holdeyras

Re-yunyun ng asong-neybors…

For the time-being, sila ang nagsisilbing bakod ko.

Buti na lang eka,

marami kayo dyan sa lugar nyo…

Hu seys?

Si RATuldah.

Weh?

Binabato ako nun!?

Hongah pala…

Ayaw daw nya miski isa aso.

————————————————————————————————

Walang-humpay ang kahol ni Joker. Dalawang oras yun, hanggang maghahating-gabi. Nakaharap ito sa katabing bahay — sa pinanggalingang tahanan — na tila may nakikita sa kawalan…

Yan ay bago nitong aming huling akyat (11 Nov to Dec 02), ibinida lang kay misis ng aming kapitbahay. Nalaman din tuloy namin na hindi pala sila ang orihinal na amo ni Joker.

Pinakadulo ang haybolsite ko. Sa southern side ng Kubol, isang ‘deserted’ lote ang katabi ko; then, ang kina Mang Pedring… Sa banda-banda ruon pa ng aming hilera katabi ng kanila ay isang bakanteng bahay na paminsan-minsang binibisita ng isang caretaker. Ang matandang may-aring nakatira nuon dito — that is, ang amo ni Joker — ay mag-iisang taon nang namamayapa (He passed away on 22 Dec 2010). Nanahan na daw ng Maynila ang asawa nung matanda, kasama ang isang anak; samantalang ang arkitektong anak nilang kasambahay nuon dito ay pumunta na ng abroad. Hindi na yata nabalikan si Joker kaya in-adopt na lang nina Tata Pedring.

Likas na maawain at mahilig sa alagang hayop itong neybors ko. Eto pa dalawang small dogs nila na peborit laruin ng misis ko. →

Magmula nung lumipat kami sa kubol (04 Sep 2011), panay na rin ang bisita sa amin si Joker. Hindi kasi pumapalya ang pagpapakain namin dito sa tuwing naruon kami. Talagang magtitira kami ng kanin at ulam para sa aso.

————————————————————————————————

Si Joker ang madalas kung bumisita. Si Potpot kasi ay parating nasa bahay lang.

Malimit ding tumambay sa harap ng kubol yang si Poochie, pero medyo pinopormalan ko na ang dealing sa kanya… Pag inober-pamilyariti mo kasi e umaabuso namimihasa? 😆 Hindi alam kung hanggang saan ang kanyang boundaries. Gusto yata, sya lang ang may pribilehiyo — humahalinghing at nagrereklamong di mo maintindihan pag nakikitang nilalaro ni misis yung dalawang maliliit na aso. 😀 Uber-harot naman pag pinansin mo.

————————————————————————————————

Pag may bibilhin si misis sa tindahan, sumasama itong si ni Joker. “Siga” kahit hindi nito teritori ang lugar. 😆 Inaangilan yung mga asong kakahol-kahol kay misis. At may pakahig-kahig pa ng mga paa sa lupa kapag nasindak nito palayo ang other dogs. Ahehe, hindi ko tuloy malimutan ang aming first encounter.

Sayang, gusto ko sanang mag-alaga ng aso (saka pusa… saka hamster ule…) kaya nga lang, kawawa naman kung palaging maiiwan sa bahay dahil paalis-alis kami nang matagal ni misis — walang magpapakain… Hindi nga ba’t malaking bagay ang pag-aalaga ko nuon mula kina Bitoy thru all “bloGADAs” hanggang kay Doray kaya ako naging homebody? Sa kaso nina Tata Pedring, aush lang dahil parating may tao sa bahay nila.

Tama, “makiki-aso” na lang muna ako sa kanila. 🙂

Sa Creek Pt ito, nagtatabas ng dawag.

Iwan pej na to para displey ol powtabawt Hayland Kronikol.

————————————————————————————————

Huwag! ka nang pumunta sa pej 1

mÜd to blog (page 3)

Pages: 1 2 3

Published in: Uncategorized on 12 December 2011 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/12/12/holdeyras/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: