holdeyras

ATTENTION mga ka-blogs:

Pasintabi po kung nagpipingbak uli sa blog ninyo ang mga lumang posts ko.🙂 Kasalukuyan kasi akong naghahapit ngayon sa pagreretoke ng layouts dahil biglang naglakihan ang sizes ng ibang pikyurs ko… Napuna ko naman agad ang dahilan; ang hindi ko lang mawari ay kumbakit kelan lang ito umepekto.

Mangyari, bukod sa numerical values na ini-indicate ko sa HTML codes (width=”180″ height=”135″ — for example) ay meron ding napalagay nuon na description ( img class=”size-full” ) … So what I’m only doing is to open every disturbed post in the HTML edit mode and delete the descriptive code.

Mabusisi, pero okey lang dahil medyo nakalibre ako ng unlimited-gamit ng internet the past week. Konti na lang, so far…

For more about my blogging, go to page 3.

For Highland Chronicle, go to page 2.

For this post’s topic, just continue reading…

———— ( Yes, “holiday rush”) ————

Sandaambakol ang mukha ni CitiSen-tipid.

😦 [x100]

Magpapasko na, ‘bay,

muka kang Byernis santu.

Hmp, Pasko!

Lalo ko lang ramdam ang abang kalagayan ko…

Wala pa rin akong sapatos —

ang mamahal sa SM.😦

Tagal mo na dito sa Baguio…

dun sa stol ng mga muslim-brods ko.

O kaya sa ukay-ukay!

😦

May mabili kaya ako duong…

50 pares na pare-pareho?

————————————————————————————————

Disyembre ng mid-1990s: Babago pa lang nauuso ang “bodega sales” at suki na kami ng Uniwide sa Cubao at Crossing. May inilagay sa cart si misis na isang pares ng beach sandals na brand new at hindi pa nagagamit — IslanderTM — 75 pesos lang.

Pag-uwi sa byenan ko, excited na ipinakita ni misis ang mga nabili namin, pati tsinepin. Napansin ng kuya nya na hindi pala magkabaak ang supposed na pares ng sandalyas — magkahitsura at sukat nga (same size) pero mas makapal nang doble ang swelas nung isa.

Ngayon kasi, pag mura, mag-iisip ka muna😆 ” eka ng bayaw ko.

Hindi namin alam kung sadyang may deprensya o damage ang mga kapatid na tsinelas nito, o nagkamali lang yung nagpackage at ‘minalas’ namang ito pa ang nadampot ni misis. Sabagay Php75.00 lang naman, di namin ganong pinanghinayangan kasi “mayaman” pa kami nuon.😆 Wala akong mapagbigyang mas maiksi ang isang paa, baka magalit sakin. Pinudpod ko na lang yung mas makapal ang swelas para magamit kahit pambahay lang.

Naalala ko lang, kase…

————————————————————————————————

Bihira akong makapagnet at masilip sa iba kong website kaya na-missed ko ang exact date of occasion nitong quotations sa ibaba… Meron palang National Sibling Week sa month of August? Sayang, hindi tuloy ako nakapagpost about this topic sa wordpress.

Anyways, eto ↓ yun… buti na lang na-copi-&-peys ko bago nagDISAPIR.

“ Your brothers are your first male friends in life. No one will ever understand your crazy family like your brother. Even if you don’t get together or talk as much as you could, he’ll always remain your friend. While people come and go in your life, your brother will be in your heart for a lifetime. It’s “National Brother Week” — re-post if you have or had a brother that you love with all your heart!!!!! ”

“ Your sisters are your first female friends in life. No one will ever understand your crazy family like your sister. Even if you don’t get together or talk as much as you could, she’ll always remain your friend. While people come and go in your life, your sister will be in your heart for a lifetime. It’s “National Sister Week” — re-post if you have or had a sister that you love with all your heart!!!!! ”

Totoo naman di ba? And I whole-heartedly agree… … EXCEPT dun sa first phrase ng 4th statement, which says —

While people come and go in your life,

your brother/sister will be in your heart for a lifetime. ”

I understand that this inspiring message is tailor-made for the National Brother/Sister Week, kaya nga ang focus ay sa brothers at sisters which are your co-members of the “crazy”😀 CORE family. The second phrase is true —

→ kahit hindi kayo nagkikita dahil saksakan na nang layo ang distansya (pisikal or otherwise) nyo sa isa’t-isa;

kahit may world wide web na e hindi rin kayo gaanong makapag-usap dahil pareho kayong abala sa inyu-inyong pangalawang pamilya… “Pangalawang pamilya” as in yung bagong pamilyang binuo MO (ikaw, asawa mo at mga anak nyo) — to differentiate it from your “core family” o pamilyang pinanggalingan NINYONG pareho ng kapatid mo (tatay, nanay at mga kapatid).

→ Yes, kahit gaano pa kalaki halimbawa ang pagkukulang mo sa iyong kapatid —

hindi KA mawawala sa puso NYA… Nakakadismayang malaman na merong dadalawa na nga lang silang magkapatid e hindi pa nagkikibuan: “Nasa puso” nga nya ang brother o ang sister, pero kasama naman nito ang kanyang hinanakit dito… Mapagtanim eka nga — Ay anukayayun?

Baka may pumapalakpak ang mga tenga dyan sa narinig — eheste, ang mga mata sa nabasa… Madali para sayo ang maglimutan ng “utang” kasi ikaw ang may atraso. Meron ngang deny-deny pa kahit alam na me tantalanan sya. How hard is it to say “I’m sorry” nang hindi na nangangatwiran pa? Komo ba ikaw ang mas matanda? … Or, komo ba sanay kang mang-emo-blakmail kaya ikaw ang nasa “katwiran” dahil muka kang mas kawawa? … Pwede ring lyamado ka dahil mas paldo ang bulsa mo ngayon kaya ikaw ang bida at popular sa mga kamag-anak mong naghahanap ng mauutangan o mahuhuthutan, oha-oha? Sipsep ang mga iyan; uto-uto ka naman!

Bago tayo mapalayo at makarating sa far-far-distant relatibs, punta na tayo sa talagang punto ko about that first phrase of the 4th statement… Ulitin natin:

While people come and go in your life,

your brother/sister will be in your heart for a lifetime. ”

Kung lalaki ka at ang natanggap mo ay yung tungkol kay brother; o kaya babae ka at ang natanggap mo ay iyang tungkol kay sister, aush na aush sana ano? Ay paano kung d-oder-wey-araun (lalaki, re sister ang nareceived; babae, re brother)?

Medyo bias baga? The declaration seems to undermine a person’s relationship with his or her closest friend in life — SPOUSE (wife or husband)… It is very clear that the word “people” used in the context refers to people other than your brother and sister.

Ay paano naman yung asawa — others din? Your wife or your husband should NOT be one of those people who come and go in your life!

[ I put an excla-mark “!” because I want to emphasize my point;

buti nga isa lang yan — yung sayo LIMA “!!!!!”😆 ]

“First friends” are not necessarily the best… Kung FAMILIARITY at INTIMACY ang pag-uusapan, wala nang mas hihigit pa sa relationship ng isang mag-asawa — na habang tumatagal ang panahon ay lalong tumitibay ang pagsasama… O kayong mga may asawa diyan: sabihin nyo nga kung hindi tutuo ito?

————————————————————————————

MARRIAGE IS FOR LIFE.

————————————————————————————

Derpor, gusto kong idugtong ito sa unang sinabi ko kanina: Itong BAGONG pamilyang binuo mo — or binuo nyo ng iyong asawa, to say it more correctly — ay hindi na dapat ituring na “pangalawa” kundi UNA.

Ikaw, kapatid: hindi mo dapat ipagtampo kung mas pipiliin ng kapatid mo ang asawa nya kaysa sayo. May halaga ba sayo ang relasyon ng kapatid mo sa kanyang asawa? O pinakikisamahan mo lang ang bayaw o hipag mo para maanggihan ka ng grasya?

Parang ang donyura! Pinakamengay sa net café

pag ka-chat ang junakises na me jowang polendyels!

Tsk tsk tsk,

new karakter ageyn?

You say,

“‘First friends’ are not necessarily the best.”

In the same way,

first wives are not necessarily the best.

Sige lang, keep looking for ‘the best’

and you’ll never find even a good one.

TEKNOWT: Itong “bagong” pamilyang tinutukoy ko — I am not referring to your second wife na naging resulta ng pakikiapid (adultery) o pakikipaghiwalay mo sa talagang asawa mo. Kung gusto mong ituring na “una” yang second (or nth) wife mo dahil “prends na lang kayo” ng ex-wifey mo, ay nasasaiyo yun… Hindi ko pwedeng i-advocate iyan dito sa blog ko at baka makarami ng “number 1” ang mga naghahanap-ng-ekyus na makakabasa.

As I said earlier, I agree with the above message, but I recommend it to people who remained celibate (unmarried) in their lifetime.

Dalawang kapatid ng misis ko ang ganito — ang panganay (kuya kong bayaw) at ang bunso (ading kong hipag). If I prematurely “go” and leave my wife — na mangyayari lang pag DEDO na ako — it is more likely na sila ang makakasama ng misis ko sa kani-kanilang pagtanda… Ang tutuo nyan, after my resignation, ni-consider namin ni misis na matira sa Angono dahil may tumandang binata at dalaga akong mga “kapatid” duon. In the case of my two in-laws, wala akong nakikitang problema; may mga taong wala talaga sa bokubularyo ang pakikipagkasintahan at pag-aasawa.

At the same time I must RESPOND against something that is not right in that message ( posible kasing may nakabasa na ) — some ideas na taliwas sa malimit kong ipahayag dito sa blog.

Sino ba ang pwedeng ma-touched sa mensaheng iyan? Ang mga “broken-hearted” siguro, yung mga mas pinairal ang puso kaysa sa utak. Sa kabila ng pagpapaalala ng mga magulang at kapatid e mas pinili pa rin ang manlolokong boypren o gerpren; kung hindi pa nasaktan, hindi mare-realized na itong pinanggalingang pamilya pala ang totoong nagmamalasakit sa kanya.

“Bebenta” din yan sa mga biglang naka-missed sa pinanggalingan dahil after so many years of marriage e nagsisisi sa kanilang mga napangasawa, o kaya dun sa mga nakipaghiwalay na nga, naghahanap ng damay, eka nga… Olrayt, nauunawaan ko ang damdamin nyo, and I am sorry about that — nakikiramay ako sa “kapalaran” nyo ( “sa GINAWA nyo sa buhay nyo” — ang ibig kong sabihin. )

Huwag nyo lang gawing parang “rule of the thumb” or “statement-of-the-fact” yang ipinapasa nyong message, hane? Kung sa tingin nyo e ang inyo-inyong asawa ang me diperensya, hindi naman lahat ng asawa ay ganyan… Baka naman kaya kayo nagkakalabuan (o pirming naglalabu-labo) ng asawa mo e dahil MAS pinagtutuunan nyo ng pansin ang pinanggalingan nyo? Matanda na kayo, dapat alam nyo kung sino ang prioridad nyo.

Hindi ako anti-pinanggalingang-pamilya; On the contrary, ITO nga ang parati kong dinidepensahan sa mga posts ko. Hindi dapat kalimutan at iwan ang pamilyang pinagmulan: Tatay, nanay, kapatid — and so are in-laws — are part of a married person’s family life.

Dahil sa nabasa kong inspiring message na yan, gusto ko tuloy iyaplay dito ang sinabi ng kuya:

Ngayon kasi, pag uso at mabenta, mag-iisip ka muna!😆 ”

Huwag masyadong emo-excited [😥 ] sa mga natatanggap na text o chain-messages. Pakasuriin muna [🙄 ] at huwag padalos-dalos na komo nakarelate tayo e atat-na-atat na tayong maipasa agad sa iba — para hindi tayo naa-“Ay mali!” [😮 ] at pagkatapos ay magdedelete [😳 ] ng ating mga naipost na.

————————————————————————————————

Isiningit ko lang ↑ … Disyembre na — it’s REUNION time again.🙂

BaguioBlogging

↓ ↓

Pages: 1 2 3

Published in: Uncategorized on 12 December 2011 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/12/12/holdeyras/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: