a.k.a.

Hindi akin ang hbb; nakikiaso lang.

“Olga” ang tawag sa kanya ng mga bata… “Bogart” ng amo nyang babae, at “Poochie” ng among lalake… Itong huling alyas ang nakasanayan namin ni misis.

Hindi ako pamilyar sa kanilang breeds: Sya ay isang babaeng-ASOng balbon na kulay-kayumanggi (hairy brown bitch).

May ‘asal’ si Poochie na kaiba sa kapwa-nya-aso: Makahol (duwag naman) Maharot (nangdadamba pag tuwang-tuwa) at Makulit (kung alin ang ‘bawal’, yun ang ginagawa)… Sya ang klase ng “PET” na ikahihiya mo sa ibang tao kung ikaw ang kanyang naging amo.

————————————————————————————————

Bosing, walang ganyanan!

Di namin kayo kinakahiya maski ANU kayo…

————————————————————————————————

In peyrnes, mabait naman si Poochie kahit ‘pasaway’. Subok ko na ang kanyang LOYALTY sapul pa nung umpisahan kong itayo ang aking kubol. Kulang na nga lang na tawagin ko syang “foredog” (asong foreman).😆 [Nandun sya sa pambungad na pikyur, ni-klik mu ba?]

Ito lang ang aming agreement: Aush lang na maputikan ang aking suot sa kanyang kadadamba; basta ba huwag syang KAKALKAL sa haykubol-site ko. Nag-e-erode pa ang lupa e.

Marami akong istorya tungkol dito, pero saka na lang… Meanwhile, napag-uusapan na rin lang ang aso (haushold-myembro na rin sila, tho sa iba rito sa Baguio e namumurong kapukan-in at kaldereta-hin), pakilala ko na rin ang neyborhud-DOGS ni Poochie

1.Si Joker — Tahimik at pormal; kahit maliit, matapang… Last year (hindi pa nya ako kilala), inangilan nya ako nang akmang kakagat; Hindi ako nilubayan hangga’t hindi ako lumalayo sa kanyang teritori.

[ Joker visiting my kubol — “vibes” na kami ngayon]

Si Joker ang tipo kong aso — hindi kayang sindakin ng kahit mas malaking aso (o maski cguro eni nilalang ahe). Kung hindi nga lang ako paalis-alis ng bahay, hihingi ako ng isang dyunyor nya kay Potpot.

2.Si Potpot ang natutaan ni Joker. [naTUTAan = ekwibalen ng “naanakan” in yomans]… Tahimik, tuwid ang tindig at taas-noo kung lumakad… Minsan, nakulitan sya kay Poochie: ‘Ginulpi’ nya ito… Hysterical na tumakbo si Poochie nung makabangon at sa tabi ko naga-bark-back kay Potpot.😆

Si Potpot — mature at responsible na nanay-aso.

3.Kung si Joker ang tipo ko, si Mucho naman ang pemborit ni misis. Maliit at balbong aso na may-lahi. Trip nyang hinahabol ang mga kabakurang-manok — na pag kanyang nahuli e ibinabalik sa chicken- cages na tayps nya ring gawing tambayan.

Sa pitong aso (+ 4 na bagong tuta) ni Mang Pedring, silang tatlo lang ang pirming nakikita ko dahil sila lang ang nakalalabas ng bahay… Ang totoo nyan, tumatakas lang si Mucho — kaya nitong huli e itinali na, eka ni misis.

Bukod sa mga bangaw, bubuli, at manok, si Mucho lang (palibhasa maliit) ang kayang sindakin ni Poochie.😆

————————————————————————————————

a.k.a. … a.k.a.

akala ko “Aso-Kain-Aso”.

Dog-eats-dog? Ekyusmi.

— Sa yomans lang yun!

Published in: on 21 July 2011 at 3:55 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/07/21/aka/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: