nanu-nanu

Dun sa bahay walang lupa… Dito sa site = walang bahay, puro lupa…

Darating kami sa itaas around 9 piyem, pipila at sasakay sa pasenjer- dyip na siYam-an, babayad ng minimum fare na tigna-9 pesos, bababa sa mahabang daan na tumutugpa sa tinutuluyan munang haus numero…🙄 …labingwalo! (kala mu ‘nine’ ule anu?)

————————————————————————————————

Sa tinagal-tagal at dinalas-dalas na pag-akyat ng Baguio, ni minsan hindi pa namin inabot yung sinasabi nilang pinakamalamig na panahon dito. Sayang, pirmi ko pa namang baon itong termómeter ko. →

Hindi niebe ang hinihintay ko — “nuwebe” lang (9° Celsius) — na karaniwang tumatapat sa madaling araw ng Enero/Pebrero.

Ginaw-in yang si hombadi a…

Pano syang titira sa bundoks?

Kun a-lam mo lang defrens ng ‘lamig’ sa patag

at ng dun hay-inda-mawntens…

Lamig sa kapatagan — dala ng hanging Amihan, iisang direksyon, ‘humahampas’.

Epeks = Barado’ng ilong mo dahil sa uhog.

Lamig sa bundok — ol-yir-raun, ‘yumayapos’ — kahit di mahangin, lamig nakapalibot.

Epeks = Tumutulo na sipon mo, di mo pa namamalayan.

[ Teknowt: yung “sipon” ay as if parang woter lang — malabnaw at malinaw e.]

Epektos ng hay-altitude-lamig sa akin:

1.Menos sakit ng ulo… bihira na ring uminit ang aking ulo.

(Nataon pang nasira TV namin😦 di ako makapanood ng balita.)

Yun nga lang — kapag bagong-akyat, humahapdi ang aking mga mata.

2.Maaga akong nakakatulog sa gabi.

3.Panay ang kiyakis sa akin ni misis pag tulog — hindi paris sa Nueva Ecija na halos ayaw madikitan kapag saksakan ng inet.

4.Ayaw ko nang bumangon paglampas ng hatinggabi — feel-na-feel kasi ang ginaw pag lumabas ng kumot… Kung hindi nga lang ako ihing-ihi.

5.Maaga akong nagigising sa umaga.

6.Yung ‘morning syndrome’ nating mga boys (“nagpa-flag ceremony” — eka ng ating mga nanay nung tayo’y mga tutuy pa) — lalu yatang tumindi dahil sa lamig!😳 Bakit nga ba ang mamang to → ay nakahubad pa?

7.Humahaba ang aking stamina, dat mins hindi ako gaanong pagurin, kaya halos maghapon ang laboy namin sa labas ni misis… Less stress kaya bihirang kumirot ang aking anting-anting.

8.Lakwatsa + ginaw = (ekwals) malimit na rebolusyon ng sikmura.

EPeks: napapalakas ang kain at nalilimit ang inom ng kape — awa ng Diyos di naman na ako naha-heartburn.

9.Napagtripan kong magpaambon isang gabi, hindi ako nilagnat o sinipon. Pero nung subukan kong maligo ng tubig na nakaistak nang magdamag sa dram (Hang-ginaaawwwwwuuu!!!) sumakit ang tenga ko at tila ibig bumalik ang aking vertigo… Edi eyun — hindi na ako umulit maligo… …nang walang halong mainit na tubig ehehe.

← Nakita ko sa guwang sa ugat ng pine tree sa lote bago umuwi…

Self-supporting na pusa — na-hypothermia yata. Sa tingin ko dito na sya

natulog para tuldukan ang kanyang ikasiyam na buhay.

————————————————————————————————

Matapos ang panhik-panaog na pagsusukat at pagbibilang ng buhol, panay lupa ang mga bulsa ko… Hehehe, sana maging pera ang lupa.

Published in: on 22 February 2011 at 5:20 pm  Comments (1)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/02/22/nanu-nanu/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Akyat kami uli diswik (4th tym disyir)…
    Meron festival dun, meron din dyan.
    ————————————————

    Kuuu! Sa tutuo lang, nagkukulay taeng-kabayo ako sa twing

    makikita ang drowing sa likod ng ating berdeng-pesu!

    ————————————————
    (02 Mar 2011) Kelangan bumaba ule — nasasaid ang bulsa ko nang hindi kumikita. Tarbaho muna…

    Umm! Eto na yung puttitat

    — after tartin days:

    (01 Apr 2011) Panaog ule nung Lunes…

    Da puttitat

    — after tarti-por days:

    (24 Jul 2011) Panaog ule nung Huwebes…

    May tabun ti puttitat

    hanggang 135 days:

    Nihukay ti puttitat

    nung pan-144 days!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: