plawors

————————————————————————————————

Ang itinagong nakaraan

Masama ba’ng sinabi ko?

Pwedi naman tayo magkakotse uli…

Pero di tayo magkapera kung aasa lang sa

pagpapastor mo.

Ano gusto mong gawin ko?

Magpakakuba ULI sa trabaho?

Hindi ba’t mga kapatiran din

ang “koneksyon” mo?

Reklamo ka nang reklamong walang pera

— ikaw naman itong magastos!

Para konting make-up lang…

“Konti lang…!!!”

Bakit ba di ka mapuknat sa mga

abnormal na yun!?

Ansakit mo magsalita!

Kaya malayo ang loob sayo ng

panganay mo!

Hahh!

That abominable “son” of yours!

Nagtrabaho din naman ako.

Kaya nga nakatapos ang mga an—

Hindi ikaw ang nagpaaral sa

mga anak mo!

Hindi rin naman ikaw a?

God damn it!

1 Timothy 2:12! Ephesians 5:22!

Lumayo ka sa harap kooooo!!!

Swerti ang anim na daliri sa kamay at paa.

Sinasayang mo lang.

Damn you! Damn you!

*pugak! pugak! pugak!*

————————————————————————————————

A-trenta ng Mayo, araun 7 piyem…

Kumusta ka na, eSpi?

🙂

aTeng!

Tagal mong hiatus a?

Oo…

Bisi na naman kau ni “K”.

Kamfufuts de Mayo!

😐

Hindi…

Dyahi nga ako eh —

di ko sya maasistehan.

Para kasing… para kasing

nagi-guilty na‘ko?

Okey ka lang?

Naninibago ko sa’yo…

Tinawag mo ako sa pangalan ko kanina

— hindi bruha!? 😆

Pasensya ka na sakin nuon…

😕

Me sasabihin ka?

May time ka bang makinig?

Telenobela ba?

Tara, dito tayo sa tabi.

Mawindang nako sa tutuong

identity ko, tita…

Pucha! Tagal mo nang bading e…

Anubang nangyari sayo?

Brawni’s confession made me realize things

Mahal ko pala ang mga magulang ko…

Hindi ko man lang nasabe yun ke tatay

bago sya namayapa…

Madrama.

Di ba ako iiyak dyan?

Hindi siguro —

Lesbiana ka di ba?

Sinong kaututang-dila mo

nagsabi sayo? …‘inde ‘noh?

Oo, tsismoso ako nuon…

Pero sori na nga, di ba?

😦

Di bale na nga…

Ops! Sandali, sandali!

Uber ka namang sumeryus ngaun…

Anu ba sasabihin mo?

Dalian mo’t baka magbago pa isip ko. 😀

😐

BUTIKIng-Pasay si Tatay, at may bespren syang SNAKE na kung tawagin ay si “kuy-Og”… Nakilala ni tatay ang nanay ko dahil sa kaibigan nyang ito, minsang akagin syang magbakasyon sa Capiz… Magkababata kasi si kuy-Og at ang aking naging nanay — mag-distant-cousin pa nga, sabi ng auntie ko. Maagang naulila ang nanay kaya ang mga lelang na ni kuy-Og ang nagpalaki.

Sa madaling kwento, nagkaigihan ang binatang-Pasay at ang dalagang-Panay — ikinasal, tumira sa Malibay — datapuwa’t sa kabila ng kanilang ilang linggong matamis na pagsasama ay di agad sila nabiyayaan ng dalawang itlog.

🙄

Dalawang itlog?

Uu… kasi di ba pa-isa-isang pares kung mangitlog

ang butiki?

“Baka hindi lang hiyang si ‘insan sa syudad,” eka sa liham sa kanya ng snake-prend… “Bakit di ka mag-leave sa trabaho at isama sya dito? Mag-honeymoon uli kayo?” — may halong biro, pero may malasakit na payo nito.

So, ganun nga ang ginawa ng tatay ko, at nagdalang-itlog si nanay… Kakaiba nga lang: imbes na dalawa ay makikitang iisa ang nasa tiyan ng nanay…

Pa’no nila nalamang isa lang?

Nagpa-ultrasound?

Hinde, malayo sa kabihasnan ang bar-baryo ng mga nanay.

See-through ang tyan ng butiki — visible pag may itlog.

Ahm… 🙄

Hokey!

Dahil nagsosolo, malaki ang itlog. Nahirapan sa pagluluwal si nanay, nanghina, nagkasakit, at di-nagtagal ay pumanaw… Laking hinagpis ng mga kaanak nya duon, ng ‘tyuhin’ kong si kuy-Og — at lalo na ni tatay, na ang natitirang excitement na lang para harapin ang buhay ay AKO, na hinihintay ang pagsungaw oras na mapisa ang itlog na iniwan ng asawa…

😦

Dumating nga ang araw na yun! Shocked si tatay nung makita ang itsura ko: May mga paang tulad ng butiki, pero may mga kaliskis na parang ahas…

Pinaghinalaan nya ang uncle ko: Isa kang ahas! hiyaw nya dito… Di pa nakaka-recover sa luksa nuon, nagdilim ang isip ng tatay. Tinaga nya ang kaibigan at muntik nang mapatay. Pati sa mga kamag-anak kong umawat ay nagalit sya — Mga lahi kayo ng maligno! Inaswang nyo ang asawa ko!

Tila kinamuhian nya na rin pati si nanay. Magkahalong awa at poot ang emo nya nuon. Kinuha pa rin nya ako dahil ako na lang ang natitirang alaala ng nanay — at siguro para na rin ‘gantihan’ ang mga kamag-anak ko duon… Ipinagkait ako ni tatay sa kanila.

Mahal ako ni tatay pero may mga pagkakataong pag nalalasing sya ay sinisisi nya ako — ALANGANIN ka! Isinumpa… Ikaw ang may kasalanan kaya namatay ang nanay mo! Paulit-ulit yun kaya nagtanim ako ng galit — sa kanya at sa nanay ko…

Namatay si tatay nung 10 years old ako, dahil sa asthma… Until now I can not say for sure kung ‘napatawad’ nya ang nanay ko, si uncle, at ang buong angkan nito. In the first place, may dapat ba syang ipagpatawad kung hindi naman tutuo ang paratang nya? Kung tutuusin, hindi malayong makuha ko ang ilang genetic traits nila dahil kamag-anak nga sila ng nanay ko di ba? Sayang, di nila alam ang diyeney-testing nun…

Binu-“bruha-bruha” mo pa ako,

Ikaw pala itong may lahing mambabarang! 😕

Kinupkop ako ng kapatid ni tatay… Simula nung iuwi ako ni tatay sa Maynila ay pumisan na ang tyahin ko sa amin at hindi na nag-asawa… For all those years, hindi sya nagsawang paalalahanan ang nakababatang kapatid na tapat ang asawa nito… Sa akin man, parati nyang sinasabi na mababait ang mga magulang ko… Si auntie ang tumayong “nanay” ko hanggang sa yumao na rin ito… Halos magkasunod lang sila ni tatay, at ito’y nung trese-anyos pa lang ako.

Wala nang mapuntahan kaya sa matigas at malamig na mga bangketa ng Ermita ako natutulog, kumakain sa pamamalimos, pag wala e sumisinghot ng rugby… Paminsan-minsan, pinapalad na ‘alagaan’ ng isang dayuhan, nakakatikim ng french fries at chicken joy… 😦 … Nakakatulog sa malambot na kama ng mumurahing motel, kasama ang isa o dalawang batang di nalalayo sa edad ko… Pero temporary lang yun. Pag-alis nung foreigner, balik ako sa lansangan… Di miminsang binubugbog ng mas malalaking bata dahil ayaw kong sumama sa mga pagnanakaw nila… Sa ganuong kalagayan ako nakita ni ate Kay.

Tinuruan nya ako ng isang trabaho, bagay na nagustuhan ko naman agad: pagma-manicure at pedicure. Hindi mo naitatanong, pero dahil sa traumang naranasan ko ay pinaka-ingat-ingatan ko sapul pagkabata ang aking mga KAMAY at mga PAA. Ito kasi ang pruweba na ako’y hindi serpent kundi isang lizard!

Tignan mo nga itong cropping ng avatar ko o —

pilit kong pinagkasyang makita ang kamay ko.

I want to show the world —

“Pa, look: with hands!”

W’eno ngaun ang problema mo?

🙄

Hindi ka naiyak?

😕

Okey lang kayang ituloy ko ang

aking pagkukuko?

Wala akong nakikitang masama.

Hindi ba ito trabaho ng

…babae?

Woooo…

Hindi na sya jokla!? 😀

Mamimili pa ba ang mga kuko natin

kung babae o lalake ang mag-aalaga?

It doesn’t matter.

Wala akong nakikitang masama.

🙄

E yung pagsama-sama ko sa chopa tropa?

… sa gay bars?

… and those macho-dancers? (lunok!)

Nakukunsensya ka na, sabi mo?

Not the “gays” per se

😦

Kaya lang, parang nagiging instrumento yung lugar para

mauwi ako sa panlalalakwe?

😕

E di huwag kang sumama dun!

Ikaw, eSpi —

Attracted ka ba sa kapwa mo babae?

Sinabi nang hindi ako “tibo”!

Kulit mo ha!

Therefore,

naa-attract ka rin saming mga hombre?

Ikaw ang bida dito sa page-3!

Bakit sakin napunta ang usapan?

Hina-harass mo na ako nyan!

😀

Sige na, Temz

puntahan mo’ng kaibigan mo…

🙂

May hanggang bukas ka pa…

Hindi na natin idedetalye ang parada, hane? Suffice is to sey na ang month of May ay lumipas nang matiwasæy sa buhay ni Temyong Bulalaquey — ang nilalang na hybrid ng bubuling-Panay at butiking-Pasay.

————————————————————————————————

“Ayon ñga sa kanya-na-bubuwit”:

Cartoons lang naman!”

*bu-RAK!* *bu-RAK!* *bu-RAK!*

Pages: 1 2 3

Published in: on 31 May 2012 at 5:19 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/05/31/plawors/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: