pak… yo!

( Ubrang sekwel ng Pokpok at Puktu )

pak-yo = mga PAKo at mawtilYO

————————————————————————————————

Ambastus ng blog na‘to!

Sana “PM” na lang!

Di pede, nagamit na YUN i —

Dalawa beses na.

————————————————————————————————

“Para kang pako… kung hindi pa pukpukin, hindi kikilos.”

Huwag kasing maghintay pa na utusan: gawin ang tarbaho, nang di ka masabihan ng ganyan.

Inpeyrnes sa pako (en I mean da real pakong-nails):

Talagang gay-un sila ginawa — hindi nila kayang lumubog nang KUSA. Parang turnilyo din — kelangan pang screw-hin (o ha?)

————————————————————————————————

Screw-hin? Hambastus talaga!

“Ikutin” kamo a.

Neybor na bold-op-censols:

Mapa-tagalog, mapa-ingles — dumi utak mo.

Hungah, masyado ka GREEN!

Haynako, wag nyo ‘ko galitin…

————————————————————————————————

Ngayon ko lang tutuong naranasan ang gumawa ng ‘bahay’
(hindi na ito Haybols ng Daga) at napagtanto kong kahirap din palang maging isang karpintero.

1.Ang MARTILYO kong nabili 20 yirs egow ay halos mahugot na ang ulo sa puluhan dahil ngayon lang napasabak nang husto.

2.Nakilala ko ang iba’t-ibang ‘kalibre’ ng PAKO: Bad trip sa lahat yung mga DI pa nangangalahati na nailulubog sa kahoy e bumabaluktot na; At kahirap hugutin pag gusto mo nang alisin!

Natural tatanggalin ko na. Ni hindi umabot sa ilalim na pagpapakuan — anu pang silbi nila? Kelangang palitan. Patunaw na lang kayo wid ader latak-bakals por resaykiling.

Opkurs, some of the factors ng pagliko:

ang kahoy na pagpapakuan — matigas

lugar ng ipapako — masikip, di na maihataw ang martilyo

direksyon ng pako — mahirap pumukpok nang patagilid-pataas

you, da pokpok — hindi ka sanay mag-karpintero.

(Huwag yu me pagtawanan, nag-a-adjust pa ako!)

ang martilyo — uber-luma, maluwag ang ulo o pudpod na ang nguso

ang pako — kahit bago pa, kung tabinge naman ang ulo

Tag-ulan, derpor bubungan.

Eto’ng bagay na musik dito. → ♫ “Yo—pak” ♫😆

Anong gusto nyong maging — pako o martilyo?

Ahehe… pakong-bakya, ‘yaw nyo?

Published in: on 30 June 2011 at 2:35 pm  Comments (2)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/06/30/pakyo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

2 CommentsLeave a comment

  1. ei, long tym ah. hamishew na po. as in karpintero ka na now? bihira ko magka time mag browse eh . super bz sa work. pero empre, di ko makaklimutan bibistahin haybols mo. mis ko na empre malalalim mong tagalog! may puluhan ka png nalalaman! hahaha yngatz palage. mwah
    ————————————————
    (24 Jul 2011)
    Robby: Minyaaaang!!!😀
    Natambak ang ipo-post ko; 31 days and 31 nights straight kaming nasa Baguio (20 June to 21 July 2011) …
    Sisilip na lang ako uli dito — tomoro siguro.

  2. itay i2 puba un cnasabi ni asney n sambwangwagoli..
    ———
    Cge na nga ean anak ansharp talaga ng memori mo…
    Huwak mo‘ko ibibisto hane?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: