plano mag-alaga ng rabbit — naalala lang.

Bilib ako sa tradisyong ito bilang isang anyo ng sining at kulturang pang-Silangan (naks!); Kung sa ispiwitwal o uber-natural tone, ay talgang wala na kong kaa-lam—a-lam.

[ Rabbits were formerly rodents until 1912. They now belong to Order Lagomorpha.]

————————————————————————————————

Istori 2

Pages: 1 2

Published in: on 3 February 2011 at 9:18 am  Comments (1)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/02/03/wabeyt/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Dito sa Australia marami akong nakikitang feral rabbits; dami talaga. May mga nasasagasaan sa kalsada tulad ng mga kangaroos… Kahit dito sa farm, may nakita pa akong nagkasakit at namatay. Dinala at pinakawalan daw ang mga wabeyt na ‘to ng mga migrants na galing Inglatera noon, para may magiging libangan at makain sila- hunting. Hindi inakalang sa bandang huli, o hanggang ngayon ay naging problema ang mga kunehong ito ng mga magsasaka.

    Ang isa kong kasama sa trabaho, may rabbit trap, palagi siyang may huli, kaya bukod sa manok may rabbit meat din sya- na, interestingly, kinu-consider ding poultry meat! Mas matataba ang mga wabeyt kapag mid- o late Australian winter hanggang spring, kasi marami silang makakain- berde at malalago ang mga damo sapagkat madalas umulan.

    ‘Yong mga pangalan naman na nagsasabi kung kailan ipinanganak ang mga Tsinoy, ayos! Hahaha! U

    ————————————————
    (22 Feb 2011)
    HBH: Nakakagulat ngang isipin, RJ, na ang mga ‘pets’ na
    binibili at inaalagaan dito ay matisod-tisod lang sa ibang bansa na parang mga palakang bato* dito.😆 Parang yung ating mga kuhol (golden snails) din na in-introduced nuon —
    nang di na makontrol ang pagdami ay naging peste na.
    But in fairness mas masarap ang wabeyts kesa sa susô.

    Nakakita ako ng rabbit na katay (binalatan, walang ulo, lamang loob at mga paa — para ngang dressed chicken na humaba lang) pero di pa ako nakatikim. Hindi na namin kasi nahintay mailuto yung pinipikyuran for soundslides nuon.
    ————

    * Kahit hindi makain e nahanapan din ng pakinabang… May mga coin purses na itinitinda — yari sa pinatuyong palaka!😯


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: