imfatsu

Lactose intolerance.

Meron ba kayo nito? Yun bang sa tuwing iinom kayo ng GATAS e hindi maaaring hindi magrebolusyon ang sikmura nyo? Pangkaraniwan lang EKA sa maraming hindi na beybi ang ganito. Para bang ibig sabihin:

“ Oy, matanda na KA — matuto naman KAng ngumuya at lumunok ng

matigas-tigas nang pagkain para lumaki KA!”

Ang datat, ang datat —

daling ta dodo, ang datat.

Pareho lang ba yung

dede at dodo?

Sa mga may gatas pa sa labi,

Pareho lang, kid.

Ang gatas, galing sa dodo… Ang pagwalay ng isang sanggol sa dodo e hindi nangangahulugan ng pagkawalay nya sa gatas; samantalang ang kanyang pagwalay sa gatas e otomatikong pagkawalay nya sa dodo.

Tsk! Tama ba yun?🙄 Well, depende yan sa kung anong DODO ang tinutukoy mo… Basta gatas ang sentro ng usapan natin para di tayo nalilito.

————————————————————————————————

Taklong stages ng pagwawalay ng isang bata sa “gatas”

( wala kaming experience sa bebe, kaya 3 lang ang alam ko ):

1.Pagwalay sa ina (wean), pero hindi sa gatas.

Hindi na dedede sa nanay nya pero dododo pa rin sa feeding bottle

ng gatas na galing sa dodo ng cow.

[ CLICK for pikyur → dedeng may gatas ]

2.Pagwalay sa ina, pati sa gatas — kahit pa saang dodo galing ito.

Dododo pa sa bote, pero ang laman ay am (“tiniktik” tawag samin)

o yung sabaw ng sinaing. Pede(?) rin mild sokoleyt, fruit juice.

[ CLICK for pikyur → dodong walang gatas ]

3.Gudbay na sa lahat ng dodo, welkam sa pag-chew.

Wala nang dodo-dodo!😕 Opkurs, liligisin mo ang solid fud para

kayanin ng bebe mong halos puro gilagid pa lang ang ngipen…

Ahehe, para di sya ma-impatchew.

Ang mga bebe sisiw ko, di ko napadede,

pero antagal kong nilimliman.

Empre, kase

wala tayong dede o dodo!

Angkukulit kayo.

Eto DODO nyo ← (CLICK!) ka-balahibo nyong engstink na!

Anu kaya ang kanyang magiging kung ang sanggol ay hindi matutong maghanap ng pagkain nang higit pa sa gatas lang?

————————————————————————————————

Sa pananampalataya, hindi kaya dapat lumago ka din? Hindi yung hanggang salvation lang ang alam mo ( “Kami saved, kayo hindi” ).

Sa church, banal na banal kang may-heylo sa ulo… Empre, spirituality ang emphasis dun e kaya puro ‘pagpapakabaet’ ang ipinapakita mo:

— Palangiti at palabati, “God bless, sistur!”

— di-maalam magalit; pag napika, ang ‘mura’ “Pambihira ka, kapatid!”

— Nauntog o nadapa na nga, ang bukambibig “Aleluya! Praise da Lord!”

Tutuo ba yan? Hindi kaya nagiging showy o OA ka na lang? Nahahalata ni pastor, pero hindi ka mapagsabihan dahil baka magtampo ka e mawalan sya ng isang big time na supporter sa iglesya.

Tanungin mo ang sarili mo: Anu ka sa mga kapitbahay at kaopisina mo, na halus araw-araw (hindi lang every Sunday o pag may fellowship) kung iyong makasalamuha? Paano ka kung makipagkapwa-tao? Taas ang kilay, mapanlait, mapagmataas? Paano mo ginagampanan ang iyong tungkulin o trabaho? Bosing ka ba na may kinikilingan? Ka-brods o ka-sis ka ba ni bosing kaya malayang nagagawa ang pasimpleng pangungurakot?

Huwag mong kalilimutang walang minura pinagsabihan ng mabibigat na pananalita ang Panginoon nang mas titindi pa kaysa sa mga Pharisees — mga taong “banal” at maraming alam tungkol sa mga bagay na makadiyos… Read Matthew 23 for yourself.

Paano mo nagagawang maging kuntento sayong ‘buhay-kristiano’ kung ang simpleng hiya, delikadesa, o kunsensya e hindi makita sa pagkatao mo?

——————————————————————

Like newborn babies, crave pure spiritual milk,

so that by it you may grow up in your salvation,

now that you have tasted that the Lord is good.( 1 Peter 2:2-3 )

Ops, wala po tayong kinokontra dyan… Eto ang ibig kong sabihin, hindi ko na ni-bold dahil medyo mahaba-haba… Pagtiyagaan nyong basahin at intindihin dahil enlightening ito — hinay-hinay lang ang basa, baka di kayo matunawan:

“ We have much to say about this, but it is hard to make it clear to you because you no longer try to understand. In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths of God’s word all over again. You need milk, not solid food! Anyone who lives on milk, being still an infant, is not acquainted with the teaching about righteousness. But solid food is for the mature, who by constant use have trained themselves to distinguish good from evil.” ( Hebrews 5:11-14 )

“ Therefore let us move beyond the elementary teachings about Christ and be taken forward to maturity, not laying again the foundation of repentance from acts that lead to death, and of faith in God, instruction about cleansing rites, the laying on of hands, the resurrection of the dead, and eternal judgment. And God permitting, we will do so.” ( Hebrews 6:1-3 )

———————————————————————————

Ikaw naman, na alerdyik sa mga “Aleluya-presdalord!” :

Anong nginingisi-ngisi mo dyan? Huwag mo kasing nilalahat…

Kilalanin mo ang Christ ng Bibliya.

Salvation first, good works next.

————————————————————————————————

(Ahem!) … Wat if you becaming old &

oll dows tooths fall apart?

Are you come back to drinking milk onli?

Papustiso ka po!

————————————————————————————————

[ CLICK to display → all “national Bible week” post entries ]

HBH kronikol ( PAGE 2 )

bispoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/01/13/impatsu/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: