sitentarak

Source ► abowman.com

———————————

Ate, galing ka ba sa angkan ng

mga warlocks at wizards?

Mangkukulam yun di ba?

Hindi a…

E bakit “bruha” ang tawag

ni Teng sayo?

eSpider da-Powter kasi

ang name ko.

Gagambang Potro ↑ nga ba ito? … Residente ng
haybolsite ko sa highland. Iba kasi ang itsura ng otentik na “potro” sa patag .

Late last year, may napikyuran uli ako… →

“Gagambang killer” ang collective term namin sa mga pula ang base ng walong mahahabang paa. May value sa mga tulad kong bata nuon (1970s) ang mga nahuhuli naming ganito, at ginagawan pa ng kani-kanilang kwarto sa kaha ng posporo. Pinaglalaban ang mga ito sa isang piraso ng tingting.

Mahirap makakita ng gagambang killer sa araw dahil karaniwang nakatago ito buong maghapon sa tangkay o lukot na dahon ng halaman. Pagdating ng dapithapon, duon pa lang ito mag-i-spin ng cobweb na magta-trap sa magdamag ng insektong chichibugin. Bago mag-umaga, gigibain nito ang kanyang ‘lambat’ at maghapon uling magtatago… Dasrayt — sa gabi kami “nangingilaw” ng killer-gagambas gamit ang isang improvised na “spotlight”: gaserang isinuot sa malaking lata.

Ang gagamba (kasama ng ALAKDAN) ay kabilang sa Class Arachnida.

————————————————————————————————

← Isa sa mga pinipikyuran ko nuon sa dati kong trabaho.

Karamihan sa mga gagamba ay itinuturing na “kaibigang kulisap” ng magsasaka. Kumakana kasi ito ng insektong peste sa palayan… Derpor, kung bara-bara kang mag-isprey, tigok ang peste, pati gagamba.

!?

————————————————————————————————

Sa blog, kahirap mag-BOMB-post nang di-mahahagip ang mga “tapos na”. Ang siste kasi, kung sino yung “naruon pa” e sila pa itong immune na sa sarkasm. 😆 Kumbaga sa armor ay mala-kevlar-na-sa-thickness ang fez…

Kunsabagay, kaya nga hindi na makapag-brag ang mga “tapos na” e dahil natauhan… Sa mga finished na, huwag balat-sibuyas, hane? Tapos na nga yun e, di ba?

Hayland-kronikol (BATO) sa PAGE 2

Pages: 1 2 3

Published in: on 5 May 2012 at 12:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/05/05/70-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: