inamals

(mga inang animal)

“Isusubo na lang, ibibigay pa sa anak.”

Ilang beses mo nang narinig yan? Sang-ayon ka ba na likas sa isang ina ang magsakripisyo alang-alang sa anak? ‘Anak muna bago ang sarili’ — nakasaksi ako ng ganyan kelan lang, sa bundok at sa patag:

1.Sa haybol site, may pagala-galang Inahin. ← (dito ba galing ang English word

na “Mother Hen”?)

Si Nanang-Hen, may 17 chickoldren. Kakahig-tutuka ang Inanok sa lupa… Pag me nakitang bulate, hindi nya kakainin kundi hahayaang pag-agawan at pagsaluhan ng kanyang mga bibeng- bebing-sisiw.

2.Dito sa 4th floor, nasa labas ang CR. Iniiwan naming bukas ang maliit na bintana sa likod… Dahil pirmi kami nasa Baguio nawadeys (derpor tagal na di nagagamit banyo) may ebun-couple na pabalik-balik dito.

Weeks later, may naririnig na kaming mga sisiyap-siyap sa kisame.

Si Inay-Maya, prating may uod-pasalubong sa tuka. Madalas gusot pa ang balahibo na tila nakipagbuno sa uod… At imbes na lunukin na lang ang uod, dadalhin pa yun sa loob ng kisame para isubo sa mga ænakay niya.

Syurli, hindi nanay ang chichibuging mga bulate at uod… Kung nagkataon, sino pa kaya ang magpapakain sa mga anak-ng-bulate at anak-ng-uod?

————————————————————————————————

HMD.

Published in: on 8 May 2011 at 7:17 am  Comments (3)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/05/08/inamals/trackback/

RSS feed for comments on this post.

3 CommentsLeave a comment

  1. May mga pagkakataon na dalawang maya ang nakikita kong magkasamang may dala-dala — most likely si Itay-Maya
    yung isa?🙂
    ————————————————
    (08 May 2011)
    HBH: May binisita kami ni misis after the holy week…
    First time ko pa lang syang nakita, but I can discern that
    she is a strong woman… Single-parent, and at 34 is battling
    with cancer.

    Eka sa akin ni misis: “Pag naiisip na nya ang 11-year-old son na maiiwan e duon lang sya naiiyak.”😦

  2. […] 1. Ang puting Tandang na hinahanap nya ay ang ama ng 17 chickoldren ni Nanang Hen. […]

    […] 2.Kumusta naman si Inay-Maya?
    Ilang araw din silang aali-aligid ni Itay-Maya sa labas. […]

  3. The woman I am referring to in my first comment ↑
    she finally went Home with the Lord last Sunday (07 Aug).
    This picture shows part of her earthly body’s burial ‘rites’ yesterday. [ verses to ponder: John 6:37; 2 Cor 5:17 ]

    Banggitin ko na rin ang isang nilalang na lubhang naghihirap
    ang loob [ nung mga panahong bago sya pumanaw ] dahil sa nakikitang pagsa-suffer nya — ang babaeng muling nag-aruga sa kanya during the last two years of her life: ang kanyang mahal na INA.
    Of course, masakit para sa mas-nakatatandang nanay
    na ito na nauna pang pumanaw ang anak kaysa sa kanya…
    But she knows the TRUTH: pansamantalang paghihiwalay
    lang ito — for there sooner is a “GRAND REUNION”,
    and that is for ETERNITY! … Truly, “Precious in the sight of the Lord is the death of his saints.”

    Syangapala: Ang 11-yr-old boy ay nasa poder ngayon ni “Lola”. Nariyan din naman ang kanyang dalawang Tita (at ang kani-kaniyang husband).😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: