klaymbak

(ayembak,” part 2 )

Anubang tama, koya —

packbag o backpack?🙄

Di ko a-lam.😕

“Hiking bag” — aush na yun!

Bahagi lang ito →

ng buong PICTURE na ipinost ko sa facebook.

Excited! na makapag-hike ule, na-oberluk kong —

1.mahigit pikti years old na ako, &

2.my last seryus mawnten-“hike” was mordan 24 years ago.

————————————————————————————————

Nasa mood ka bang maglakad magbasa ng superhaba?

Olrayt, tuluy-tuloy ka lang!

————————————————————————————————

At home, two days before, pilit kong isiniksik sa hiking bag (para tumayo) ang mga ito:

1 nyort pants + 1 extra maong na pantalong

1 jogging pants + 1 long-sleeve sweater na pantulog

10 assorted shirts: pang-alis, pambahay, pantulog

5 underwears

3 pairs of socks

3 bonnets, 1 cap

1 thick jacket na may hood

a two-piece bikini three-piece raincoat

a pair of sandals

isang tualya, at isang tualyito

tutbras, tutpaste, sabon, shampu, foot & kili-kili deodorants

isang kilong daing at tuyo + ilang sachet ng instant kopi

ilang pakete ng Sky Flakes (anti-heartburn sa gabi)

nail cutter, compact mirrors, magnifying glass (baka masalubsob ako)

medicines, posporo (survival kit?)

isang back-up camera, pocket tripod, film-puller (inside a camera bag)

masking tape for the EOS

Hand carried ko na lang ang isa pang camera at ang pinamalengke naming mga de-lata. Nakakwintas sa akin ang reading glass: pag hindi ko kasi suot e hindi ko ito mahanap.😆 Nakasukbit o nakabulsa sa suot kong maong ang celfon, pitaka, elhidi, at isang “swiss knife” na hindi Swiss… Yung 6-liter kong woter-container ay binitbit ng isa naming kasama.

————————————————————————————————

Sneak-flashbak:

Hiking bag pa lang, hebi na (me metal brace kasi, kapal pa ng padding)

Pikyur ko yan 7 years ago, nung inuwi ko ang bag from Calamba.
Ang tutuo, first time ko pa lang ito ginamit, dito nga sa pagpunta sa Batad.

————————————————————————————————

Sa Banaue (town) muna kami nag-obernayt; ang lakad ay sa umaga kinabukasan July 19… Medyo makulimlim.

← Bad(?) news: hindi pa cleared sa boulders & mudslides ang rough road from the junction to the Saddle, derpor we have an additional 2.8-km Uphill to hike. Medyo kelangan naming magmadali dahil baka abutan kami ng ulan. (Hindi nga ba’t kaya di kami natuloy last time? Kunsabagay, bagyo yung nuon, ngayon e tila aambon lang) … Yare! Wala pa namang porters na mahagilap…

Mabilis PA naman akong maglakad; pero pag ganitong super-bigat ang kargada ay ibang usapan na yun. Kaya eyun — kauumpisa pa lang e nangulelat na ako… Okeys, mey-ay-sinkronays ang breathing (hingal-kabayo) sa bawat hakbang — para hindi mag-kolaps. Hindi ako kabadong sagarin ang sarili ko dahil DI ko pa nararanasang maistrok o atakihin sa puso.

About 200 meters before we reached the top ( Saddle ), may mga locals na ubrang mag-share ng aming burdens… Isang shot muna, bago i-turn-over ang hiking bags sa porters (Yung pikyur ↑ sa bungad).

——————————————————————

Antay muna,

bakit “saddle” ang tawag?

😕 🙂 Ambundok korteng upuan sa kabayo.

——————————————————————

Saddle: Kung nalinis ang mga bato at putik sa aming dinaanan, hanggang dito sana kami inihatid ng sasakyan. Ito ang talagang starting point ng paglalakad: about 4-kilometer foot trail Downhill to the information center and the lodging houses. [ Kaya kung tutuusin, hindi na ganun kahirap ang magpunta sa Batad ] … Anyways, konting pahinga at meryenda muna dito.

Umaarangkada ako sa pagbaba, pero nagsimulang manakit ang left kneehud at right singit ko. Kasi nga, kung sa pag-ahon ay pilit na binubuhat ang sarili pataas, sa paglusong ay kelangang itukod ang paa para pigilin ang pagbulusok pababa… Well, hindi pa naman siguro rayuma ito.

May mga sheds along the way kung saan pwedeng magpatila ng ulan, magpahinga, o bumili ng pagkain, inumin at souvenirs. [ Kung sa ganang akin lang, sana hindi na dumami ang sheds o shelters — kasi, feeling ko, mababawasan ang natural na ‘dating’ ng lugar. Tama na siguro ang isa kada isang kilometro. ] … Tagal naming nakahimpil dyan sa shed, kumbakit kung kelan paalis na ay duon ko lang napunang natanggal na naman sa pagkakadikit ang traction ng aking rayt rabersyus!

————————————————————————————————

Sneak-flashbak uli:

Remember my rabersyus? Click mo DITO.

Akshuli, ipinadikit na namin ang swelas sa sapatero dito sa Muñoz
(in preparation for the Batad hike). Tatak? Eto ang labels:

Hindi ako konsyus sa mga brands — basta durable at maginhawa sa paa e aush na sa akin. Kumbakit natanggal uli, palagay ko wala sa shoes: mukang may diprensya ang aking paa!😆 Kanan ule e! Samantalang parehong tinanggal at dinikit uli ang magkabilang soles at tractions nitong rabersyus.

Sa Baguio ko na lang ipare-repair uli — tinatahi ang mga sapatos duon.

————————————————————————————————

Baka maiwan ako kaya nagmamadali kong kinuha sa loob ng hiking bag ang aking “Tribu” sandals (pinagliitan ng pamangkin ni misis) at ipinalit sa aking raberyus. Buti na lang naruon pa sa shed ang aking porter; usually kasi nauuna na sila sa destinasyon dahil mas mabibilis silang maglakad (kahit may dala) kaysa sa mga hikers.

“Ayos yan sa trekking,” puna sa aking sandalyas ng aming kasamang host habang isinisilid ko sa bag ang hinubad na medyas at rabersyus.
“Iwan mo na lang sa amin ang rubber shoes mo,” biro pa.

Ahehe, ayoko nga — ‘pemborit ko ‘to ‘no!?

Pagdating sa pinakadulo, limot ang lahat ng pagod dahil sa ganda ng TANAWIN…

Kinahapunan, nagsimulang manakit ang aking mga kalamnan at kasukasuan. Sarap sanang magpa-massage, pero kelangang mag-save ako para pambayad uli sa porter pag pauwi na kami… Dahil sa pagod, mababaw at wala pang isang oras ang itinulog ko nung unang gabi.

July 20 is the final day of the harvest festival. Mas pinagtuunan ko ng masusing pansin ang batu-batuhang bahagdan ng rice terraces. Paano nga ba nila ginagawa ito? Narito sa Banaue ang mga pinaka-expertong arkitekto ng kabite — kaya nga hanggang ngayon e nakatindig pa itong itinayo ng kanilang mga ninuno… Nakalulungkot lang na unti-unti itong sinisira ng kalikasan at ng pagkakaingin.

Maluwag ang huling araw (July 21) tiniyak kong mapuntahan (kahit di pa nanananghalian) ang hindi ko nakita nuon: ang Tappiyah Falls…

Matarik at makitid ang daan paakyat at pababa, kaya halos gumapang ako sa malumot na mga bato na nabasa ng ulan. Pagkatapos ng mahabang lakaran na wala kang makita o marinig kundi ang ilog sa kanan sa gawing ibaba, bigla na lang bubulaga sayo yang falls. May suspense, kumbaga.

Morning the following day (Sunday), sumama akong umattend sa church service. Pamilyar ang himig sa hymnals kahit sa lyrics (at sermon) e wala akong maunawaan. But somehow nasusundan ko ang mensahe base sa gestures at sa konteksto ng Bible verses na binabanggit ng lokal na ‘pastor’.

After lunch, hike back paakyat… This time, ang huling bahagi na aming dinaanan ay ang matarik na hagdan (more or less 413 steps) na shortcut paakyat sa Saddle, kasi okey ang visibility (hindi na foggy) at hindi na basa ang mga baytang… Mabuti’t posible na ring daanan ng sasakyan ang baku-bakong kalsada (kasalukuyan itong sinesementuhan) pabalik sa junction…

Nasa Banaue kami around 5 pm. Nag-dinner muna duon bago bumyahe uli… Home again to Nueva Ecija by 11:40 piyem.

————————————————————————————————

Wehehe, hindi ko na pupunuin uli ang aking hiking bag.

Aba’y kalahati lang yata ng dala ko ang talagang nagamit ko?😆

Nekstaym(?)…

Light jacket lang: hindi kasing-lamig ng haybolsite ang Batad…

Imbes na dalawang maong na pantalon, isang slack na lang…

Bakit nga ba tatlong bonnets!? Tama na siguro ang isa para pantulog?

Bawasan din ang underwears, pede namang wala pag matutulog (pajama lang)…

[ Hindi ko nagamit ang medyas, kasi nga natanggal traction ng rabersyus ]

Ang fut deodorant, magsalin ng TINGI sa ismol container na lang…

[ Hindi ko rin ↑ ito nagamit, kasi nagsandals na lang ako all throughout ]

Manipis na tuwalya, para madali ring patuyuin…

Hindi rin nagalaw ang 2/3 ng Sky Flakes (mas masarap ang Magic Flakes).
Bukod sa hindi sumumpong ang heartburn ko, may dalang tablets ang isang kasama ko
(meron din syang GERD).

Tubig: may mga filtered spring along the trail at duon mismo sa itaas ng terraces…

Camera: leave the heavy FM2; yung Dimage (and EOS? as backup) na lang…

Inpeyrnes, sa mga ganitong paglalakbay — me kargada o wala, mabilis o mabagal ang usad, paahon o palusong ang daan, exhausted or not — I always find myself going back at the end of the line… By God’s grace, throughout our stay here, wala naman sa amin ng mga kasama ko ang grabeng nadulas, nadapa, natapilok o napilayan.

————————————————————————————————

sa haybolsite ( PAGE 2 )

Patuloy ang makalaglag-pangang mga tagpo sa bæstfoksbæstfoks… bæstfoks…

( PAGE 3 )

Pages: 1 2 3

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2012/08/13/klaymbak/trackback/

RSS feed for comments on this post.

One CommentLeave a comment

  1. Dito sa Batad, walang masagap ang cellphones pag nasa homestay; Kelangang umahon ka pa ng maraming metro paitaas sa “info center” para makahuli ng signal.
    ————————————————

    Di ko syur, pero baka ganire din dun sa
    mismong village na pupuntahan namin nekstaym.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: