ayembak!

Sabi ko ► babalik ako

sa Batad!😆 Sa putokrapi, aywan ko…

Hayland-kronikol : 18 • 19~21 • 22 July 2012

[ Pagpi-pikyur muna ibibida ko; The “hike” itself, sa August ko na ipo-post. ]

Even Before our previous attempt, I decided to use 135 film camera.

Dalawang SLR film cameras ang dala ko: isang fully automated with 28~80mm lens, at isang manually operated with 85mm f/1.4… Malabo ang mata ko kaya dapat — kung hindi man autofocus ang camera — maliwanag ang ‘silip’ sa viewfinder para hindi mahirap mag-asinta.

Pinakahuling gamit: EOS, Sep 2006; FM2, Oct 2006

May temporary disabilities ang camera bodies: Yang una, hindi maisara ang likod (naputol ang plastic latch) derpor kelangan kong talian at i-tape para hindi bumukas (mae-exposed ang film); Itong pangalawa, stuck-up ang shutter sa 1/500… Aush nang backup itong FM2, in case na sumablay yang EOS.

Ngayon lang mapapasabak uli ang mga camerang ito kaya dalawang rolls ng color negative films ang pinabili ko. Medyo mahal, pero hope ko lang ay fresh films itong ibinebenta ng non-KodakTM photo center dito sa amin:

1.Kodacolor 200 (36 exp)

2.Kodak Gold 200 (24 exp)

May nahalungkat akong dalawang unused films na tagal nang nakaistak sa bahay:

Kodak EKTAR 25 (24 exp). Sa pagkakatanda ko, nung year 2000 pa ito.😆

Kodak Professional Pro Image 100 (36 exp). I stopped shooting at midroll, nagkaroon na kasi ako nuon ng digital camera (2005).

Sige… mai-“bala” na rin ang mga ito, tutal maliban sa developing charge (Php55 per roll) e wala namang mawawala kung gagamitin. Just expect for the worst (eka ko sa aking sarili) para di ako masyadong manghinayang kung nagkataon.

Ang tanging non-analog na camerang baon ko ay ang 3-megapixel na built-in sa aking lo-lowbat-ing N80 cellphone.

While in the Highlands

Bitin nga ang aking dala… Kahit pa-“pitik-pitik” lang ang panu-nyut, naubos ang aking pelikula bago ko pa man nasilayan ang Tappiyah Falls.

Pag-uwi: Bak-inda-Lowlands, eto’ng resulta…

Hindi pa gaanong paso itong Pro Image; Uber-expired na yang
EKTAR 25… The bad thing is, itong dalawang rolyo, pati yung

1&2dalawang bagong binili ko, hilaw ang pagkakadeveloped!😡
Ang film-processor, gusto kong yakapin nang mahigpit … hanggang mamatay.😆

May maaaninag naman… Padyutay-dyutay ko na lang na ipapagkit dine dahil kahirap mag-digitize from film: aalisan ng alikabok ang negatives… ii-scan… ire-retouched ang digitized image via PhotoshopTM (kahit gano kaingat e hindi maiwasan ang dust specks)… iko-korek ang kulay… In-auto-levels ko, pagtyagaan nyo na lang:

Sana sa Maynila ko na lang ipina-processed?😕 O kaya idinagdag ko na lang na pambili ng sandosenang AA alkaline batteries yung pinambili ko ng films, taz yung DiMage ang dinala ko?🙄 Mas magaang pa sana ang aking kargada…

————————————————————————————————

‘tay, sabi nyo

Dont sulk over speld melk?🙄

Hongah!😕

Charj it tu experyans.

Dasrayt kids! May permanent damages na hindi na maibabalik kahit anong pa-tambling-tambling ang gawin naten.

———————————————————————

IF I’ll use those cameras again, B&W siguro:

bibili ako ng bulk na ako ang magre-reload at magdedevelop.

Iba din ang “thrill” sa darkroom, alam nyo ba?🙂

————————————————————————————————

Sabagay, me mga naka-jamming ako dun na may DSLR. ( Bakit nga ba ang misis ko? Nung nagpunta ng Hangkang — walang dalang camera, pero andaming “kuha”.😆 )

Sekondari lang ang magpikyur… The best thing is nakabalik ako at nakilala ang ilang fellow-haylander na tagaruon. Yun nga lang, sa ngayon e hindi ko pa maibabahagi nang malinaw at makulay senyo ang aking mga nakita.

If you want the best pictures, search nyo sa google — am sure marami ngayon dahil kararaan lang ng harvest festival. If you want the real feel, punta na lang kayo sa Batad.😉

————————————————————————————————

baluga ( PAGE 2 )

mor KLUS sa bæstfoks ( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/07/31/aymbak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. […] • masking tape for the EOS […]
    See this ↑ post’s continuation → here.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: