pikti-pikti

(50-50: “Hating-kapatid”)

Baguio City Zoo.

Ang mag-neybors, nakatisod ng keso:

Ako ang maghahati,

Ikaw ang unang pipili.

Uy, ambaet!

Marunong ka na ng fair share!

Ang hindi alam ni ismol-maus, pinikti-pikti (“siniksik at pinitpit”?) ni bRATfid ang kalahati, taz binuhaghag nang konti yung anader half na maraming butas sa gitna… Natural, nagmukhang mas malaki itong pangalawa.

Mas maliit naman ako —

Akin na lang itong ismol!

Eng?

————————————————————————————————

May ganito ba sa BARKADA nyo?

Pag magka-kasabay kayo sa dyip e umuupo sa bandang likod —

para ikaw ang mas malapit sa drayber. (‘kaw ang maglilibre, chong!)

May dagdag na tarbaho sa opisina, o kaya may ‘general cleaning’:

“Una na‘ko sayo ‘pre — manganganak pa yung pusa namin eh.”

Magkasalo nga kayong kumakain,

Ang siste: ang kanyang ulam, tinatabunan ng kanin. 😆

Tinutungga diretso sa bunganga ang baong 1-liter C2 o mogu-mogu,

kaya puro laway ang nguso ng botelya.

Sa inuman, pag oras na ng bayaran —

biglang nawawalan ng ulirat sa matinding “kalasingan”.

Sa hasyenda-boundari nyo: Maghintay ka til magunaw ang mundo,

kung aasa kang sya’ng tatapos ng kalhati ng pader na itinayo mo.

Kagaling magkwenta ng mga ipinahiram, nagkaka-amnesya naman

pag sya ang nangutang.

————————————————————————————————

Miski nga matsing-flends,

nagku-KUTO-han.

Pag tumama ako sa loto

hindi ko babalatuhan ang ganyan!

AngKOTO, angKOTO,

nipag-agaw-agawan.

————————————————————————————

Half-finished na ang hayland-kubol.

Sahig, pinto at bintana naman nekstaym.

AHA-HA-HA! Mukang pabrika ng kuto-putsinta!

Eheste, tuko-sitpunta!

Eck! anubayan! — Puto-kutsinta pala!

Woi, garapatang luntian…

Saka na nya ikwento kumbakit ganyan!

————————————————————————————————

Busy pa rin me. Saka na yung pej 2, hane?

Por egus wan…

eyun na.

Pages: 1 2

Published in: on 31 July 2011 at 7:00 am  Comments (3)  
Tags: , , , , , , ,

a.k.a.

Hindi akin ang hbb; nakikiaso lang.

“Olga” ang tawag sa kanya ng mga bata… “Bogart” ng amo nyang babae, at “Poochie” ng among lalake… Itong huling alyas ang nakasanayan namin ni misis.

Hindi ako pamilyar sa kanilang breeds: Sya ay isang babaeng-ASOng balbon na kulay-kayumanggi (hairy brown bitch).

May ‘asal’ si Poochie na kaiba sa kapwa-nya-aso: Makahol (duwag naman) Maharot (nangdadamba pag tuwang-tuwa) at Makulit (kung alin ang ‘bawal’, yun ang ginagawa)… Sya ang klase ng “PET” na ikahihiya mo sa ibang tao kung ikaw ang kanyang naging amo.

————————————————————————————————

Bosing, walang ganyanan!

Di namin kayo kinakahiya maski ANU kayo…

————————————————————————————————

In peyrnes, mabait naman si Poochie kahit ‘pasaway’. Subok ko na ang kanyang LOYALTY sapul pa nung umpisahan kong itayo ang aking kubol. Kulang na nga lang na tawagin ko syang “foredog” (asong foreman). 😆 [Nandun sya sa pambungad na pikyur, ni-klik mu ba?]

Ito lang ang aming agreement: Aush lang na maputikan ang aking suot sa kanyang kadadamba; basta ba huwag syang KAKALKAL sa haykubol-site ko. Nag-e-erode pa ang lupa e.

Marami akong istorya tungkol dito, pero saka na lang… Meanwhile, napag-uusapan na rin lang ang aso (haushold-myembro na rin sila, tho sa iba rito sa Baguio e namumurong kapukan-in at kaldereta-hin), pakilala ko na rin ang neyborhud-DOGS ni Poochie [CLICK mo ↓ dito]

Published in: on 21 July 2011 at 3:55 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

putak-tilaok

Mga 20 times straight, every 10 seconds — kahit hindi madaling-araw:

“Eh! e-e—eeeeeeeh!”

Akala ko nung una, naglakihan at naging ganap nang tandang ang mga boy-sisiws ni Nanang-hen. Taka lang ako kumbakit alanganing putak na di ko mawari ang mga TILI-ok? Dahil kaya lumaki silang walang nakopyahang ‘wastong’ pagbigkas ng “Taktalaok”? … Kung inyong matatandaan, iniwan sila ni Tatang-tandang nung sila’y mga bibe beybi pa… Kung may Lolo- o Ankol-rooster man lang sana ano?

Naibida ni misis na may nakita syang nyuli-arrived ismol-manoks sa kapitbahay, at duon ko lang nalaman na iba pala ang nagmamay-ari ng mga mahiwagang tilaok…

————————

Choli po :blushed:

mga bantam-chickens pala!

Ahe, prati kasing paders-en-sans ang pinag-iinitan naten.

Maders-n-dawters naman — at distym, focus tau sa yomans [click mo ↓ dito]

Published in: on 11 July 2011 at 3:33 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

ba-d, ba-d

(bawal diyan, bawal dito)

Bawal: MMDA MDMA = _?_ [ Klik ↑ da pikyur ]

————————————————————————————————

No lettering daw?

Anlalaki nung letra o?

“Littering”, neybor.

Parang ikaw — mahilig magKALAT.

Oe ung badi-bading kasalan,

bakit di binawalan?

Achows! Kadiri tudamaks!

Guwark! Pweh!

Ser, ser,

Bawal po ang magDURA.

At DumA-Hulk ng may plemang

mamerde-merde pa.

I tol yu —

Nangtotortyur ako ng PowsA!

————————————————————————————————

Related powt → BB-tag

Pages: 1 2

Published in: on 1 July 2011 at 3:31 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,