hombadi

HB! sa nagturo sa akin para di maging lagalag. [ Image source → HERE ]

Antagal na nung aking page na about the author — i-refresh ko nga dito ang ibig sabihin ng username ko…

Homebody, as defined in the free online dictionary:

= One whose interests center on the home

= A person whose life and interests are centred on the home

Hmm🙄 pwedi na rin, lalo na’t dito sa bahay ako nagpu-put-tong—put-tong! — kahit anong take-home jobs, akshuli…

————————————————————————————————

Mas komportable kasi akong naka-pambahay lang (hindi nakabihis) pag nagtatrabaho. Pag inantok, pedeng magkape (kahit hindi coffee-break) o umidlip konti (kahit hindi noon-break); pag sinipag o inda-mood, ubrang umarangkada ule (kahit lagpas na ‘normal’ working-hours). Diskarte ko na kung tatamarin ako (wala akong kikitain) or io-overworked at aabusuhin ang sarili ko (ahehe😆 baka mamatay ako)… Disiplina lang, dahil eder-wey na sumobra e kami rin ng misis ko ang magdurusa.

May agarang-balik (+ or -) ang bawat desisyon at kilos pag self-employed… Sa rewards or penalties, halimbawa — para ka na ring nagtatrabaho sa isang pribadong amo, big or ismol-taym business man ito ← → hindi paris sa ilang NON-private agencies na syur na ang piktin-tarting tekhom-pay kahit walang (katuturan ang) ginagawa.

————————————————————————————————

Sabi pa ng thesaurus sa diksyu:

= a person who seldom goes anywhere;

one not given to wandering & travel

synonyms, related words = stay-at-home;

= adult, grownup — a fully developed person from maturity onward

(o ha?)

Medyo sumablay lang re wandering & travel, dahil ako’y isang taong-gala — lalo na ngayon na wala pa ulit akong hamster na alaga… Adult? Grownup? Pikti na nga o! (“Isip-matanda, ugaling-bata.”)😆

Home” … paano ba idine-define yan? … Superdami meaning, nandito kung tayps nyo isa-isahin → thefreedictionary.com/home

Kung sakin lang, bukod sa 4th floor na tempo-residens namin sa kapatagan, eto ULE ang ibang “homes” na kini-claim ko as our own:

1.Haybolsite, ang aking “loteng harangan”😆

kung sa’n naron ang aming munting balai-balaian. →

2.Pelepens, ang ating “Lupang Hinirang”…

Dito ako isinilang, at kung saka-sakali, dito na rin maililibing.

3.Timog-Silangang Asya, narito ang “Perlas ng Silangan”

(at mga bagyong hindi mapipigilan).

4.Mother Earth, our one-&-only planet of the apes.

5.Ang mga Mansyon na pangako ni Bosing.

————————————————————————————

HOME IS WHERE YOUR HEART IS.

————————————————————————————

busybody ( PAGE 2 )

badhubby ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 3 February 2012 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/02/03/hom/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. May kapareho pala ako ng username sa internet?🙂
    Hindi ko alam kung nauna syang gumamit ng
    “homebody hubby” kaysa sa akin… I signed-up for WP using “homebodyhubby” about a month before my first post, which was on 07 Sep 2007. I was not aware then that a similar name does exist, until around 2010 siguro, or after blogging for more than two years.

    No big deal about it, nothing so special about the name:
    Basta hindi ako nanggaya ha?😆 Marunong din akong mag-ingles kahit pa hindi ito ang netib-lenguaj ko.
    ————————————————

    [ Image source → HERE ]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: