imfatsu

——————————————————————————————

PAUNAWA

Maliban sa mga cartoons na hiniram, ang mga hayop-karakter sa “Bæstfolk” o

saan man sa blog na ito ay tunay; Datapuwa’t ang mga pangalang ginamit at

katauhan o karanasang kanilang inilalarawan — walang kinalaman sa

kani-kanilang amo o may-ari — ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda.

Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay talagang hindi sinasadya.

——————————————————————————————

New kaRATker sa bispok tweker…

Neym: Donyura Ratepeke

Edad: 47 yirs-ol — pero mukang 17 pa lang (ayon sa kanya)

Si Doña senyora Ratuldah Richafort y Ratepeke ay isang kaakit-akit na dilag nung kanyang kabataan (that was her pikyur 30 yrs egow) bagama’t sya yung eka nga’y kwintesens ng “babaeng mas malaki ang dibdib kesa sa utak.” Mayron syang masugid na mangingibig nuon, na dahil sa pagiging pobre nito ay kanyang binasted (yeis — kapagka DATUNG, wais ang donyura)…

Sa halip ay napabilib sya sa mabuladas na pananalita ng isang mestisuhing binata (bagotilyo-barabas-sarado) na ahente ng witch-Kuraft sedar-chiz… Apter yirs of merej, nabarnawt ang mister nya sa pagtatrabaho (RINDIDO sa wife na nagger na walang bukambibig kundi “Paano kaya tayo yayaman?”) Nakadispalko si mister sa kumpanya, nademanda (nakapagpyansa dahil sa ipon nila). Nakakilala (daw), nag-self-study, at nagtayo at namuno ng sariling iglesya.

ADDITIONAL INFO about the Donyura:

Asawa ng pastor ng “Rat-pure” (purong-daga) Bili-verse Felongship

May apat silang anak — tatlong maria (maria-mariahan ang isa) na pawang mga nasa abrod na ngayon dahil nakapag-asawa ng polendyels (dalawang asyatik ¥! ! isang euro !) at isang tunay-na-lalake na may diplomatikong katungkulan pero peborit pang bineneybi ng ina nito.

Maliban sa mga nangungutangan-ng-loob sa kanya, at sa mga di-kaanu-anong super-haba ang pasensya — o kaya’y mga tsismoso’t tsismosang nag-aabang ng mai-iskup na intriga — walang makapagtiyagang makinig sa Donyura kundi ang kanyang mga anak at asawa.

May itinatago din namang kabaitan; madaling maantig ang damdamin at napakamatulungin sa mga naghihikahos na kapatiran.

Pers blogpost apirans: “Impatsu”

Displey lahat posts wid ‘donyura’

————————————————————————————————

Nasa twikerr pala sya.

Ayaw nya sa beastfolks?

Sabi ni neybor,

di daw nito type makipagsosyalan sa hindi daga.

Weh.

Apat ang daga sa beastfolks?

RAT lang daw ang tunay na daga

— tayong mga maus ay hindi.

Hmp! Edi si Mr Iskambag…

O kaya ang intriger.

Bihirang mag-log-in ang milyuner.

Akong sikyo tuloy ang kanya lang na nakita…

Si neybor naman e may tweker-akawnt din.

Nag-twikerr din pala si bRAT?

Kaya! Nalimot nya bumati nung krismas

Wiz! Dinala namin sya sa ospital…

— naimfatsu. 😦

————————————————————————————————

NBW post ( PAGE 1 )

HBH kronikol ( PAGE 2 )

Pages: 1 2 3

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/01/13/impatsu/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: