ddd

Ito ay relative sa kinaroroonan ko ngayon:

dito — Nueva Ecija

dyan — Calamba

duon — Los Baños

————————————————————————————————

Woi, klasmeyt! Natatandaan mo pa ba ako?

More reasons kumbakit hindi ako gaanong knows sa Kalamba:

1.Nung hayskul, nasa lower section ako… Ewan ko lang ang ibang eskwelahan, pero sa mga highschool class reunions alumni homecoming, ang majority ng umaattend (mas aktibo at masisigasig sa pag-oorganize) ay ang mga nasa higher sections. (Obserbasyon ko lang, at hindi ko sinasabing “lahat”)

Sa mga naging ‘barkada’ ko sa section 7 (1st year) at section 3 (2nd thru 4th years), iilan lang ang alam kong nakatuntong ng kolehiyo… Pagkagradweyt ng hayskul, naghiwa-hiwalay na kami ng landas: may nag-vocational course, nagtrabaho sa bukid o pabrika, or nagsipag-asawa.

2.Nung hayskul, tho I’m not saying nor assuming na mediocre ako, hindi ako ganun ka-“talino”. From 1st-yr to 4th-yr ay hindi ko napaakyat sa stage ang tatay at nanay ko para magsabit sa akin ng medalya.

3.Nung hayskul, bukod sa regular na pagpasok sa klase, hindi ako interesadong sumali sa mga extra-curricular activities — dance troupe, sports, scouting or CAT.

Naalala ko minsan, sinabihan akong ipi-feature sa aming school-organ na kung tawagin ay “Lizette”. Editorial staff ang ate ko nuon at gagawin daw yun para makilala ako (Baket?) … Hindi ko mawari kumbakit parang di nila maisplukan nung nagpahiwatig ako ng kawalan ng interes. Pabor ang dad ko sa gusto nila, derpor wanakosey, kaya hinayaan ko na lang na sila ang humarap at interviewhin tungkol sa akin 😆 ng dalawa pang student-“writers” na pumunta sa bahay…

Sayang, hindi ko nadala nung lumipat dito ang copy ng Lizette na antagal kong tinabi (for kronikol purposes) hanggang mag-college ako — naipakita ko sana ang “tantalizing eyes” at iba pang highfaluting words sa artikol (pa-tweetums baga?) … Yang ID-pikyur kong syinatan nung 1st year (1974) ang ginamit.

4.Hindi ako diyan sa High School, nor any school sa Kalamba, nagkolehiyo. [ For your info, ang LI na pinaghayskulan ko ay matagal nang nag-o-offer ng college courses bago pa man napangalanang LCBA. ] … Sa UPLB ako “nagpakadalubhasa” at duon na inabot ng siyam-siyam (1978 to 1987).

Ang mga estudyante duon ay nagmula sa iba’t-ibang sulok at panig ng Pilipinas, and it doesn’t matter kung “sikat” o pinakamatalino ka sa pinanggalingan mong syudad, bayan, o probinsya: maraming tulad mo duon. Kung ang mga henyo ngang ito ay very humble na tinatanggap ang pagiging ‘wala lang’ nila sa unibersidad (nakakatikim din ng “INC” “4.0” o “5.0”) — ako pa kayang “average” lang? … Mas marami akong naging kakilala sa Los Baños (not necessarily “taal” na taga-Los Baños) kaysa taga-Calamba.

————————————————————————————————

“Calamba-boy” — that was how my UPLBWC brods used to call me. 😆

————————————————————————————————

Kaya nga nung yumao ang father ko, ang tanging Calambeño-prend kong nakadalaw sa lamay at burol ay ang ex-armyng pulis na nuo’y one-year ko pa lang na nakikilala. Taga-Canlubang sya, akshuli — kaya teknikali, WALA din akong kaibigan o kakilalang taga-Calamba na bumisita. Nagkataon pang sem-break (October) kaya maliban kay bestfriend (taga-Pangasinan) walang katsokarang-taga-LB ang nakabalita dahil karamihan ay nasa kani-kanilang syudad o probinsya… That was year 1985: hindi pa kilala yang internet o maski cellphones.

5.Hindi ako nakapag-asawa ng taga-Calamba, derpor wala akong matatawag na kamag-anak dyan by affinity — kasi nga hindi naman taga-dyan ang misis ko.

6.Hindi rin ako sa Calamba nagtrabaho o nanirahan after grumadweyt o makapag-asawa.

Nagtrabaho ako duon sa Los Baños pa rin (1987); Makaraan ang mahigit dalawang taon ay nadistino sa Nueva Ecija (1989), at dito na nga kami tumirang mag-asawa (hanggang ngayon).

7.For sure, hindi kami dyan sa Calamba magreretiro. (Ahehe, hindi rin duon, at hindi rin dito)

Though hindi ako tunay na “anak ng Kalamba” memorable sa akin ang bayang iyan (syudad na ngayon) dahil kasama syang humubog sa aking pagkatao bago ako tumuntong ng kolehiyo… Dasrayt! Ang Kalamba’y syang ddduyan (o ha!) ng aking kabataan.

Lumilingon lang sa aking pinanggalingan…

————————————————————————————————

buti pa ang datung me hombaddi ( PAGE 1 )

duda-duda-dey sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

Published in: on 19 June 2012 at 5:00 pm  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/06/19/ddd/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: