hinayupax

(mga hayup na papa)

Sekwel to inamals

Ilang araw ding hinanap ni Mang Pedring ang missing white rooster.

“Hindi na babalik yun… baka nakakita na ng ibang dumalaga

dyan sa likod,” — ang nanghihinayang na sambit.

1.Si Mang Pedring (hindi si San Pedro ha?) ay kapitbahay ko sa Baguio. Ang puting Tandang na hinahanap nya ay ang ama ng 17 chickoldren ni Nanang Hen na nabanggit ko dito nung nakaraan.

“Itatali ko na lang pag nakita ko,” may pag-asang pahabol,

“o kaya masaltik — nang me maipampulutan.”

2.Kumusta naman si Inay-Maya?

Ilang araw din silang aali-aligid ni Itay-Maya sa labas. Kahit madalang ko nang mapansing may dalang uod sa tuka, buong-tiyaga pa rin silang sisilip-silip sa bintana — nagmamatyag at nagbabantay sa mga nagmamay-ari ng di-na-ganuon-katinis na mga “siyap”.

————————

Nilakihan ko ang siwang ng kisame para hindi mahirapan ang mga Anak-Maya, na bagamat excited, ay tila takot pa ring lumabas sa sang-maliwanag. Naglagay na rin ako ng tuntungan para di-maging peligroso ang kanilang pagbaba.😀

Si Itay-Maya

hinihintay ang paglabas ng dalawa pang anak nila.

Sa madaling kwento, ginabayan sila ng ebun-couple hanggang makaya na nilang ikampay ang sariling mga pakpak at makapangharbat ng matutuka. Di magtatagal, makakatagpo ang mga ænakay na ito ng katuwang sa paggawa ng pugad, en as yunow it — Paikot-ikot lang ang life.

Kun trip yu magresearch → Passer montanus

————————————————————————————————

Iniwan kami ni Papa…

Magmula no’n nagbago na kulay ng mundo ko!

Ako na lang daddy mo…

Tatawagin kitang “Anak ng Puchang-Gala.”

Awey!!!

Kumakatay ako ng PowsA!

————————————————————————————————

Paumanhin po😳 mga giliw na mambabasa: I know this is a serious matter.

TIP ko sayo anak: mas magiging epektib kang ama kung lulubayan mo na ang pag-aalaga sa galit mo sa erpats mo… Tagal na nun! — MALAKI ka na ‘no?

HFD.

Published in: on 19 June 2011 at 8:18 am  Comments (5)  
Tags: , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/06/19/hinayupax/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. ————————————————
    Tignan ko nga neybor kung magaling ka:
    Ano napulot mo sa istorya?
    ————————————————
    Chiken pid! Da Ebuns-pamili ar in-peybor op RH bill,
    Si Tang-Tarangdang hinde!

  2. Eka nyo siguro:
    “Bakit walang pikyur o bidyo ng mga inakay sa pugad?”

    Kahit kaya kong syatan, hindi na ako nag-attempt na kunan: Nakita nyo naman si Itay-maya — galit na galet kahit lalapitan ko pa lang ang kinalalagyan ng pugad;😆 In fact, maski makita lang kaming papasok ng banyo ni misis!

    Well, sana makahanap ako ng paraan kung papano magiging less-obstrusive neks tym — provided na yang bagsak na kisame ay di pa papalitan ng may-ari ng bahay.

    Syangapala: Binabati ko ang lahat ng “anak-ng-Kalamba”
    sa ika 150-taong kaarawan ng kanilang Tatay.😉

  3. Piyesta ngayun senyo ‘tay! Umuwi kayo?
    ————————————————
    (30 Jun 2011)
    HBH: Hindi lang sa Kalamba;
    ang June 24 ay araw din ng Maynila.

    Umakyat kami ng Baguio (nung a-20 pa) para dito hintayin
    ang bagyo. Isang linggong makulimlim at malakas ang ulan dahil sa hanging Habagat na hila-hila ni “Falcon”.
    Nandito pa kami sa haylands hanggang ngayon.

  4. ang galing nmn, nakunan mo buong family at talagang welcome sila at may “housing assistance” pa mula sa “landlord” hahaha. sinira ng tuluyan pa kisame hehe. maliit daw kc ung ino oofer mo na haybols sa knila at saka exposed🙂

    sana lahat ng tayo may puso na katulad mo🙂
    ————————————————
    (25 Jul 2011)
    Robby: Hongah, maliit yang birdie-haus,
    saka dapat nakatago man lang sa lilim ng puno.
    Tinginin mo itong nakita ni misis sa Baguio ———→
    napulot namin sa lupa sa ilalim ng pine tree — mukhang di pa nagagamit nung mahulog…
    Sori ha, marumi ang kamay ko dyan — puro lupa.😳 Ang tutuo, ngaun lang kinalyo nang todo ang kapalarans ko dahil sa kapopokpok.😆
    ————————————————
    Wawa naman ito… Sa tantya ko kabilang sya —→ sa second batch ng mga inakay na naririnig naming sisiyap-siyap uli sa itaas ng kisame bago kami umakyat ng Baguio… 31 days kaming wala (June 20 to July 21) at iyan nga ang nabungaran ko sa banyo pag-uwi.😦
    Hindi siguro makasampa sa bintana at sa sahig na inabot ng matinding init at gutom.

    Nung kamakalawa may panibagong matitinis na siyap
    na naman akong naririnig…

  5. ay wawa naman😦

    ang kyut ng nest. ang galing nila gumawa noh. kaw eh may pang pokpok pa cla eh tuka lang🙂

    ————————————————
    (29 Jul 2011)
    Robby: Ang tutuo nyan pag nagpopokpok ako sa mataas, ginagamit ko na ring pang-angkla ang ulo at mga paa ko sa “beams” (parang pawwot) kasi baka ako mahulog.😀
    But dasrayt — mas mahusay pa ring arkitekto ang mga ebuns.

    Hello, minyang… sumilip lang ako para mag-schedule ng powt. Pag akyat namin ule bisi na naman ako, di makapagnet.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: