putoktri

Ek2-47, homemade gun by homebodyhubby

Lowtek: NOT designed for (at hindi ubrang pang-) firing-squad

Powts na may “Putok”-taytol o diskasyun sa archives (click nyo lang):

Putok 1

Putok 2

Putok 3 ← Nandito ka na kaya kahit hindi mo na i-klik; nandyan sa ibaba.

Putok 4By God’s grace, if I’m still here, early neksyir na lang ito.

————————————————————————————————

INFO TRIVIA muna:

Alam nyo bang pwedeng gawing “strike-anywhere” ang isang palito ng posporo? Kung hindi nyo pa a-lam, ganito lang yun:

1.Ilubog nyo ang ulo ng palito sa tubig — mga 20 seconds, para ang pulbura (usually kulay-magenta) ay medyo lumambot at umalsa.

2.Habang basa pa si palito, paulit-ulit at magaang nyong ikiskis ito nang paikot sa kiskisan ng posporo — hanggang yung pulbura ng kiskisan (kulay-itim) ay dumikit sa ulo ng posporo… Natural, mababasa din yung kiskisan.

Pag maitim-itim na ang ulo ng palito, pwede nyo nang tigilan.

3.Patuyuin ang ulo ng posporo. Saglit lang ito kung ibibilad sa araw.

Deryuar… strike-eniwer na yan! Subukan nyong ikiskis sa semento.🙂 Ingat lang, mas malaki ang fire-hazard dyan.

————————————————————————————————

And now, for our “Putok 3” details — latakdispo inventori ule: mga mumurahing Putokolektibols sa aking armori.

1.Putokbig. Miniature models na yari sa diecast metal. → Pencil-sharpener akshuli; inalis ko ang pantasa taz ginawa kong displey sa istante. Mahilig kasi ako sa kanyon, lalo na kung antik na may wheel-pangkariton.

Nung sekunyir hayskul ako (1975) may ginawa akong miniature howitzer na yari sa tansong tubo na napulot ko. Pumuputok sya talaga, at tumatalsik ang projectile na nilalagay ko sa dulo. Mas mabilasik pa sa pulbura ng rebentador ang gunpowder na tinimpla ko — pinaghalong pulbura ng palito at kiskisan ng posporo.

2.Putoksmol. Metal keychains na pwedeng paputukin gamit ang separetli-nabibiling plastik percussion-caps na may pulbura. Miniature pistols na flintlock, derringer, at luger… Nabali dulo nyang huli, kaya “puktol” na sya.

3.Putokpeke. Halos kasinlaki ng tunay na pistolang señorita. May silencer pa kunwari na kasama.

4.Putokopya. ← Ito ang most-ekspensib kong “baril” — antik-en-unputoktabol. Ni-post ko na ITO. ← Click this for basa.

5.Putoktoys. Putokless din, kasi walang tunog — bahala ka na sa sound-epek — i-vocalize mo na lang.

Di ko knows kung ano ibig sabihin ng “28” dyan sa kulay-grey (meron bang kalibur-28?)

Yang kulay itim, yan yata yung kung tawagin ay “Utti”?

Serbis-firearm ni SPO-10 Bowteti?

Sino yun?

Putok Tunog-Italyano…

Tinginin mo memya

… sa page 3.

6.Putoksiret. Eto ang talagang putokless na walang putok. Squirt-gun, as in woter ang bala. Tubig! Dats why ito ang baril na “pam-BATA” — pag nitamaan ka, siguradong ikaw ay batam-bata (wet na wet, gets mo?)

May kadena sya, derpor keychain ito: Ibig sabihin, dapat pirmi mong dala-dala (kahit walang permit-to-keri). Epektib itong pambugaw-aso pag akmang kakagatin ka — try mo.😆

7.Putokraypol. Ito yung Ek-ek-47 shatgan na ginawa ko na me pikyur sa itaas ↑… O, hindi ba liit lang?

Obyus bang mahilig din ako sa baril? Yun nga lang — hanggang basa ng libro lang, at kung kolekting ay puro tÜys, ismol, o dyapeks lang.

———— ( Putoktri.tu ) ————

“Waputoks”

Ubra na sanang “putokpor” ito kasi apat sila, kaso hindi ko naman talaga hilig ang mangulekta ng guns na ganito, nagkameron lang sa bahay out of necessity… Mga “baril” na ek-ek in the truer sense — kaya nga may kurdon at tsaktsakan.

1.Ek-ek hand-drill. May iba’t-ibang sizes ng drill bits; pambutas ng kahoy, semento, o bakal. Pede ring pambutas ng tenga for hikaws. Nakaprenda lang sakin ito, kahalili ng kinulimbat na erkon.😆 (kungdi nyo magets ay wag nang itanong)

2.Ek-ek buhok-dryer. Pantuyo ng balahibo ng mga hamster ko. Eksaktong nasira nung pinakahuling serbis kay Doray.

3.Ek-ek glue gun na ang bala e parang kandilang plastik. Ginagamit ni misis na pandikit ng artificial flowers sa cross stitch.

4.Ek-ek soldering gun for small ek-ektronic projects, pinabili ko sa isang officemate minsang pumunta sya sa Raon. Mumurahin ang nabili kasi hindi ako nakapagpadala ng pera… Kaya eyun — ang panghinang na gun, putok na ngayon.

Isama ka na rin itong mahaba, manually-operated (non-ek-ek): Pantulak ng silicon-rubber-sealant… Ginamit ko sa paggawa ng istante at aquarium.

————————————————————————————————

Mor SERYUS discussion ( PAGE 2 )

Litanya ng isang Kokak sa bispoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: Uncategorized on 30 December 2011 at 5:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2011/12/30/putoktri/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: