hombadi

Ito yung ibig kong sabihin sa page 1 — na may “agad-na-balik” ang bawat ginagawa ng self-employed (at privately employed) kumpara sa isang kawani ng ilang sangay o ahensyang NON-private.

1.Self-employed or ‘pri-lan-cher’ 😆 ganito ang nature ng trabaho ko.

Yes naman — me “balik” agad: Kung makatutupad ako sa deadline na ipinangako ko and at the same time maganda ang kalidad ng output ko, babalik-balik sa akin ang customer… By word of mouth, madadagdagan ang magpapagawa sa akin dahil irerekomenda nila ako sa mga kaibigan at kakilala.

Imagine it the other way around: unable to beat the promised deadlines, mediocre or low-quality output EQUALS papaunting magtitiwala — derpor walang kikitain, “gutom!”

2.Privately employed

Magsampol tayo ng halimbawa: katulong ka ng may-ari ng isang delicatessen shop at ikaw ang pinatatao nya sa kanyang tindahan… Again, may agad-na-balik ang performance mo bilang steward o katiwala.

Pag nalulugi ang kanyang negosyo, natural mag-iimbestiga itong may-ari (amo mo). Kung nahuli nyang tatamad-tamad ka, malamang tatanggalin ka nya; dahil kung hindi ay patuloy syang magdurusa sa kasusuweldo sayo na wala namang ginagawa.

Kung masipag ka pero nalulugi pa rin sya, there must be something wrong about the product he is selling or about his business strategy… Sya, bilang isang self-employed na shop-owner ay gagawa ng paraan: posibleng magpalit sya ng itinitinda. Posibleng mag-lay-off sya ng tao o i-assign ito sa ibang gawain within his business pa rin. Kelangan nya magremedyo para hindi bumagsak ang kabuhayan; para hindi sya ma-bankrupt.

In OUR Case: Primero (August 1997) may inuupahan kaming pwesto sa bayan, isang small cross stitch & framing + other trivia shop. Si misis ang manager, kasama ang isa o dalawang sinuswelduhan naming helpers; samantalang akong nasa bahay lang (full-time since March 2000) ang bahala sa lahat ng framing jobs.

Late 2004, we decided to give up the rented space and our selling chorvahs… Hindi kasi ang klase ng misis ko ang ‘maitatali’ mo sa pwesto; ang gusto, pagala-gala. 😀 But our framing service (atbp take-home jobs) continues until now although hindi na ganuon kalakas tulad ng dati. Bahay pa rin ang aking workshop, just like the way it started.

Since 2006, ang misis ko ay somewhere between self- and privately employed, sa isang financial services company; Wala syang sweldo pero may komisyon depende sa klase o dami ng business na maipapasok nya. She’s doing this on a part-time basis.

By the way, yung masipag na dalagang helper namin nuon, nag-cultural entertainer sa Japan at ‘pinalad’ na makapag-asawa duon… Despite her ‘luck’ at siguro dahil na rin sa kabutihang-loob na nakita nya sa amin, nanatili syang may mababang-loob — hindi paris ng ilang halos itatwa ang sariling mga kababayan komo nagka-hubby ng foreigners.

3.NON-private

Diretsahin na natin, tutal hindi ko naman nilalahat; kaya nga sabi ko sa “ilang sangay o ahensya” lang ng GOBYERNO. Wala akong partikular na pinatutungkulan, this is just a scenario: Kaya kung eepal ka, malamang guilty ka lang — di ko yun a-lam… Wala ako knows na gan’to ↓ (toingks!?) nanghuhuli lang! 😆

Kung tatamad-tamad ka, o kaya masipag ka nga pero wala namang katuturan ang ginagawa, WHO CARES? Si bosing na supervisor mo dahil maboboldyak din sya ng “mas-bosing” pa sa kanya? Well, sana nga may pakialam sila kahit hindi galing sa bulsa nila ang ipinangsusuweldo sayo. Don’t forget: pareho lang ang pinanggagalingang pondo ng hinahamig nyo tuwing kinsenas-katapusan.

Activiti is not synonimus

wid accomplishment.

P’re… baka naman

naghe-eksersays lang?

May nagmomonitor naman ng performance ng bawat empleyado!”

— eka mo…

Gaano sila kahigpit? Kapa-kapatid at angkan-angkan kayong nagdidilaan ng tumbong dyan, paanong di mawawalan ng kutsabahan? May oras ka pang mag-Cattol-ville sa fezbuk during office hours… Gabi na magla-log-out sa DTR o finger-bandiklak para nag-obertaym kunwari, taz may bitbit pang isang ream ng kokomban pauwi.

Antambak ang peperworks ng sexetary nyo — puro kubrakot-reimbarsmen ng TEVs at perdiems sa regular OB (owi-bahay) trips mo. Ang “siga” mo pa dahil pula ang behikol plate at travul pasupoto mo. Cerfitiket op apparition? Ay madadaan yan sa maboboteng usapan.

Habang ang iba ay di-makapasok para may gagawa ng isang trabahong dapat gawin, kayo naman mag-iimbento ng trabaho para ikaw na wala-nang-magawa ay ma-justify na sumusuweldo pa rin… Bakit hindi ka na lang magresign? … May sibel-serbis-rayts at sekyu-op-tenyur ka pang nalalaman.

Tanungin mo sarili mo: Ikaw ba’y totoong naglilingkod sa bayan? Mukhang “career” mo lang ang umaangat at pamilya mo lang ang yumayaman.

Tinginin ko nga ang output mo? 🙄 … Yan lang!??? 😕 Aba’y hindi sulit ang iniaawas sa KABAN ng gobyerno para ipambayad sayo! Atchows… Yang ofis nyo — ginagawa mo lang na palaBIGASan! 😆

————————————————————————————————

homebody sa PAGE 1

badhubby sa PAGE 3

Pages: 1 2 3

Published in: on 3 February 2012 at 7:00 am  Comments (1)  
Tags: , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/02/03/hom/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. May kapareho pala ako ng username sa internet? 🙂
    Hindi ko alam kung nauna syang gumamit ng
    “homebody hubby” kaysa sa akin… I signed-up for WP using “homebodyhubby” about a month before my first post, which was on 07 Sep 2007. I was not aware then that a similar name does exist, until around 2010 siguro, or after blogging for more than two years.

    No big deal about it, nothing so special about the name:
    Basta hindi ako nanggaya ha? 😆 Marunong din akong mag-ingles kahit pa hindi ito ang netib-lenguaj ko.
    ————————————————

    [ Image source → HERE ]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: