dedtrit

Paano nyo itrato ang inyong mga yumaong mahal sa buhay?

Luk ↑ darti nits obar-der.

Tayps kong pamahayan!

Hoi, bruha…

Nauna na ko dyan.

Mag-share kayo,

Maluwang sa loob nyan.

Hi gud evening, bostsip!

Ba’t di kayo sumipot nung jalowin?

Exempted ako dun. Can’t yu see —

Am flying, not crawling!😆

————————————————————————————————

Ganito ba ang routine mo tuwing undas?

1.Bago ang takdang araw, maglilinis at magpipintura ng nitso. Personal na pupunta sa sementeryo dahil syang gagawa o magmamando. 4 days ang bakasyon🙂 this year para gawin yan (29-31 Oct to Nov 01).

Kung saksakan ng layo ang iyong panggagalingan, malamang iuutos mo na lang sa mga kamag-anak o isang katiwala within the area.

[ “O, nagdeposit ako sa EyTiyeM account mo — pakinisin mo’ng nitso ni lolo ha?” ]

2.Sa mismomg araw (Nov 01), dadalaw sa libingan upang mag-alay ng bulaklak, magtirik ng kandila, at ipanalangin ang mga mahal na yumao… Ang ilan nga, may kasama pang pagkain na nakalagay sa plato.

3.Lulubus-lubusin na: “padasal’ sa bahay at pamisa sa simbahan.

Yan ang nakagawian mo, ay di sige — ipagpatuloy mo… Ang nais ko lang ipaalam sayo (o ipaalala, kung sakaling alam mo na) ay ito: Lahat ng ginagawa mong iyan ay para sa INYO LANG — sa iyo, at sa mga kamag-anak mong nabubuhay na nariyan pa sa kinagisnang paniniwala. Kayo lang ang nakikinabang dyan. In what sense? Pampalubag-loob.

Let’s be pragmatic about it: Walang pakinabang diyan itong “dinalaw” mo… Hindi na gigising ang patay para amuyin ang inalay mong bulaklak… Hindi na didilat ang bulok na bangkay para i-appreciate ang linis at ganda ng paligid sa labas ng nitso… Hindi na babangon ang tuyong kalansay para kainin ang inihain mo.

Nakikita naman po nila siguro —

Kung saan man sila naruon

Kaluluwa ba? Okey, ‘spiritual’ talk…

Kung nasa LANGIT sila [ Amen!🙂 ] ay wala nang mas liligaya pang lugar kaysa duon — wala sa kalingkingan yang mga ‘treat’ o regalo mo! Sa madaling salita, hindi mo na sila kelangang pasayahin… Ginagawa mo ba ito para sabihin sa kanila:

O — ayan, nililinis ko higaan mo dito… Ipitisyon mo ako ke

Mama Mary at San Pedro para swertihin pagpalain ako…”?

Sa tutuo lang — marami sa atin ang elibs pa rin sa konsepto ng mga anito…

Si Lazarus at Abraham, walang nagawa [ Luke 16:19-31 ]; si Peter at si Mary (the mother of Jesus), walang magagawa [ cf. Romans 6:23 ]… mga kamag-anak mo pa kaya?

Salvation is found in no one else, for there is no other name

under heaven given to men by which we must be saved.” ( Acts 4:12 )

Baka mamilosopo ka o magtanga-tangahan at sabihin sa akin:

“Under heaven daw… si Mama Mary at lahat ng santo, nasa langit na!”

Malinaw na ang ibig sabihin ng “under heaven” dyan ay anumang bagay na nilalang o nilikha. Si Kristo ay HINDI nilikha [ John 1:1-2 ]. Kung kaanib ka sa mga KULTO na hanggang ngayon ay duda pa rin dito — sapat para gumawa ng sarili nilang translated na “libro” — ay malaki ang problema mo.

Sa kabilang dako, kung nasa IMPIYERNO ang kamag-anak mo [😦 sana hindi ] ay para ano? Para maibsan ang paghihirap nila? Baka sakaling maiahon pa sila duon at mailipat sa Langit? Yung ‘Intermediate’ na lugar, inimbento lang nga mga ‘supring-pontiks’ nuon.

Sobald der pfenning im kasten klingt,

kie seel’ aus dem Fegfeuer springt.

“As soon as the money in the casket rings,

the troubled soul from Purgatory springs.”

Pag ika’y namatay, mas “lamang” ka kung may mga kamag-anak ka dito sa lupa na “kayang” bumayad. Kung tutuo ang turong iyan, mas maraming mayayaman sa langit kaysa sa mga mahihirap na kaya lang nandoon ay dahil pawang “mababait”.

Si Kristo ang mismong may sabi:

“ I tell you the truth, it is hard for a rich man to enter the kingdom of heaven.

Again I tell you, it is easier for a camel(?) to go through the eye of a needle than

a rich man to enter the kingdom of God.” ( Matthew 19:23-24 )

————————

[ Take note of the word “hard” ↑ — hindi sinabing “impossible”… Baka lang kase

ma-misinterpret ito ng mga GALIT sa mayayaman at sabihin, Umm! Buti nga senyo! ]

Hindi kayang iligtas ng kanyang yaman yang buhay na rich man; kakayanin kaya ng kwarta na isalba ang isang patay? [ Psalm 49:5-9 ]

For it is by grace you have been saved, through faith —

and this not from yourselves, it is the gift of God — not by works,

so that no one can boast.” ( Ephesians 2:8,9 )

“Gift of God” … At kahit anong kaloob ng Diyos ay hindi ubrang tumbasan ng salapi! [ See Acts 8:18-20 as an example. ]

Siguro, para remedyuhan ang isyung kokonti lang ang mahihirap na nakakapunta sa Langit [ Mas may a-lam ka dito dahil dati ka yatang seminarista? Ang a-lam ko yang isinisingit mong mga libro ay historical lang ang value.] — nagtalaga ng espesyal na araw ( Nov 2, “All Soul’s Day” ) para ipagdasal naman ang kaluluwa ng mga namatay na walang naiwang kamag-anak na kayang bumayad… But just the same — hindi magagarantiyahan ng maski sino ang kaligtasan ng maski sino, buhay o patay, base sa ‘padasal’ at pamisa. In fact, sabi dyan sa Ephesians — kahit anong gawain (“works”) ay hindi nga uubra.

Indulgencia?

Baka “delihensya”?

Kaya yang candles with matching prayers mo — wala diyang mapapala ang mga patay mong kamag-anak. Ang mababait na sina ‘Father’, meron; ang ‘church’ nyo, meron… Wala akong nakikitang masama kung tumutulong tayo sa charitable works ng simbahan; But, with due respect, hindi ba tayo pwedeng gumawa ng mga kabutihang tulad nito nang hindi inililihis ang tao sa katotohanan?

Jesus answered, “ I am the way and the truth and the life.

No one comes to the Father except through me.” ( John 14:6 )

Kristiyano ka, derpor you must be believing the BIBLE without the mixture. Kahit anong “lagay” dasal at ayuno ang gawin nyo, hindi na mababago ang lagay ng mga yumao.

Tradition na daw po kasi yan, sir.

Hindi na natin maiaalis.

Fine. Well-taken. But I hope na nagkakaintindihan tayo: Ang tradition, ginagawa ng mga buhay pa. Useless ang lahat ng iyan para sa mga namatay na — in fact misleading at taliwas sa tunay na itinuturo sa Bibliya. Yung mga “sarado-de-kandadong” kinatandaan na ang tigas-ng-ulo na may ayaw sa sinasabi ko dito ay di huwag nila — hindi lang naman sila ang posible kong audience dito.

Naaawa ka sa mga namatay mong kaanak at worried kang nasa impyerno sila, kaya kakagat ka sa ideyang may temporaryong lugar na purgahan ng mga kasalanan. Nakakakalma nga namang isipin na may magagawa pa tayong mga buhay, para sa mga mahal nating yumao — na pwede pa tayong “bumawi” sa mga di natin nagawa nuong sila’y nabubuhay.

Inuulit ko… Kayong mga bumabayad sa mga padasal, ito ang tanging pakinabang nyo dyan: PAMPALUBAG-LOOB.

————————————————CLICK for further reading → Let us reason

On the other extreme, IKAW na Christian [ I don’t mean all of you, just a few ] — you who have found the Truth that set thee free. Ikaw na na-saved at sure nang sa Langit pupunta:

Habang mayroon diy-ang iba na hindi makapagbaon ng kanilang patay dahil nag-aambisyon ng pinakamataas na antas ng paglilibingan —

Pababayaan mo bang di na halos makita ang PUNTOD ng iyong mga yumao dahil natatakpan na ng mga dawag at damo? Matitiis mo bang gawing haybol ng mga ahas at daga ang bitak nitong talukap at lapida? Maaatim mo bang ito’y magsilbing kubeta, tambayan ng mga kabataang nagdudurog, o kaya’y lugar-parausan ng mga walang maipang-motel na magsing-irog?

Aneps sa rhyming!😆

But in fairness, once a year na nga lang yang undas.

Dasrayt! Kung imbyerna ka sa holyday rush at

hebi-trapik, pedeng sa ordinary days na lang, di ba?

Kapatids, sabi sa Matthew 8:22, and I basa:

“Let the dead bury their own dead.”

Ganun ba?

E ba’t nandito ka pa?

Tsk tsk tsk! Ibibitin kita ng patiwarik

pag nahuli kita!

“Hyper” ka rin, ano?😆 Alin sa dalawa: di mo maintindihan ang kontekto ng binabasa mo, o naiintindihan mo nga pero ginagamit mo lang ito para bigyang-katwiran ang kawalan mo ng pakialam sa mga namatay mo? Ayaw mong maabala?

That is right — katawang-lupa lang iyan at far less-important as compared to the soul na walang tuldok o katapusan. But how about the sacredness of the human body, which was once a temple of the Holy Spirit? [ I Corinthians 6:19-20 ] Palagay ko’y hindi naman magagalit sayo ang Diyos kung bibigyan mo lang ng simpleng-pansin itong kanilang iniwan… Yang disciple sa talatang binasa mo: malamang, ginagawa nya lang na ekyus o alibi ang paglilibing sa kanyang tatay dahil urong-sulong sya kung magko-commit o hindi sa Panginoon. Maaari ding hindi sya ganun ka-sincere kundi nagpapa-impress lang … And of course Jesus knew this man’s heart.

Will it cost you that much? Obviously, hindi naman ikaw ang mismong maglilibing kundi uupa ka ng ibang gagawa, maliban na lang kung may funeral parlor bisnes ka and at the same time sepulturero ka.

‘Burying your dead’ is your responsibility. Kung na-born-again na’ng lahat ang mga kamag-anak mo, sinong aasahan mong magpapalibing tuwing may mamamatay sa inyo?

Again: Will it cost you too much? You live within that city or country — at may-kaya… Paano nangyaring evicted sa huling tahanan nya itong iyong yumao at ngayon ay hindi mo na halos ma-locate kung nasan ang kanyang mga but-o-but-o?😦 May magagawa ka, pero pinabayaan mo.

Can’t we (at least) honor the memory of our loved ones — especially if the departed was our child, spouse, or an immediate progenitor?

————————————————————————————————

[ CLICK to display → all “Undas” post entries ]

Published in: on 2 November 2011 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/11/02/dedtrit/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: