pramis

antay-bayotik

Me kutob akong intestinal bleeding ang isang dahilan ng biglang panga-ngayayat ko… Nalipasan kaya ako ng gutom nang hindi ko namamalayan?🙄

Donk wori, Itay…

Malayo yan sa bituka!

Uhm! (*suwag*) Kakulit nito…

Intestinal nga e — malapit na yun sa bituka!

Koyang,

intestine = bituka na nga yata yun, mismo?

Ano naman ang konek nyan sa “pramis” na taytol ko?

——————————————————–

If there’s a promise, there is hope.

——————————————————–

May ilang bagay lang na sumagi sa isip ko nung mabuksan ko yang ibinigay sa akin ni misis na kap-yur ↑ (kapsul na nikunan ng pikyur).

1.The medicine itself is a promise that guarantees (gives hope for) a cure. [ fulfillment, the carrying out or realization of the promise ]

Naibida kasi ni misis ang sintomas ng ‘sakit’ ko sa kapatirang doktora. Urinalysis (at iba pang lab test) ang unang suhestyon ni dok para daw makapag-prescribe sya ng gamot; at kung me infection man ay antibiotic. Palibhasa may pagka-suwail ako (huwag nyong tularan) at MpsD😆 (syur ako di nyo tinularan) — hindi ko sinunod ang payo ni dok.😳

Hindi naman kasi ako nagkakasakit nang ganito… Yung huling pananakit ng tiyan ko mordan 2 yrs egow ay kusa namang nawala thru adjustment sa diet.

E di eyun — nagpahagilap na lang ako ke misis ng naitatagong sobrang gamot na hindi nya nagamit… Hindi nyo naitatanong, pag mga simpleng karamdaman lang (lognut, sifhon, ubhow!) e sapat na yung “prescription” ng lady pharmacist na isa pang kilala din ni misis.

Basta hindi ito pambabae, ha?” — paniniguro ko ke misis bago ko isubo yang gamot (baka kasi Midol ang naibigay).

2.May naalala din ako nung una kong makita yang antay-bayotik:

yellow & owange! ← CLICK mo ito

O hindi ba? Kabi-kabila ang PANGAKO — hindi lang ng magkatunggaling sina YELLOw at OwANGE — kundi ng lahat ng kumakandidato…

At ang ambience — full of PAG-ASA everytime na may nanalo at napili na… No ispesipays, I am spokening in general problematik terms: Ano kaya ang ANTIBAYOTIX sa greed & corruption?

3.Sa haybolsite, ganun din: Parating naruon ang pag-asa, na kahit gaano pa ka-“pasaway” ang terrain ng aking loteng hinirang e makukuha ko ito sa padyutay-dyutay.

Trip kong pagpraktisan itong kaprasong lupa ko. Kung may kelangang gastusan ay sige, hindi naman ako kuripot bumayad… May mangangako ng tulong na kahit di ko hinihingi ay kusang dumarating (Salamat!) … Dapat na maging MALINAW lang na walang obligasyong tumulong ang sino man at hindi ko yun karapatan… Kung talagang wala, sanay akong kumilos nang nag-iisa sa abot ng aking makakaya. Kahit utay-utay, nakukumpleto ko ang anumang trabaho at nakaaabot ako sa layunin ko (Huwag lang ako magkakasakit)… Kapag umasa ako sa pangako — lalo na pag mapapako — nasisira lang ang diskarte ko… Distraction lang, ganun.

← Eto ang Kubol — buo na, mor or les…

Mas steep sana ang bubong; at me dormer pa sana😀 kung ang plano ko ang pagbabatayan.
Ang kaso —

The first structures to build are the four Steel Pipe Posts. Perstaym ko pa lang na magsesemento, kaya “nagpatulong” ako. Napaikli ang putol ng pares ng tubo para sa likuran; Napataas naman ang footing ng para sa harapan.😯 Kuuu! Kahirap pala magbutas ng natuyong kongkrit!😕 13 inches ang lalim ng sininsil ko sa loob ng isa’t kalahating araw. Dalawang beses ko yatang napokpok ang aking kaliwang hinlalaki na pinakikirot pa rin hanggang ngayon ng hanging Disyembre…

Napaka-unprofessional (naks!) at napaka-maaksaya kasi kung pagkatapos makapag-decide sa haba ng tubo e puputol ng di na magagamit na retaso — dahil lang namadali ang pagsesemento… Sa madaling sabi, hindi nakapangyari ang aking pagkametikuloso.

Buti na lang, nandito pa nuon sa kabila ang mason nina neybor: walang-kibong pinanunuod ang bawat trabaho ko pero nagpahiram sa akin ng mahabang sinsil nung mapagtanto ang tigas at lalim na bubunuin ko.🙂

Sabagay, “palpak” man ang trabaho e nahahanapan ko naman ng remedyo. And opkurs I learned from every pagkakamali…

Mahilig akong magtanong-tanong, but it doesn’t mean na magpapatulong ako sa tarbaho nor gagawin ko agad ang bawat sasabihin sa akin… Natural, iba’t-ibang mapagtanungan, iba’t-iba ang opinyon at diskarte. Maraming meron talagang alam, and honestly marami akong bagong natututunan. Naia-apply ko yung sinabi nila with my own style & embellishments… Meron ding basic lang ang alam (hindi pulido gumawa) pero masalita na tipong naghahanap lang ng audience; magpapramis ng ayuda taz di naman, at kung tutupad man e half-hearted dahil may pabor o kapalit na inaasahan.

—————————————————————————————————–

If you made a promise, fulfill it;

If you don’t have the heart to fulfill it, do not make that promise.

—————————————————————————————————–

Sige, kayo rin — baka masanay ako sa “pahiram” at “pahinge”; pag di nyo ako napagbigyan, Mayayabang kayo eka ko na rin siguro.😆

Dyoks lang…😉 Sabi ko nga, BIHIRA akong mangutangan ng loob… After pikti yirs, ngayun pa ba ako manghihinawa?

————————————————————————————————

Kahit di-hamak na mas mababaw ang layunin ko (nagsimula sa isang pangarap ang pagbili ko ng lupa dito) kaysa sa misyon ni Apostol Pablo, nais kong ibahagi sa inyo itong sinabi nya sa kanyang sulat para sa mga taga-Filipos:

“ I rejoiced greatly in the Lord that at last you renewed your concern for me. Indeed, you were concerned, but you had no opportunity to show it. I am not saying this because I am in need, for I have learned to be content whatever the circumstances. I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret of being content in any and every situation, whether well fed or hungry, whether living in plenty or in want. I can do all this through him who gives me strength.”

————————————————————————————————

4.Promises are made to be broken.

Oist, hindi ‘no? How about this one?

Therefore the Lord himself shall give you a sign;

Behold, a virgin shall conceive, and bear a son,

and shall call his name Immanuel.” ( Isaiah 7:14 )

Obyus bang tinupad na yan?

Related post → Parol ni Tatay

( page 2 expires on the 24th )

Pages: 1 2

Published in: on 21 December 2011 at 9:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/12/21/pramis/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: